Chapter 33

2257 Words

"Zai!" sigaw ni Kim. Kinawayan niya si Zaira nang lingunin siya nito. Ngumiti naman ito bilang tugon saka tinignan si Blaize na nasa tabi niya. "Blai--Nasaan yun?" aniya nang mawala si Blaize sa tabi niya. Kasabay niya lang ito maglakad bago siya tawagin ni Kim. "Si Blaize ba hinahanap mo? Umalis na siya nung lumingon ka kay Kim," sabi ni Gin nang mapansin niyang may hinahanap si Zaira. "Ah! Ganun ba? Akala ko nilamon na siya ng lupa, hindi man lang kasi nagsabi na aalis," inis na sabi ni Zaira. "Hayaan mo na yun. Ganyun lang talaga yun. Saan ba kayo galing?" tanong ni Kim. "Sa dark forest." "Dark forest!" sigaw nila. Napatakip sa tenga si Zaira dahil sa lakas ng sigaw nila habang gulat na nakatingin sa kanila. "Bakit kayo pumunta doon? Alam mo bang delikado sa lugar na yun?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD