"Kain ka muna, mamaya na tayo mag-usap," sabi ni Liam kay Zaira sabay abot ng stick-o nito. Hindi na nagsalita si Zaira at kinuha na lang ang stick-o niya saka kumain. "Headmaster, pwede po ba kayo makausap ngayon?" tanong ni Liam sabay tingin kila Crystal. Tumango ito bilang tugon saka tinignan sila Crystal. "Crystal, magbihis ka na muna. Kim, samahan niyo siya," aniya. Sinamahan nina Thea at Kim si Crystal sa dorm nito habang naiwan naman sila Tyler. "Okay lang ba kung nandito sila?" tanong ni Headmaster Black kay Liam. "Okay lang po. Tatanungin ko lang po kung pwede sila Athena sa dorm ko?" tanong ni Liam. "Kahit magkapatid kayo hindi kayo pwede magsama dahil nasa rules na hiwalay ang dorm ng mga teacher sa mga student," tugon ni Headmaster Black. "Saang room po sila pwede? M

