"Oh? Bakit ang laki ng eyebag mo? Natulog ka ba?" tanong ni Kim kay Zaira. Humikab si Zaira dahil inaantok pa ito. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip ko sa nangyari kahapon. Hindi mawala sa isip niya ang pagsigaw ni Blaize habang galit na nakatingin sa kanya at hanggang hindi siya nito pinapansin. Sa hindi malamang dahilan, nalulungkot si Zaira dahil doon. "Ayos ka lang ba Zai?" tanong ni Tyler habang sinasabayan siya maglakad. Tumango si Zaira bilang tugon. "Tyler, bilisan niyo," sigaw ni Gin. "Tara na." Hinawakan siya ni Tyler sa may bandang pulso niya saka binilisan ang lakad. Walang imik na sinabayan siya ni Zaira. "Jin!" sigaw ni Sargent sabay takbo sa isang lalaki na na kausap na babae. "Nakita din kita," nakangiting sabi ni Sargent. Napatingin siya sa babaeng kasama

