A/N: Warning: SPG | Mature-content | R18 | Read at your own risk| Typo ahead | Hinubad ni Edward ang reading glasses at nakapikit na sumandal sa swivel chair niya. He pinched the bridge of his nose. Ilang oras na din siyang nagbabasa at pumipirma ng mga dokumento na natambak sa ilang linggo niyang hindi pagpasok. Nasa ganoong estado siya nang bumukas ang pintuan ng opisina niya. Napaawang ang labi niya nang pumasok doon si Clarylaine-- ang sekretarya niya at matalik na kaibigan ng asawa niya-- na may dalang ilang patong ng mga nakakapal na folder. Walang habas nitong ibinagsak ang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya at sa dami niyon, nadaganan na din ang mga dokumento na hindi pa din niya tapos pirmahan. "Stop slacking-off, Boss, and do YOUR job," mataray na sabi nito. "Hindi porket bati n

