"Ahas? Sir Liam, pumunta ba siya sa lugar na yun?" tanong ni Tyler. "Kuya na lang, wala naman tayo sa academy. Pumunta nga siya doon habang wala pa kami." "Anong klaseng ahas kumagat sa kanya?" "Hindi ko alam basta nakagat daw siya ng ahas." Nagdilim ang mukha ni Liam nang maalala niya ang taong ahas. "Igagawa ko muna kayo ng maiinom," sabi ni Liam saka lumabas. "Ayos lang ba siya?" tanong ni Alyza kay Levi. "Ku...ya..." sambit ni Zai habang natutulog. Kumapit ito sa kumot saka ito niyakap ang sarili habang nanginig. "Hindi maganda ang lagay niya, kumakalat na ang lason sa katawan niya. Kung kahapon pa siya nakagat yang nakikita niyo ngayon, sintomas yan na may lason sa katawan niya. Delikado ang lagay niya, kailangan kong malaman kung anong ahas ang kumagat sa kanya," tugon ni

