"Punta na ako sa bus namin," paalam ni Asher saka sumakay sa bus ng nga 2nd year. "Good morning Athena," bati ni Tyler. "Good morning." "Zai, tabi tayo sa bus ha?" sambit ni Kim. "Hoy mangkukulam, ako kaya katabi ni Zai," sabi ni Alyza at nag-umpisa nanaman silang magtalo. Tahimik na pinanood ni Zaira dalawa nang hilain ni Blaize saka dumiretso sa loob ng bus. Pagpasok nila sumalubong ang mga mata ng babae na masamang tingin kay Zaira at bulungan. "Bakit sila magkasama?" "Sila na ba?" "Waaahh! Nakakaingit siya." Napakunot ang noo ni Zaira nang marinig din siya na malandi siya at nakikipagkaibigan lang siya kila Alyza para mapalapit kay Blaize. "Upo," sabi ni Blaize at dahil sa gulat ni Zaira sa biglaang pagsalita nito, napaupo na lang siya sa upuang tinuro nito. Tumabi sa k

