Chapter 28

1874 Words

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Asher kay Liam. "Mamaya ka na magtanong, kailangan natin magamot si Athena." Hiniga niya ito sa sofa. "Athena, gising ka pa ba?" tanong ni Liam sabay tapik sa mukha nito. Dumilat si Zaira at halos maiyak na ito. "K-kuya ang sakit," aniya sabay sulyap sa paa niya na namamaga. "Saan mo ba nakuha yan?" tanong ni Asher. "Kagat ng ahas," tugon ni Zaira at muling nanginig ito nang maalala ang nangyari. "Wag ka na magsalita," sabi ni Liam habang nililinis ang sugat nito. Tinignan niya si Asher. "Paris, sisipin mo yung dugo niya sa paa para matanggal ang lason," aniya. "Bakit ako?" tanong ni Asher. Ayaw niya na sipsipin ito dahil baka malasahan niya ang dugo nito at hanap-hanapin niya. "Sino ba bampira sa atin dalawa?" "Ako, pero kuya baka hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD