TWENTY ONE

3034 Words

Days passed in a blur. At parang araw-araw ay excited si Remi na gumising at magisnan ang asawa niya. Gaya na lamang ngayon, maaga siyang nagising at nasilayan niya ang natutulog na mukha ng guwapong asawa. Bahagya pang nakakunot ang noo nito na tila ba binabagabag ng kung ano kahit sa pagtulog nito. Nitong mga nakaraang araw ay palagi niya itong naabutan na may kausap sa cellphone. Sa tuwing tinatanong niya iyon ay iisa lamang ang sagot nito: business matters. Madalas ding nagpupunta sa bahay nila si Carlos at sa tuwing dadating ito ay mag-uusap ang mga ito sa pribadong opisina ng asawa niya sa bahay. Mag-uusap ng mga bagay na wala siyang kaide-ideya kung ano. Hindi lamang iyon, pinsadya pa ng asawa niya na ipa-soundproof ang opisinang iyon. Minsan ay gusto na niyang magtampo sa asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD