Nag-salubong ang mga kilay ko nang may naramdaman akong may gumagalaw sa hita ko. Mabilis ko itong inalis at nagsumiksik sa unan ko
Bakit ang lamig? Hindi ko ata napahinaan kagabi ang aircon
Kinapa-kapa ko ang kumot sa katawan ko at mabilis na hinila ito pataas para takpan ang katawan ko
Muling napakunot ang noo ko nang may naramdaman ulit akong gumagalaw sa hita ko. Gustuhin ko man ulit mahimbing sapagkakatulog ay hindi na pwede dahil tuluyan ng nagising ang diwa ko lalo na't muli kong naramdaman ang paggalaw sa hita ko
Antok na binuksan ko ang mga mata at nabungaran ko ang isang katawan na nasa tabi ko. Napa-angat ako ng tingin upang makita ang mukha nito. Nagtataka akong napatingin sa taong nasa tabi ko
Bakit katabi ko si alvis? Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto, habang ito ay nakangisi sa akin at tila tuwang-tuwa sa nakikita nitong reaksyon mula sa akin.
Napababa ako ng tingin at lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mga braso ko na nakayakap sa kanya. Pulang palaka! Bakit ko yakap ang lalaking 'to?!
Naramdaman kong muli ang kung ano mang gumagalaw sa hita ko. At ngayon alam ko na! Ang makasalanang kamay ng walanghiya!
Dahan-dahan akong umangat ng tingin sa kanya at nang makita ko ang mga ngisi at ang nakakalukong tingin ay duon lang ako natauhan.
Mabilis ko itong itinulak gamit ang kamay at paa ko dahilan ng pagkalayo nito at pagkabagsak sa sahig. Habang ako naman ay mabilis kong ibinalot ang kumot sa katawan ko at biglang pumintig ng mabilis ang puso ko.
"s**t!" Rinig kong daing nito sa pagkabagsak
Dahan-dahan itong tumayo habang ang isang kamay ay nakahawak sa may balakang nito nasa tingin ko ay ang napuruhan. Umupo ito sa gilid ng kama habang dinadaing parin nito ang sakin na natamo nito sa pagkabagsak.
Napatingin ito sa akin at para bang himala na biglang nawala sa kanya ang sakit ng pagkakahulog dahil sa tingin at ngising ibinibigay nito. Bigla akong kinilabutan.
"Don't be scared, baby. I still didn't do anything to you" nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi nito na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Napa-atras ako at napahigpit ang kapit ko sa nakapulupot na kumot sa katawan ko
"Karios" bulong ko nang mapagtanto na hindi si alvis ang kasama ko. Lumawak ang ngisi sa mga labi nito.
"I'm glad you already know me, baby" nakangising saad nito at dahan-dahang lumapit sa akin dahilan upang lalong mapahigpit ang hawak ko sa kumot at umatras
"Wag kang lalapit!" Sigaw ko at umatras muli dahil patuloy itong lumapit sa akin "wag kang lalapit!"
Langya! Kakagising ko palang ito na agad ang bubungad sa akin!? Lanya Nakakakilabot!
"Why would I? I heard from the maids you're my wife. So, this things are already appropriate to us" sabi nito habang dinilaan ang ibabang labi nito like those some rapist on the streets. Well, his a good looking rapist anyway.
Nagawa ko pa talagang purihin ang lalaking 'to sa sitwasyon ko? s**t! Nababaliw na ako
"But I don't love you. So, it doesn't count" balik na sagot ko. Umikot ang mata ko lalo na ang makita ang nakakainis na mukha nito na nakangisi. Gandang tapalan ng tape ang bibig!
It's good thing na nawala na ang takot ko at pagkainis na ang pumalit sa buong sistema ko.
Umalis ako ng kama habang nakabalot pa rin ang kumot sa katawan ko. Nilalamig parin ako at sa tingin ko ay natural iyon dahil nakabukas ang aircon sa kwarto ko.
"You're too vulgar. It hurts me baby" he said and clasp his chest like I really hurt him isama pa ang mukha nito na parang nasasaktan. Naparolyo na lang muli ang mata ko dahil sa kaartehan nya
"I know. At masasaktan ka pa sa mga susunod" I smirk and he do the same too. Gumapang ito pababa ng kama kung nasaan ako at mabilis naman akong naglakad palayo sa kanya
"Oh, I want to try it. Baby" muling naparolyo ang nga mata ko sa sinabi nya. I hope hindi tumirik ang mga mata ko dahil sa ginagawa ko. Langya.
"Try mo mukha mo! Wag kang lalapit kung ayaw mong makatikim sa akin!" Sigaw ko pa at lumayo sa kanya
I'm still afraid of him lalo na sa kung ano man ang kaya nyang gawin. Katulad kanina, he just already molesting me while I'm sleeping. Good thing dahil nagising ako.
My whole body is shaking lalo na nung maalala ko ang paghawak nito sa akin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kilabot na naramdamn ko. I hate this feeling that starting to rise on my whole being.
"Oh, baby. I really want to try what you might capable of"
Natauhan ako nang marinig ko ang boses nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito na nasa harapan ko at malawak ang ngisi sa mga labi. I shouldn't space out lalo na pagkasama ko ang lalaking ito!
I got goosebumps
My reflex immediately hit him to where it hurts the most when it comes to boys. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tulalang napatingin sa tuhod kong naka-angat. Mabilis akong tumayo ng tuwid at napatingin sa kanya na ngayon ay unti-unti ng nawawala ang ngisi sa mga labi nito at napalitan ng sakit.
Oh my! I didn't mean to do that! Swear!
Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan ito. Lumabas ako na mabilis ang t***k ng puso ko habang naka-cross finger at may namumuong butil ng pawis sa noo ko.
Iniwan ko syang nakasalampak na sa sahig habang namimilipit sa sakit. Swear! I didn't mean to do that.
Mabilis akong umalis sa pagkakasandal sa pinto at tumakbo pababa ng palapag nang marinig ko ang sigaw nito
"You. Little. Lady. You'll. Pay for this!!"
Wrong move. Nagalit ko sya.
I saw lolo seating on the single sofa and I'm immediately go run towards his direction.
"Lolo!" I called out. Agad itong napatingin sa akin at mabilis na ibinaba ang hawak na dyaryo
"What happened?" Nag-aalalang tanong nito nang makalapit ako sa kanya
"Karios" simpleng sagot ko and I know he already knew what happened
"Where's that bastard?!" Tumayo ito at maagap na kinuha ang tungkod sa gilid at tumayo
"Sa kwarto ko, lo" bulong ko at napayuko at gumilid ng magsimula na itong maglakad
"You'll stay here, alona. Ako na ang bahala sa batang 'yon" at naglakad na patungo sa hagdan
Habang ako ay tulalang napaupo sa sofa at binalot ng mahigpit ang sarili ko ng kumot. Mga ilang sandali lang ay narinig ko na ang sigawan sa taas lalong lalo na ang boses ni karios.
"What?! There's nothing wrong doing it anyway! We're already married! Wag mo nga akong diktahan tanda! Matanda na ako at alam ko ang ginagawa ko!"
Napaangat ako ng tingin sa itaas at nakitang pababa na ang dalawa habang nagtatalo. Nagsalubong ang mga tingin namin ni karios dahilan upang lalong kumudlit ng malalim ang noo nito kumpara kanina.
"You!" Turo nito sa akin habang nasa gitna ng hagdan at galit ang mga matang tumingin sa akin habang pababa ito ng hagdan. Tiningnan ko ito na parang wala akong interes sa kung ano mang sasabihin nito. Pero sa totoo lang nanginginig na ako sa kinauupuan ko.
"Nagsumbong ka ba sa matandang 'yon! I thought you're fun to be with dahil asawa kita but I'm wrong! It's better to be with girls in the bar than with you! You're so plain to be with me. Nagtataka tuloy ako kung bakit ikaw pa ang naging asawa ko. You don't have a little fun on yourself. I just touch you a little, then you react to much about it. Tss, naive" puno ng pangiinsulto nito na nagpainit ng ulo ko
Tumayo ako at alam kong lalong nanginig ang katawan ko sa galit. Ngayon lang sa buong buhay ko na nainsulto ang p********e ko ng ganito at dito pa sa pamamahay na ito!
"First of all, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan dahil hindi naman ikaw ang masasaktan!" Galit na sigaw ko at humugot ng malalim na hininga bago muling magsalita
"second, wala akong pakialam kong hindi ako kasama dyan sa fun na tinutukoy mo dahil unang-una wala akong pakialam sa mga kabulastugan mo! Babae sa bar? Ha! Wala akong pakialam sa kanila! Magsawa ka sa kanila kung gusto mo at siguraduhin mo lang na walang pupunta ditong babae na lubo ang tyan at sasabihing ama ka ng bata dahil ako mismo ang papatay sa kagaguhan mo! Naiintindihan mo?! Plain? Wala akong pakialam! Ganito ako pinalaki ng mga magulang ko at hindi ko iyon babaguhin para makisama sayo! Wag mo nga akong igaya sa mga babae mo na mas malala pa sa mga pulubi kung ibigay nila ang mga sarili sa mga lalaking di naman nila kilala para sa panandaliang saya. Oo! Asawa mo ako pero hindi ibig sabihin nun ay gagawin mo na ang lahat ng gusto mo sa akin! Naive? Wala akong pakialam! Ikakayaman ko ba yan? Ikakabusog ko ba yan? Hindi diba? Kaya wag mo akong pagsalitaan ng kung ano-ano dyan, dahil baka hindi lang yang pagsipa ko sa ano mo ang makuha mo sa akin! Naiintindihan mo!" Habol hiningang sigaw ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya
Tae pala sya e! Kung mas gusto nya yung mga babae sa bar edi dun dapat sya tumira at hindi na dito umuwi. Magpakasaya sya dun hanggang gusto nya, hindi 'yong ako pa ang hinahanapan ng meron ang mga babaeng 'yon na wala ako. Hindi ako basta-bastang babae para sa kaalaman nya! Kung kinakati sya dun sya sa mga babae nya magpakamot! Nananahimik ako dito, e!
"And you don't have the rights to answer me!" At tinapatan rin nito ang galit na ipinakita ko. At dahil malapit na ito sa akin ay pinagtaasan ako ng kamay na handa na nitong isampal sa akin
"And you don't have the rights to insult me too!" Sigaw ko na nagpatigil sa balak na pagsampal nito. Tiim bagang na nanlilisik ang mga matang nakatingin ito sa akin na kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako dedo dito sa kinatatayuan ko
Ang mga sumunod na salita ang pumutol sa pasensya ko na wag patulan ang lalaking 'to
"I have the rights 'cuz you're in my territory at wala kang pakialam kong ilang beses ko man gustong insultuhin ka! Dahil totoo naman iyon!"
"Tanginang, hayop na deputa ka!" Malutong na mura ko at lumapit sa kanya at mabilis ko syang sinikmuraan at mabilis na sinuntok ang panga nito pataas nang yumuko ito. Umatras ako at hinayaang bumagsak ito sa sahig habang namimilipit sa sakit
"Wala akong pakialam kong teritoryo mo ito'ng hayop ka! Ikaw na nga itong nakagawa ng mali, ikaw pa itong malakas ang loob na mang-insulto at hindi man lang humingi ng tawad! Subukan mong kantiin ulit ako at hindi lang yan ang makukuha mo sa susunod!"
Mabibigat ang hakbang at paghinga ko dahil sa galit na umalis sa harapan nya. Napatigil pa ako ng makita ang lolo na tulalang nakatingin sa akin at sa apo nya'ng nasa sahig.
Napahinga ako ng malalim at pinatong ang isang kamay ko sa balikat nito at tinapik-tapik
"Hayaan nyo sya lolo ng madala ang ungas na yan" saad ko at tulalang tumango ang matanda sa akin bago ako nagpatuloy sa lakad at umakyat ng hagdaan.
Malakas kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at nagmamadaling tinahak ang banyo. Mabilis kong tinanggal ang suot ko at binuksan ang shower at in-on ang heater. Pumailalim ako rito at dahan-dahang napaupo at kalaunan ay Napayakap ako sa mga tuhod ko at pinatong ang ulo ko rito.
Agad bumuhos ang mga emosyong kanina ko pa pilit tinatago. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko na humalo na sa mainit na tubig na nagmumula sa shower.
Nang maalala ko ang mga sinabi ko't sinabi nya hindi ko maiwasang magalit at maiinis sa sarili ko. Napatawa ako sa pagitan ng pag-iyak ko na maalala ang tapang na ipinakita ko kanina sa harapan nya at ngayon kung gaano ako kahina pagwala na sila.
This is me.
Kung ano naman ang kinatapang ko na kaharap sila ganun naman ang pagsisisi ko pag mag-isa na lang ako. Nakakatawang isipin na ang tapang tapang ko kanina tapos, heto ako, umiiyak at pinagsisihan ang mga lumabas sa bibig ko.
Nakakatawang isipin na binigyan ako ng lakas ng loob upang ilabas ang lahat ng saluobin ko pero ako parin itong masasaktan sa bandang huli sa mga sinabi ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na manatili pa ng ilang minuto sa ganitong posisyon bago ko napagdesisyunan na ipagpatuloy ang pagligo ko sa kabila ng bigat na nararamdaman ko.
Pasalampak kong hiniga ang sarili sa kama at nagtalukbong ng kumot hanggang sa bumigat ang mga mata ko. Alam kong kakagising ko palang pero inaantok pa ako, at tsaka pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako. Tuluyan na akong nakatulog at sinunod ang gusto ng katawan.
Nagising ako sa malalakas na katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Minulat ko ang mga mata at nabungaran ang madilim na paligid. Ginabi na pala ako sa pagtulog. Bumangon ako at binuksan ang lampshade para bigyan ako ng liwanag bago ako umalis ng kama at buksan ang pinto ng kwarto ko. Nalock ko pala ito kanina hindi ko man lang napansin.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa katawang sumalubong sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at natulala. Humigpit ang yakap nito at nagawa pang ipatong ang baba nito sa balikat ko.
"A-anong g-ginagawa mo?" Wala sa sariling tanong ko. Napakunot noo ako ng marinig ko ang pagtawa nito sabay sabing "of course, I'm hugging you" dahilan upang hampasin ko ang likod nito
Kumalas ito sa pagkakayakap at napangiwi habang ako naman ay nakatingin sa kanya ng masama
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko, karios" seryosong saad ko at tinaasan ito ng kilay.
Humakbang ito palapit at hinawakan ang pisngi ko na agad ko namang tinapik paalis at umatras
"I'm here to say.. Sorry" bulong nito sa huling salitang sinabi nito na hindi masyadong narinig ng tenga ko
"Anong sabi mo? Hindi ko narinig, e"
Hindi makapaniwala na tumingin ito sa akin na parang nagbibiro ako. Tinaasan ko ito ng kilay
"Seriously? Hindi mo narinig?" Naiinis na tanong nito sa akin na inikutan ko lang ng mata
"Magtatanong ba ako kung narinig ko?" Balik na sagot ko at aalis na sana ng pigilan ako nito gamit ang mga sinabi nya
"I'm sorry, okay? Narinig mo na?"
Matagal akong napatitig sa kanya. Sinabi nya ba 'yon? Nagsorry sya diba? Anyway, wala akong pakialam.
"O, tapos? Ano naman ngayon kung nagsorry ka?" Nagcross arm ako sa harapan nito at tinaasan ng kilay. Hindi naman ako interesado sa sinasabi nya, e.
Marahas itong napakamot sa kilay nito at inis na tumingin sa akin
"I'm saying sorry for what happen kanina. So, I'm her to get your forgiveness"
Tinitigan ko itong muli at sinisigurado kung totoo nga ang pakay nito. Kung sincere ba sya sa mga sinabi nya
"Patatawarin kita, sa isang kondisyon" sagot ko at may nakita akong isang emosyon sa mga mata nito na mabilis ring nawala pagkakurap nito
"What?" Bored na sagot nito na nginisian ko lang
"Lalabas ako sa bahay na ito kung kahit kailan ko gusto at hindi mo ako pwedeng pigilan sa kung ano man ang gusto kong gawin sa labas. Naiintindihan mo?" Tinitigan ako nito sa mata at matagal bago ito sumagot. Ngumisi ito na nagpakilabot sa buong sistema ko
"Fine. But in one condition, too" nakangisi parin ito hanggang ngayon at masasabi kong hindi maganda ang kondisyon na hihingiin nito
Matagal bago ako nakasagot. Tinatsansa kung tatanggapin ko o hindi ang kondisyon na gusto nya, kaya lang kasi... Nanaig parin sa puso ko na makalabas sa bahay na ito at mabisita man lang si myla at makapagrelax na rin sa labas.
Huminga ako ng malalim.
"Anong kondisyon" sagot ko. Buo na ang pasya ko. Kung ano man ang kondisyon na hihilingin nya ay papayagan ko pero kung may mangyayari sa akin na masama LALABAN AKO!
"Good. At dahil pu--"
"Hindi pa ako pumapayag" putol ko sa sasabihin nito. Umiling ito at lalong lumawak ang ngisi sa mga labi nito
"You already said yes when you asked the condition, baby"
Magsasalita pa sana ako nang mabilis nitong iniharang sa mga labi ko ang hintuturo nito para pigilan ako sa kung ano man ang sasabihin ko.
Nahigit ko ang paghinga ko nang dahan-dahang ibaba nito ang hintuturo papunta sa ibabang labi ko at pinaglaruan ito gamit ang hinlalaking kamay nito. Napaatras ako pero mas mabilis sya dahil agad ako nitong nahapit sa bewang at nailapit sa katawan nya.
Mabilis kong hinarang ang mga kamay ko sa dibdib nya. Pero agad ko rin itong tinanggal sa pagkakalapat sa dibdib dahil parang napapaso ang mga kamay ko sa dibdib nya.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang malanding tawa nito. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha ko lalo na't nakayuko ito sa akin dahil hanggang baba lamang ako nito.
Shi... Shi... s**t! Kailangan kong makaalis sa lalaking 'to ngayon din!!
Hinawakan nito ang baba ko na nagpalamig sa buong katawan ko at lalong nilapit ang mukha nito sa mukha ko. Kunting pagkakamali lang tiyak na lalanding ang mukha nito sa mukha ko. Dilat na dilat ang mga mata ko habang sinusundan ang bawat galaw ng mukha nito.
Walanghiya! Bakit hindi ako makagalaw!
Naramdaman ko pa ang maiinit na hininga nito. Muling inilapit ang mukha nito at bumulong sa akin na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Pakingshit! Aatakihin ako sa puso!
"We share in same bed" paos na saad nito at idinikit ang mukha nito sa pisngi ko. Habang inaalis ang mukha nito sa mukha ko ay nakadikit naman ang labi nito sa pisngi ko. At dahil dun ramdam na ramdam ko ang paghagod ng labi nito sa pisngi ko.
Wahhh! Ma! Pa! Ilayo nyo ang lalaking 'to sa akin! Kinikilabutan ako sa nangyayari!!
Tinanggal na nito ang kamay nito sa bewang ko at lumayo ng kunti matapos nitong gawin 'yon
"So, it's settle then" malawak ang ngiti nito na nakatingin sa akin habang ako ay hindi makapagsalita dahil gulat parin ako sa nangyari. Tangina! Naisahan ako ng lalaki!
Wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko kung saan dumaan ang labi nito at tulala paring nakatingin sa kanya
Isang nakakalukong tawa ang ibinigay nito sa akin habang amused na nakatingin ito sa akin. Tangina, para akong tanga!
"I take it as a yes, baby. Come on, hindi ka pa kumakain. Let's eat dinner or I'll eat you instead" hindi ko man narinig ang huling sinabi nito pero sigurado akong hindi iyon maganda.
"Come on!" Hinila ako nito at duon palang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Shit lang talaga!
Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak nito kahit ilang beses ko pang subukan na tanggalin ang kamay nito. Kalaanun ay tumigil na rin ako sa balak ko dahil sumasakit na ang kamay ko sa kakapumiglas
Nang makarating kami sa dining ay mabilis na tumunog ang tiyan ko ng makita ang mga nakahain. s**t! Di nga pala ako kumain ng umagahan at tanghalian.
Pinakawalan naman nito ang kamay ko kaya mabilis akong pumunta sa pwesto ko at sumunod naman ito at umupo sa tabi ko.
Napangiti ako ng makita ang ulam na nakahain. Walang gulay! At tila isang magic na bigla kong nakalimutan ang nangyari kanina dahil sa nakikita kong pagkain.
Mabilis akong sumandok ng kanin, ganun din ang ulam. Sumubo ako at para akong nanibago sa lasa dahil sa gutom ako at puro gulay ang kinain ko nitong mga nakaraang araw kaya sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo.
Wala akong pakialam kong tinitingnan ako ngayon ni karios dahil mas mahalaga ang pagkain ko kesa sa kanya
█████
Nakatayo ako sa gilid ng kama habang yakap ang unan ko habang nakatingin sa lalaking nakahiga sa kama ko. Hindi nga sya nagbibiro ng sinabi nyang matutulog kami sa isang kama. Jusko naman!
Nagulat na lang ako pagkalabas ko ng banyo dahil nagpalit ako ng pantulog. Na makikita ang lalaking ito sa kwarto ko at nakangising pinagmasdan ang suot ko kasabay nun ang pagsipol at mabilis na pumunta sa kama at dumapa rito.
Tulala parin ako sa nakita ko na nandito ang lalaking ito sa kwarto ko at hindi nga sya nagbibiro. Natauhan sa pagkakatulala ng marinig ko ang sinabi nito
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong nito habang tinatapik ang kama. Umiling ako rito at umatras
Bumangon naman ito at nag-indian seat habang nakaharap ang seryosong mukha nito sa akin
"Matutulog ka rito o hindi kita papayagang lumabas ng bahay"
Napapadyak ako sa inis. Tangina! Gamitin daw bang pangbanta sa akin yung pag-alis ko sa bahay.
"Your decision?" Bored na tanong nito na lalong nagpa-inis sa akin
"Oo na! Tangina!" At umakyat na sa kama
"I don't wanna hear bad words in your precious mouth, baby. Hindi mo gugustuhin kung anong gusto kong gawin sa labi na'yan" seryosong sabi nito habang madilim na nakatingin sa akin. Inirapan ko lang ito at agad na iniharang ang isang unan sa gitna namin
"Hey, I--"
"Manahimik ka kung gusto mong matulog katabi ako" putol ko sa sabihin nito at humiga na sa gilid ng kama
"Fine!" Inis na sabi nito at naramdaman ko ang paglubog ng kama sa pwesto nya
"Goodnight, baby. Dream with me" kinurot ko ang kamay nitong gumapang sa bewang ko dahilan upang ikadaing nito
"Tumigil ka karios. Malilintikan ka sa akin pag may ginawa ka na hindi maganda sa'kin" sabi ko habang nakapikit. Tae inaantok na ako. Kanina pa ako tulog ng tulog pero heto at dinadalaw na naman ako ng antok.
"Fine, fine, fine" pagsuko nito at naramdaman ko ang paglayo nito
"Good. Goodnight, karios" sabi ko at tuluyan na akong nahimbing sa pagkakatulog
█████
Isang tili at ang pag-alog ng kama ang nagpagising sa masarap kong tulog
Papungas-pungas akong bumangon lalo na't tumatama ang sikat ng araw sa mukha.
Kainis naman! Kaaga-aga ang ingay! Yan pa naman ang ayuko pag-gumigising ako. Nababadtrip ako.
"H-holy s**t! W-who are you? Anong ginawa mo sa akin?"
Napalingin ako sa nagsalita at nagtatakang napalingon rito. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang maalalang katabi ko nga pala kagabi si karios. Mabilis kong hinila pataas ang kumot at itinakip ito sa katawan ko.
Ang mas ikinagulat ko nang bigla rin nitong hinila ang kumot ko at ipinangtakip sa katawan nya. What the hell! Ako itong babae, sya pa itong tumatakip!
Ang mas nakakagulat pa rito ay ang pagtitili nito at ang mukha nitong natataranta. Nag-agawan kami sa kumot hanggang sa mapunit ito at mapatigil kami habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa isa't isa.
Mabilis kong kinuha ang kalahati na napunit sa kamay ko habang ganun din ang ginawa nito. Ang mga sumunod na sinabi nito ang nagpanga-nga sa akin.
"You rape me!!" Tili nito at nang-aakusang tiningnan ako. Samantalang ako naman ay napatanga sa narinig.
ANO DAW?!
AKO?!
NAN-RAPE?!
IN HIS DREAMS!!!!