"Zai dapa!" sigaw ni Crystal. Pagkadapa ni Zaira, tinira ni Crystal ang mga sumugod na goblin sa sa kanila. "Thanks," pagpapasalamat ni Zaira. Nagsitakbuhan ang mga goblin bitbit ang mga kasamahan nila na tinamaan ni Crystal. Tinuloy na nila ang paghahanap ng sampung bagay na pinapahanap sa kanila. "Akin ito! Ako unang nakakita," sabi ni Kim. "Anong ikaw? Ako unang nakakita nito," tugon ni Adrian habang hinihila kay Kim ang kwintas na may kulay pulang gemstone. "Ako kaya!" "Hindi!" "Magbato-bato pik na lang kayo para walang away," sambit ni Gin para tumigil na ang dalawa sa pag-aagawan. "Okay. Game! Sino manalo sa kanya itong kwintas," sabi ni Kim saka hinanda ang kamay. Pinahawak muna niya kay Thea ang kwintas. "Sige ba." Pagsang-ayon ni Adrian. "Bato bato pik!" sabay n

