"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA KO KUNG GAGAWIN KO 'YON!!"
Mabilis ang bawat hininga ko dahil sa galit. I glared at him
"T-THEN WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY ROOM?! KATABI PA KITA SA KAMA! AT WALA PA AKONG SUOT NA DAMIT! EXPLAIN YOURSELF b***h!"
Lalo'ng nadagdagan ang galit ko sa sinabi nito at ang pagsigaw pa nito sa akin. Mabilis akong lumapit at sinapak ito na nagpatili muli sa kanya. Tae, ang ingay!
"H-how d-dare y-you! BAKIT MO AKO SINAMPAL!!" Turo ng isa nitong kamay sa akin habang ang isa ay nakahawak sa pisnging sinapak ko
Salubong ang mga kilay ko habang galit na nakatingin sa kanya. Nagcross arm at nag-indian seat ako sa harap nito habang binibigyan naman ako nito ng masasamang tingin
"How dare me talaga. Manahimik ka nga dyan ang aga-aga ang ingay mo. At anong rape? Huy, sa ating dalawa ikaw ang may tsansang mang-rape sa akin ano?" Kalmado pero nando'n pa'rin ang inis sa boses ko. Habang ito naman ay nanlalaki ang mga matang pinukulan ako dahil sa sinabi ko.
"Ako? Man-ra-rape?! Pwede siguro pero hindi sa kagayang tulad mo! Hindi kita type no! Kalurkey!" Inis na saad nito at inukutan pa ako ng mata habang tinatakpan ang sarili ng kumot.
Napa-ikot ako ng mata dahil sa sinabi nito pero agad akong natigilan. Hindi si karios ang kasama ko ngayon.
Sino naman kaya 'to?
Tinitigan ko ito ng maigi sa mga mata na ngayon ay malilikot ang mata para iwasan ang mga tingin ko at inalala ang inakto nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa konklusyon na tumatakbo sa aking isipan
"BAKLA KA?!" bulalas ko na nagpagulat sa kanya dahil sa pagsigaw ko. Mabilis naman ako nitong inirapan nang makabawi sa pagkagulat
"Ay teh? 'Di mo knows?" Mataray na saad nito at tinaasan pa ako ng kilay.
Tae! Bakla nga sya!
Agad lumawak ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kanya. s**t! Na malagkit!
"U-uy, b-bakit ka ngumi-ngiti ng g-ganyan?" Lalo'ng lumawak ang mga ngiti ko sa natataranta nito'ng boses. Sigurado akong kumikislap ang mga mata ko dahil sa tuwa habang nakatingin sa kanya
"SISSY!" Tili ko at agad kong itinapon ang sarili ko sa kanya at niyakap sya sa leeg
Umatras ito dahilan upang mahulog kami sa kama habang nakayakap ako sa kanya. Bumagsak kami sa carpet habang sya ang nasa ilalim ko. Dumaing ito at pilit akong pinapalayo sa kanya pero mabilis kong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg nya.
Nagtitili ako at nagpapadyak dahil sa tuwa. Gosh! I can't believe that orlin's has a gay personality sana pala nung una pa lang ito na ang nakilala ko at hindi na 'yong iba.
I like gays, not in a romantic way, okay? I just like their humor and being true to their friends. Well, some of them. 'Yong iba kasing bakla iba ang ugali. And now that orlin's has a gay personality hindi ko mapigilang sumaya. I dream to have a gay friend yung magiging bestfriend mo na and treat you as his sister, 'yong makakasama mo pa sa mga kalukuhan.
Bumitaw na ako rito ng mapansin na hindi na ito nagpupumiglas sa yakap ko. Umupo ako sa gilid nito at tumingin sa kanya na malawak ang ngiti ko
"Sorry" sabi ko at humagikhik pa sa kanya nang makita ko ang inis sa mukha nito
"Seriously, girl? Humihingi ka ba talaga ng sorry?" Tumango ako dito at ngumiti ulit na inirapan nya lang
"Mukhang tuwang-tuwa ka pa nga sa nangyaring pagkakalaglag natin, e" inis na bumangon ito at umupo
Umiling ako rito
"Hindi, ah!" Depensa ko pa. Ngumiti ulit ako "can I call you sissy? Alam mo bang matagal ko ng gusto na magkaroon ng gay friend" saad ko pa
Umiling ito "No. Until you tell me why I'm here with you, at katabi pa kita sa higaan" sabi nito ng nakakunot ang noo "hindi mo ba talaga ako ni-rape?" Habol pa nito na ikinainis ko
"Ako? Man-ra-ra-pe? Kapal ha!" At inirapan sya na tinaasan lang nito ng kilay "dito natulog si karios kagabi dahil sa kasunduan namin" sabi ko
Nanlaki naman ang mata nito at tinakpan pa ang bibig na may malaking O rito. Awww ang cute nya hehehe
"You knew about karios?! You knew about us?! Sino kang babae ka!" Nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses nito pero agad akong nakabawi at napabuntong hininga
"Yes, I know you. You are all orlin's personality" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang OA na reaction nito sa sinabi ko na agad ko namang pinanliitan ng mata
"Fine, continue" sabi nito. Napangiti ako at tinuloy ang sasabihin ko
"My name is Alona Marie Fernandez-Morkeil. Ang asawa ni orlin at ang asawa mo ngayon" hinintay ko ang reaksyon nito mula sa pagkatulala
"ARE YOU SERIOUS?! asawa kita? I-i mean namin?" Tanong nito na tinanguan ko. Napanganga ito. Tumayo ito sa harapan ko at nagpabalik-balik ng lakad habang sinasabunutan, nagpapadyak at ginugulo ang buhok nito. Pinagmasdan ko lang ito at gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon.
Maya-maya ay tumigil ito at diretsong tumingin sa akin. Bigla tuloy akong nasamid dahil sa tinging ipinupukol nito
"What?" Tanong ko dahil hindi pa'rin nito inaalis ang tingin sa akin.
Inis na sumigaw ito sa matinis na boses bago nagsalita
"I can't believe this! Hindi na ako makakapaglandi sa mga lalaki! Waahh my single life!" Maktol nito at napasabunot habang ako naman ay napangiwi
Hayy naku.
"I'm still here" biro ko at napahagik-hik ng samaan ako nito ng tingin
"What?! No way!" Inis itong umupo sa gilid ng kama "gurl, never akong papatol sa babae kasi babae rin ako, gets?" Tumango naman ako. Alam ko na ang linyang yan.
Tumayo ako at tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama. Tumahimik naman ito kaya tiningnan ko ito gamit ang gilid ng mata ko
"So, can I call you sissy, now?" Nag-aalangang tanong ko
Mabilis itong lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin
"No" mataray na sagot nito. Napasimangot naman ako. Sissy na nga lang ayaw pa? 'Di kaya baks ang gusto nyang itawag ko sa kanya?
"Emma, call me emma. Alona right?" Tumango naman ako at napalitan ng ngiti ang mga labi ko
"Emma" ulit ko. Emma? Emma? Emma?
"Emmanuel ang pangalan mo?" Tanong ko. Nagulat at natulala ako sa sunod na ginawa nito
Nang makabawi ay sinampal ko rin ito. Aba! Lintek lang ang walang ganti!
Napahawak ito sa pisngi nito at gulat na tumingin sa akin
"Bakit mo 'ko sinampal?" Tanong ko sa mahinang boses habang hawak ang kabilang pisngi ko na sinampal nito.
Shit! Ang sakit!
"Nananampal ako pag may nagsasabi ng totoo ko'ng pangalan" iwas tinging saad nito habang hawak pa'rin ang pisngi "bakit mo naman ako sinampal?" Tanong nito
Napangisi ako
"Sabi nga nila 'lintek lang ang walang ganti'" sabi ko at tinaas baba ang kilay.
Tinarayan lang ako nito. Samantalang napa-ngiwi naman ako.
Humiga ako sa kama habang nanahimik naman kaming dalawa. Tanging ang pagbuntong hininga nya lang ang naririnig ko.
Ano naman kaya ang iniisip nya?
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitig sa kisame. Maya-maya ay may naisip akong tanong
"Kung kwarto mo 'to? Saan ako matutulog mamaya?" Tanong ko habang nakatingin sa taas
Hindi naman ito sumagot kaya nagsalita muli ako
"Pwede bang dito na lang ako matulog? Tutal naman imposibleng magka-interes ka sa akin"
Mabilis itong humarap sa akin na hindi makapaniwala sa sinabi ko
"Are you serious?" Sigaw nito "what if I did something that you didn't like huh? How's that?" Nandidiri pa nitong sabi
Bumangon naman ako sa pagkakahiga at tinaasan ko ito ng kilay
"Sigurado ka bang may gagawin ka'ng masama?" Hamon na tanong ko
Mabilis itong umiwas ng tingin at umiling
"W-wala" napangiti ako
"Wala naman pala, e. Edi okay lang. At tsaka sabi mo nga kanina 'di ka pumapatol sa kagaya ko" sabi ko at humiga muli sa kama habang napatango naman ito
Muli na naman kaming natahimik. Sandali lang ay ito na ang bumasag sa katahimikan
"Gusto mo'ng sumama sa pagshopping?" Mahinang sabi nito na agad nagpabangon sa akin
"Magsho-shopping tayo?" Tanong ko na agad naman nitong tinanguan. Napatili naman ako
"Sagot mo?" Tanong ko nang maalala na wala nga pala akong pera ni kahit nga barya wala, e.
Lumingon ito at ngumisi. Tila nagmamayabang. Tss
"Of course, morkeil ata itong kasama mo" pagmamayabang nito. Napa-irap ako. Kalaunan ay napangisi ako at tumayo habang nag-unat-unat ng katawan
Yes! Makakalabas na ako!
"Call! Maliligo lang ako" sabi ko at tumakbo papunta sa banyo upang maligo
Lumabas ako ng banyo na suot ang isang loose mustard shirt na may naka-print na isang malaking smiley face sa gitna habang tinuck in ko naman ito sa faded fitted jeans na suot ko and a pair of white shoes. At hinayaan kong nakabagsak ang maitim kong buhok.
Sumalubong naman sa paningin ko si emma o emmanuel na nakasuot ng plain white shirt na may nakasabit na black shade at black na kargo pants.
Napatulala pa ako sa kinatatayuan ko, kasi, Wow! As in wow na wow! Akala ko kasi ay magsusuot ito ng mga pangbabaeng damit like other gays out there. Simple lang ang damit na suot nito but still, he look exactly like a model for me.
Napatili naman ako ng matauhan sa pagkakatulala at patalon-talong lumapit sa kanya.
"You know what? Hindi kita mapagkakamalang bakla dyan sa suot mo. You look like a model, emmanuel" nakangising saad ko na inikutan lang ako ng mata
"Don't call me Emmanuel, it's Emma" nakabusangot na saad nito habang salubong ang mga kilay. Umiling ako
"No. From now on I'll call you Emmanuel. Ang ganda kaya ng pangalang emmanuel at tsaka ayuko nga na malaman ng iba na bakla ka. Ang ganda-ganda mo kayang lalaki. I'm sure maraming masasaktang babae" inirapan ako nito
"I don't care what they might say, alona girl" napa-ngiwi naman ako lalo na ang marinig ang matinis na boses nito.
"Come on, emmanuel. Wala namang mawawala, e. Anyway, don't treat me as your wife but treat me as your sister or bestfriend, okay?" nakangiting sabi ko
Tumango na lang ito at naunang lumabas. Pumasok muna ako sa walk-in-closet at kinuha rito ang isang black sling bag at isinukbit ito sa balikat bago ako lumabas ng kwarto.
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ang papuntang dining
"Wait, emmanuel. Hindi tayo mag-u-umagahan?" Tanong ko sa kanya na nakalayo na sa akin. Huminto naman ito at humarap sa akin
Umiling ito at nilagay ang isang kamay sa bewang
"No. Sa mall na lang tayo magbri-breakfast. Come on, so we can eat na" at naglakad ulit ito at iniwan ako. Napatingin ako papunta sa dining
Bakit sa mall pa kami kakain? Pwede namang dito na lang?
Iiling-iling akong sumunod sa kanya habang napapakunot ang noo ko pag nakikita ko ang pwet nitong kumikending. Tae! Tinalo pa ako na babae.
Nakita ko itong sumakay sa kotse na kulay itim at pinagbuksan ng driver sa backseat. Nagmadali naman akong pumunta rito at sumakay.
"Ang bagal mo" mataray na saad nito na ikinasimangot ko.
Hindi ko na lang ito pinansin at sinandal na lang ang likod sa upuan at ipinikit ang nga mata.
Umandar na ang kotse habang kami naman ni emmanuel ay hindi nagkikibuan sa pwesto namin. Napabuntong-hininga ako at iminilat ang mga mata sabay baling sa pwesto ni emmanuel. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin din ito sa akin.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at sinabi ang pakay ko
"S'ya nga pala, nagtataka lang ako? Bakit nyo alam ang tungkol sa inyo? Sa kundisyon nyo? As I've learned and read hindi alam ng mismong tao na may sakit sya ng DID? Lalo na kayong mga identity nya. Unless kung ito ay ipinaalam sa inyo?" Nag-aalangang tanong ko, samantalang napabuntong-hininga naman ito at tumango.
"lolo tells about our condition, and orlin's the real owner of this body." Tumango ako
"How it feels?" Umayos ito ng upo at tumingin sa unahan.
"I don't know really." At lumingon ito na may malulungkot na mata. Napa-kagat ako ng labi dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Fudge! Dapat hindi na ako nagtanong!
"So--" napalunok ako ng 'di ako pinayagan nitong magsalita.
"It's okay, you don't have to say sorry." Tumango ako at 'di na lang muli nagsalita hanggang sa makarating na kami sa mall.
Nang makababa kami ay agad kong isinukbit ang kamay ko sa braso nito na hindi naman nito tinutulan. Kaya habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang ngumiti at ma-enjoy na kasama sya. I also become clingy. Katulad ng inaasahan ko kanina pa sa bahay, maraming babae ang nag-pa-pa-cute kay emmanuel. Paano ba naman kasi gwapo itong kasama ko lalo na't sinuot ang black shade nito. Tirik lang ang araw, beh?
Buti na lang talaga at hindi ito ngayon kumikinding, dahil naku! Maraming mahihimatay na babae. Tsk. But I think he just protecting orlin's image.
Pumasok kami sa isang restaurant upang mag-umagahan. Habang kumakain, napatigil ako nang mapansin ko na hindi pa nito nakakalahati ang pagkaing inorder. Inangat ko ang paningin at agad kumunot ang noo ko nang mapansing nasa iba ito nakatingin.
Sinundan ko ang tinitingnan nito. Napa-nganga ako sa nakita at napakurap-kurap. Nang makabawi ay mabilis na ibinalik ko ang tingin sa kanya at pinitik ang noo nito. Ang pagdaing ang agad na narinig ko rito at ang pagtingin sa akin ng masama na ginantihan ko rin.
"Sira ka ba?! Baka mahuli ka nung lalaki na 'yon na tinitingnan mo. Baka kung ano pa ang isipin no'n sa 'yo" naiinis na bulong ko at nginiwian ito.
"I can't help it, alona girl. Ang gwapo nya kasii" napa-rolyo ang mata ko lalo na nang marinig ang kinikilig na boses nito. Seriously?!
Wala akong nagawa at lumingon ulit sa likuran ko at tiningnan ang lalaking nakakuha ng atensyon nito. Limang table ang layo nito mula sa pwesto namin. He have this black messy hair, a thick eyebrows, sharp nose, rossy thin lips and a fair skin na bagay na bagay sa kanya. Wearing a plain white shirt na pinatungan ng light blue polo and faded maong pants na tinernohan ng itim na branded shoes. In short, gwapo nga.
May kasama itong isa pang lalaki na nakatalikod naman sa akin, and I think base on his posture at ang klase ng pananamit nito ay masasabi ko din na gwapo ito. Napansin ako nung lalaki at agad akong nginitian. Mabilis pa sa alas-kwatro na umayos ako ng upo at kunot-noong humarap sa kaharap ko.
Oh gulay! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya!
Napatampal ako sa aking noo at minumura na ang sarili dahil nahuli ako nitong nakatingin sa kanya. Napatingin naman ako kay emmanuel na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.
"Gwapo diba?" Ngingiting saad nito habang nagta-taas baba ang kilay. Gusto kong magmura sa inis pero tanging ang pagkagat ng mariin sa labi ko at ang pagkuyom ng mga kamay ko ako humantong.
"Uy, type mo din? Wag kang mag-alala. I can share naman, e" napasuka naman ako kahit walang isusuka. Umikot rin ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.
"Wag mo akong ma-ganyan-ganyan, emmanuel." Inis at kini-kilabutan sa sinabi
Sumimangot ito at inikutan ako ng mata. "It's Emma, alona girl. Emma." ako naman ang umikot ng mata.
"Your name is Emmanuel, so, it's Emmanuel. Not Emma" nangingiting asar ko sa kanya. Bumalik naman ako sa pagkain habang ito naman ay bubulong-bulong.
Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang malakas na pagsinghap ng nasa harapan ko. Tumingin ako rito pero sa iba ito nakatingin, sa likod ko. Sinundan ko ang tinitingnan nito at halos masamid ako sa sariling laway ng makitang nakangiti ang lalaking tinitingnan namin kanina sa akin.
Napanganga ako. Hindi dahil sa mas gwapo pala sya sa malapitan, kundi dahil nakita nya talaga ako kanina na nakatingin sa kanya. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya at magtago, tae! Nakakahiya! Nilapitan nya pa talaga ako.
"Hi, miss. I'm sorry if I'm going to disturb your breakfast with your friend, but I caught you glancing on our table, specifically to me. By the way, I'm Dan" nakangiting saad nito at nilahad ang kamay sa harapan ko. Habang ako hindi parin makapaniwala sa nangyayari.
Lumapit pa talaga sya para magpakilala. Tingin nya ba sa akin, type ko sya dahil tiningnan ko sya kanina?! Hindi ako easy to get, noh! Masyado namang confident si kuya. Tch!
"I'm sorry to say this, but... " napalingon ako kay emmanuel at naabutang pinupunasan ang labi nito gamit ang table napkin.
Ano naman ang gagawin ng isang ito?
Tumingin ang mga mata nito sa akin, at hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa nito. Gosh! Bakit kasi biglang sumeryoso ito. Ibinaba na nito ang napkin at ibinaling naman ang tingin nito sa lalaking dumating, si Dan.
"I'm not her friend" na nagpangiti naman sa lalaki, habang si emmanuel naman ay lalong sumeryoso ang mukha. Gusto ko syang sabunutan dahil sa sinabi at pagkukurutin dahil sa inis! Ano bang binabalak ng gay na 'to?
"Then, good! Can I--"
"She's not my friend co'z she's my wife. If you don't mind, we're leaving." Putol nito at mabilis na tumayo at kinuha ang kamay ko kasama ang sling bag ko na nakasabit sa upuan at hinila ako.
"Uy, hindi pa tayo tapos kumain" reklamo ko. Hindi ko pa nauubos yung spaghetti ko at yung pancake.
Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil mabilis ang bawat hakbang nito palabas ng resto at dahil na'rin sa hindi ako makapaniwala sa nangyari. Seriously? Akala ko ay makikipag-landian ito sa lalaki. Ano naman kaya ang naisip nito at hinila pa ako paalis do'n?
"Teka, tigil na. Mapagod na." Reklamo ko. Huminto naman ito at humarap sa akin at inabot ang sling bag ko na mabilis ko naman kinuha.
"Anong trip 'yon? Bakit tayo umalis?" Takang tanong ko na may bahid ng inis at mabilis na lumapit sa pabilog na pader dito sa mall at sumandal. Biglang sumakit ang tagiliran ko. s**t!
Marami ngayong tao sa mall, isama pa na araw ng linggo ngayon at maraming pamilya ang nagba-bonding. Mapait akong napangiti nang maalala ko na ganito din kami nila papa. Tuwing araw ng linggo, lagi kaming lumalabas at nagsisimba. Nakaka-miss ang mga araw na 'yon. Sana nandito pa'rin sila, pero alam kong imposible pang mangyari 'yon.
Napatigil ako sa pagmamasid sa mga taong dumadaan sa harap ko nang humarang sa harapan ko ang katawan ni emmanuel. Napa-angat ako ng tingin rito at katulad kanina, seryoso pa'rin ito.
Tumaas ang kilay ko ng hindi ito nagsalita hanggang sa umabot ito ng ilang minuto na nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga ako at nagsalita.
"Nagseselos ka ba?" Biro ko rito. Pumikit ito ng mariin at inis na tumingin sa akin sa oras na binuksan nito ang mga mata.
"Oo"
Shit.
Biro ko lamang iyon!
"W-what?"
"Nagseselos ako dahil ikaw ang pinansin ng lalaking 'yon! Mas maganda pa ako sayo, alona. Admit it. Ang pinagka-iba lang natin, ikaw ang babae, samantalang binabae lang ako" mahina pero nagseselos na bigkas nito na nagpatigil sa akin. Nang matauhan sa sinabi nito ay agad akong humagalpak ng tawa. s**t! Muntik na ako do'n.
"It's not funny" nakasimangot na sagot nito habang tumatawa parin ako.
Tumalikod ako rito at huminga ng malalim para tumigil na ako sa pagtawa. Pinahid ko rin ang luhang nangilid sa kakatawa ko kanina.
Mother fudge!
Bakit may kumirot?
"Tara na nga! Gumala na nga lang tayo" hila ko sa kanya at pumunta kami sa arcade.
"What are we doing here? Masyadong maraming tao, and masikip. I hate crowds," I rolled my eyes. Kakarating palang namin ang dami na agad reklamo. Paano pa kaya kung nasa loob na kami?
I sigh. Humarap ako rito at nag-cross arm.
"First, we're going to have fun. Pangalawa, arcade ito and you should expect na marami talagang tao rito. Pangatlo, at dahil nandito narin naman tayo sa mall, bakit hindi muna tayo maglaro." Obvious na sagot ko. Humarap muli ako sa likod at bigla akong na-excite sa isipang makakapsok muli ako rito.
"Ngayon na lang ulit ako makakalaro" bulong ko at mabilis kong nilingon ang nasa likod ko at hinila ito papasok.
We buy token. Syempre sagot ni emmanuel, sya kaya ang nagyaya. Tinary namin lahat ng laro, ako lang pala dahil nasa gilid ko lang ito at pinapanood ako sa bawat laro.
"Alam mo, ang killjoy mo. Siguro 'di ka pa nakakalaro dito no?" Tanong ko ng maboring ako sa mga laro ko dahil pinapanood lang naman ako nito.
Namumulang napatingin ito sa paligid habang napakamot sa batok bago ibinalik ang tingin sa akin. Dahan-dahan itong tumango na nagpagulat sa akin.
Pinalubo ko ang pisngi dahil sa inis at napapadyak. Hinila ko ulit ito at bumalik sa unang nilaro ko.
"Kung sinabi mo sana kanina, edi kanina pa tayo nag-e-enjoy dito. Hala! Maglaro tayo ngayon"
Inabot kami ng ilang oras sa paglalaro sa arcade. Nagulat pa nga ako dahil ang galing nito maglaro, he looks like a pro. Parang hindi si emmanuel ang kasama ko dahil hindi ko man lang makitaan ng kaartehan sa katawan. Like yong pilantik? Yong senyales ng pagiging bakla? Isa pang ipinagtataka ko dahil hindi ako nito pinapansin na parang hindi ako nito kasama. Tahimik rin ito at seryoso lamang naglalaro.
Lumabas na kami ng arcade. Hanggang ngayon nagtataka parin ako sa kinikilos ni emmanuel. Nasa unahan ko ito, nauunang naglakad sa akin. Hindi man lang ako nilingon.
Huminto ito, dahilan upang mapahinto rin ako. Lumingon-lingon ito na parang may hinahanap. Tumingin ito sa likod, sa akin. Nakita ko kung paano nag-relaxed ang mukha nang makita ako nito. Lumapit ito sa akin at niyug-yog ako.
"I thought, iniwan mo na ako dito." Relieved na saad nito at nakahinga ng maluwag "Teka? Bakit nasa labas na tayo? Akala ko ba maglalaro pa tayo, alona girl" kunot noong tanong nito dahilan upang maging gano'n rin ang reaksyon ko
"Naglaro na tayo, ah?" Nagtatakang tanong ko "ang galing mo pa nga, e. Hindi mo na nga ako pinansin dahil masyado kang naka-focus sa paglalaro" bumitaw ang mga kamay nito sa balikat ko at napahakbang paatras habang tinatansya ang reaksyon ko
Umiling ito na nag-palalim ng kunot sa noo ko
"I don't remember anything that I play, alona girl." He said wondering "a-and I don't remember any games that I played, i-if I r-really played." Nakatungo ito habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa baba
Mabilis kong isinantabi ang tumatakbo sa isip ko at hinila ito pa alis.
"Forget it," seryosong saad ko habang hinihila ito palayo sa arcade "magsimula na tayo magshopping!"
I rolled my eyes for the ninth time and wince for every dresses that Emmanuel get on the racks.
Nakasunod lang ako rito habang inilalagay naman nito ang mga dress sa kamay ko kung ano ang matipuhan nito para sa akin. Ganito rin ang eksena sa tatlo pang boutiques na pinuntahan namin kanina, na puro skirts, pants, blouses, off shoulders top, crop tops, shirts, that he buy for me and now we're here, a boutique also, to buy dresses.
Hindi naman ako makareklamo dahil sya naman daw ang magbabayad at hindi ako. Kaya wag daw ako magreklamo. Hmmp! paano ako hindi magrereklamo kung ang dami na n'yang nabili sa tatlong boutique na pinuntahan namin kanina. Sayang ang pera! Jusko!
"Emmanuel, please tama na 'to. Hindi ko naman masusuot lahat ng binili mo, e. I'm not into dresses, I'm more on t-shirts and pants." Huminto ito sa pagkuha at nilingon ako na nakataas ang kilay.
"Then, that's the deal that you should change your outfits, alona girl. Morkeil ang kasama at ang asawa mo. Wag kang gumaya sa mga cheap na babae dyan sa tabi-tabi. We have money that can provide your desire things, just name it" mataray na saad nito at bumalik sa paghahanap ng magandang dress para sa akin.
Napa-tahimik naman ako ro'n at napayuko.
"Yeah, right" bulong ko at nagpati-una na ng lakad sa kanya
"Hey, where are you going?" Napahinto ako
"Just..." Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad na lang ulit palayo sa kanya.
Nang makahanap ng upuan ay agad kong inilagay ang mga dress na dala ko sa upuan at umupo.
"Right. Morkeil. He's morkeil for f*****g s**t!" Inis na bulong ko at tulalang napatingin sa labas ng boutique.
"Hey. What's wrong, alona girl?" Hindi ko na ito nilingon at umiling na lang
"What dresses you--- " I cut him off
"Just buy them all" walang ganang sagot ko
Tumayo na ako at nauna na ng lakad. Naramdaman ko ang pagsunod nito na ikinainis ko.
"What's wrong, alona girl? Did I--"
Huminto ako at hinarap ito.
"Just buy them all, Emmanuel. Just buy it" madiing bigkas ko at tumalikod sa kanya.
"Okay.. " narinig ko pang sinabi nito bago ako makalayo sa kanya.
Pumasok pa kami sa ilang boutique para bumili... SYA ng kung anu-ano para sa akin. Samantalang ako, walang ganang sumunod at sumang-ayon sa mga pinapakita nito. Nagsasalita lang ako pag hinihingi nito ang opinyon ko na laging sagot ko lang ay 'okay, yes, maganda'.
Pumasok naman kami sa isang restaurant upang kumain dahil nalipasan na kami ng tanghalian. Gano'on pa din. Tahimik lang ako at hindi ito kinikibo.
Tahimik akong kumakain at sa totoo lang, wala akong gana. Kanina pa gumagawa ng paraan si emmanuel upang mag-usap kami, but as always. I just ignore him. Tahimik rin itong kumakain matapos hindi ko ito inimikan kanina sa kung anong gusto kong order-in. In the end, sya na lang ang nag-order para sa akin.
"You know what? You shouldn't have act like that."
Napatigil ako sa narinig at tumingin rito na naghihiwa ng steak sa plato at kinain ito. Mahinahon ang boses nito nang sinabi niya ito. Umangat ang tingin nito at pinunasan ang labi gamit ang napkin at tumingin sa akin ng seryoso.
"Emmanuel's right, alona. You're with a morkeil, one of the richest family here. You should act to be one 'coz you're morkeil now. Hindi ka na ordinaryong babae simula ng tumapak ka sa mansion at naging asawa namin. Hindi ka na 'yong babaeng magtratrabaho araw-araw para buhayin ang sarili. We are rich, and we can provide everything for you, alona. You should get used to wearing those clothes, para hindi ka magmukhang kahihiya sa iba." Mahinahong saad nito
"Iniinsulto mo ba ang pagkatao ko?!" Bagsak ang kamay sa lamesa na tumayo ako at sinigawan ito sa galit.
Alam kong maraming napatingin sa table namin dahil sa eksenang ginawa ko pero wala akong pakialam! Ano naman kung nagtratrabaho ako araw-araw para buhayin ang sarili ko. Hindi iyon masama, at hindi iyon ipinagbabawal! At anong karapan nya para baguhin ako!
"Ikaw ang nagsabi nyan" nakangiting sagot nito na nagpaliyab ng galit ko.
"Seat down, alona. Kung ayaw mong mapahiya." Mahinanong saad parin nito at nagawa pang sumubo ng pagkain sa harapan ko.
Nanginginig na naka-kuyom ang mga kamay ko na umupo at tiningnan ito ng masama. Napatawa naman ito na lalong nagpasama ng loob ko.
"I didn't expect that it will end up like this" natatawang saad nito at uminom ng tubig "by the way, I'm Rio" at nilahad ang kamay nito sa harapan ko.
Hindi ko ito tinanggap at uminom na lang ng tubig upang kumalma. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain at hindi na lang ito pinansin.
Isang tawa pa ang narinig ko mula rito na nagpahinto sa akin at pumikit ng mariin.
Tiis lang, alona.
Tiis lang.