"Zeque, nasaan ka na?" sigaw ni Zaira. Kakatapos lang niyang kumain at ngayon handa na siya kausapin ito subalit nawala ito bigla. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. "Sabi ko sa kanya wag siyang aalis," bulong niya habang nakasimangot. Lumabas na muna siya upang maglakad-lakad. Mas gusto niya makita ang labas kaysa magkulong sa loob. Sa Black Academy, "That's all for today, you may go now, " sambit ni Liam sa mga istudyante niya. Kinuha na niya ang gamit niya saka umalis. "Sir Liam, gising na po ba si Zai?" tanong ni Crystal nang makalabas ito. "Hindi pa siya nagigising nung umalis kami." "Pwede po ba namin siya dalawin bukas?" Napayuko si Crystal dahil nahihiya ito. Napangiti si Liam at hinawakan siya sa balikat kaya napaangat ito ng ulo. "Hindi ko naman kayo pinagbabawa

