Chapter 7

3853 Words
"Uhm... S-sa sofa na lang ako matutulog" mabilis nitong kinuha sa kama ang isang unan at nagmamadaling pumunta sa sofa Napanganga ako Seryoso ba sya? "Hindi. Ikaw na ang matulog dito sa kama orlin alam kong hindi ka sanay matulog sa ganyan" mabilis na tanggi ko at kinuha ang unan at lumapit rin sa kanya Napaupo ito sa pagkakahiga at tiningnan ako ng hindi makapaniwala Kanina pa kami nagtatalo kung sino ang matutulog sa kama at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tapos sa pagtatalo Napalabi ako. Kung hindi sana kami ikinulong ni lolo rito ay tiyak na nakabalik na ito sa sariling silid at nagpapahinga ganun din ako. Oo, usapan namin na kahit na kasal kami ay hindi kami magsasama sa isang kwarto at ngayon nga ay hindi iyon nasunod. Sa unang gabi pa ng pagiging mag-asawa namin "No. Dito ako matutulog" inis na sagot nito at bumalik sa pagkakahiga kaya naman hinampas ko ito ng unan na dala ko dahilan ng ikagulat nito at ikabangon nito "What was that for?!" Inis na talaga ito hindi ko sya masisi nakakainis naman talaga sya! Ang tigas ng ulo! "Manahimik ka! Ikaw ang matulog sa kama at ako dito! Nakakainis ka na! Ang tigas ng ulo mo! Sabing dun ka sa kama matulog e!" Hindi mapigilang sigaw ko dahil sa inis Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin hindi makapaniwala sa ginawa ko "Sinigawan mo ba ako?!" "Oo! At wala akong pakialam! Alis dyan!" At tinulak ito paalis sa sofa habang galit akong nakatingin sa kanya "Tumayo ka dyan at dun ka sa kama!" Sigaw ko pa ng makitang hindi ito tumayo sa pagkakahulog sa sofa "Aalis ka dyan o tatadyakan kita dyan!" Banta ko. Mabilis naman itong tumayo at nagpunta sa kama Hindi pa ito humiga at tumingin lang sa akin agad ko itong binigyan ng nagbabantang tingin kaya mabilis itong humiga habang tumatawa at umiiling "Good! Matulog ka na!" sabi ko ng makitang humiga na ito at ako naman ay inayos ko ang unan at humiga patalikod sa kanya Nakaramdam agad ako ng antok "Good night alona" Narinig ko pa iyon pero hindi ko na nagawa pang sumagot dahil tuluyan ng pumikit ang mga mata ko sa antok █████ Nagising ako sa ingay na bumubuhos na tubig sa loob ng banyo. Bumangon ako habang hawak ang ulo ko at sinandal ang likod sa headrest ng kama. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ring hindi maganda ang pakiramdam ng katawan ko. Napatigil ako at napatingin sa kumot at kamang kinaka-upuan ko ngayon. Napatingin ako sa sofa na alam kung kinatulugan ko kagabi. Walang hiyang lalaking iyon! Nilipat ako! Napalingon ako sa bumukas na pinto ng banyo at duon nakita ang may salarin. Masama ang tinging ibinibigay ko sa kanya habang nakahawak parin sa masakit kong ulo. Napatigil ito sa ginagawang pagpunas sa kanyang buhok at isinabit na lamang ito sa balikat habang nagtatakang lumapit sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Langya! Bakit wala syang pang-itaas?! Pakiramdam ko ay bigla akong namutla lalo na sa katawang nakita ko sa kanya "Hey. Ikaw ba ang naglock ng pinto? Hindi ko kasi mabuksan. And by the way, anong ginagawa mo dito sa bahay ko? At sino ka? Nakuha mo pang matulog sa sofa. Magpasalamat ka at naawa ako sayo at nilipat pa kita sa kama" Tuluyan kong nakalimutan ang sakit ng ulo ko sa narinig at nilingon sya. Siraulo pala sya e! Nakitang nandito ako sa loob tapos pagbibintangang ako ang naglock ng pinto?! Tanga! Napahawak ako ng mahigpit sa kama ng makaramdam ako ng hilo at ginamit ko naman ang isa kong kamay upang hawakan ang ulo ko pangsuporta. "Hey, what happened?" He then walks towards me and check me using his back hand "You have a fever! Wait, what's your name?" He then asked I looked at him and then it hit me! His not orlin! Geez. "I'm alona, your wife" walang ganang sagot ko at nagpagdesisyunan na humiga na lang muli dahil lalong sumakit ang ulo ko and I felt sleepy Masasanay ka rin dyan alona sa wife na yan Tiningnan ko sya at hindi na ako nagulat ng makita ang reaksyon nito. His mouth is slightly open while his eyes ayun ang laki. "Y-you are?" He said between his shocked I close my eyes and then nodded "Yes. Tanungin mo pa sa lolo mo" sagot ko at itinaas ang comforter hanggang sa dibdib ko Napamulat ako ng mata at tiningnan sya. I'm curious why he didn't say something against to me. Nagtaka ako nung una pero kalaunan ay hindi na. Normal lang siguro dahil sino naman ang hindi magugulat pagkabalik mo malalaman mo na lang na may asawa ka na, diba? Dahan-dahan itong umatras habang nakatitig sa akin hanggang sa tumakbo na ito papunta sa pinto at pinaghahampas ito "Open this damn door, lolo!" Sigaw nito at panaka-nakang sumusulyap sa akin Walang nagbago sa reaksyon ko habang pinagmamasdan ang ginagawa nya sa pagsira ng pinto "Grandpa! Open this door! May sakit ang asawa ko!" Sigaw nito at patuloy paring pinaghahampas ang pinto Habang ako ay napasinghap at napa-awang ang bibig habang nakatingin sa kanya Akala ko... Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa tumatakbo sa isip ko And why does it so good to hear when he said I'm his wife and he cares Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa iba ng lumingon ito. Nakarinig ako ng click sa labas at kasabay nun ang pagbukas ng pinto. Lumingon ako at agad na pumasok si lolo "Ano ba orlin! Ka-aga-aga binubulabog mo ang mga tao rito sa bahay" sermon nito sa apo habang hawak-hawak nito sa kanang kamay ang tungkod nito nang lumingon ito sa akin ay agad na sumilay ang ngiti dahilan upang tumalikod ako ng pwesto sa kanila Bakit may ibig sabihin ang ngiting iyon ng matanda "Ako 'to lolo si Alvis. And besides I'm sorry kung nakabulabog man ako. Nilalagnat ang asawa ko lolo and I don't know what to do!" Lihim akong napa-irap Ang OA naman. Parang lagnat lang di ko naman ito ikakamatay noh! Alvis. Alvis naman ngayon ang pangalan ng kumag na orlin na yun. I already met the 3 persona of orlin how about the four? when will they come out? Ano naman kaya ang meron sa ugali nitong alvis. Devon is a bossy and a little possessive and I don't know if I like that. He likes to control everything. Ultimong paglabas ko lang ng kwarto ay ipinagbawal nya paano pa kaya sa mga susunod na makakasama ko sya while venny is a sweet guy. I know, a lot of girls like a sweet guy, but for me? I don't know. I'm not use on this kind of treatments yet I appreciate venny for doing so. How about him? How about alvis? I know I'm not in danger right now lalo na sa ipinakitang care nito sa akin but how about the other orlin's personality? I don't know but I felt frightened. What if, one of orlin's personality hurt me? Or something that I can't take? How about those? I don't know, hangga't hindi ko pa sila nakikilalang lahat hindi mawawala ang pangambang namumuo sa dibdib ko. I should talked lolo about orlin's personality para kahit papaano malalaman ko o ano ang dapat kong gawin once I met them. Right Mamaya tatanungin ko ang lolo Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at nakitang ang lolo ang may gawa nito Duon palang ako natauhan at naalalang hindi nga pala ako nagiisa sa loob ng kwarto Umayos na ako ng higa kaya naman duon palang ako na-check ni lolo "Call tuazon immediately. Prepare some soup for your young mistress" utos nito sa mga kasamang katulong agad namang tumalima ito at sinunod ang utos ng matanda Lumapit naman si alvis at huminto sa tabi ng kanyang lolo habang matamang nakatingin sa akin. He look suprised yet happy. "Is he telling the truth, lolo? Is she really our wife?" Tanong nito habang nakatingin sa akin at kalaunan ay ibinaling naman ang tingin sa kanyang lolo Tumango naman ang lolo nito at napabuntong hininga "Yes, and she's not easy to get, alvis. You know what? She do everything para hindi matuloy ang kasal" lumingon ito sa akin na agad kong inirapan Yeah, ginawa ko nga ang lahat ng paraan na alam ko, pero, heto kasal na kami ngayon. "Really?" 'Di makapaniwalang tanong nito at lumingon sa akin na may sakit sa mga mata na makikita. Napaiwas ako ng tingin "Yes, at hanga ako sa kanya, sa lakas ng loob at tapang na ipinakita nya sa akin kaya nga hindi ko sya pinakawalan. And besides, I like her character. I know she can handle all of you, and I trust her" muli ko itong inikutan ng mata at hindi na lang nagkumento May pa I like her I like her ka pang nalalaman dyan. Gusto mo lang talaga akong itali sa apo mo dahil wala kang mapag-iiwanan! "Kaya alagaan nyo sya baka iwan kayo at wala na kayong mahanap na katulad nya" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa 'kin na ikina-ngiwi ko naman Bulero! Iiwan? Paano ko naman sila iiwan, e. Siguradong bangkay ko naman ang kapalit! I rolled my eye with that thought "Makaka-asa ka po sa amin, lolo" Hindi ko na lang sila pinansin at ipinikit na lang ang mga mata ko. Naiilang ako sa presensya nilang dalawa, e. Narinig ko pa silang nag-usap pero hindi ko rin nasundan ang usapan dahil tuluyan ng natulog ang diwa ko Nagising ako ng may maramdaman akong may pumipisil sa kamay ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang kisame. Kumurap-kurap muna ako para um-adjust ang paningin ko bago ko nilingon ang taong pumupisil sa kamay ko Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinila ang kamay ko palayo sa kanya ng makilala ito "Anong ginagawa mo... rito?" At umatras sa kama habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mukha nya Isang ngisi lang ang sinukli nito sa naging reaksyon nito na pinakatitigan ko pa Nakarinig ako ng ahem kaya napatingin akong muli sa kanya. Kumalma na rin ako pero nanatili parin akong handa sa kung anong mangyayari Sino'ng hindi magugulat, kung paglingon mo mukha nya agad ang bumungad sa akin! Akala ko multo, walang hiya! Aatakihin ako sa puso nito, e! "I never thought na may pagnanasa ka pala sa akin" naka-ngising anang nito habang ginalaw-galaw ang dalawang kilay ng nakakaloko Napa-awang ang bibig ko sa sinabi nito. Nang makabawi ay tiningnan ko ito ng hindi makapaniwala at inikutan ng mata. ANG KAPAL! "excuse me lang ha? Ikaw nga itong agad na nabungaran ko, tapos ako sasabihan mo na may pagnanasa sa iyo? Kapal mo naman" mataray na anas ko rito at inikutan ko pa ng mata Nakaramdam ako ng panlalamig kaya mabilis kong hinugot ang cover at binalot ito sa katawan ko "Well... Hindi ko itatangging may pagnanasa nga ako sa'yo" nakangising pahayag nito na ikinasinghap ko at kinalaki ng mata ko habang dahan-dahang umatras. Nag-sitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa narinig. s**t! Umamin lang naman sya! Sigurado akong namumutla na ako habang nakatingin sa kanya. Oo, namumutla. Alam ko dapat na namumula na ako ngayon, pero iba ang takbo ng katawan ko kapag nakakarinig na ng mga ganyan. Even sweet jokes and sweet talk namumutla ako dahil kinikilabutan ako sa mga naririnig ko. Yes, sisihin nyo katawan ko kung bakit. Pero agree din naman ako sa reaksyon ng katawan ko dahil ayukong makarinig ng mga ganyan. Bitter kasi ako! "You're beautiful, you know that? And I'm happy that you are, our wife" he smile at natulala na naman po ako sa ngiting iyon Shit! Natauhan na lang ako ng makitang malapit na ang mukha nito sa mukha ko dahilan upang manlaki muli ang mga mata ko. Wala akong nagawa kundi ang humiga dahil pag-umatras pa ako ay tiyak na mahuhulog na ako sa kama. Pero, wrong move ata ang ginawa ko dahil pinailaliman ako nito na lalong ikinaputla ko. s**t! Anong gagawin ko?! Mabilis kong tinakpan ng kumot ang bibig ko hanggang ilong ko at pumikit ng mariin. Pigil ang hiningang ginawa ko ito "Hey, don't be scared" may himig ng pang-aasar sa boses nito na gusto kong sampalin dahil sa lumabas sa bibig nito Hindi rin nagtagal ay may naramdaman akong humalik sa.. Noo ko Napamulat ako at inis itong tiningnan "What? Do you want me to kiss you on your lips?" Naka-ngising saad nito at hindi mawala ang nakakalukong tingin nito sa akin Mas lalo ko itong tiningnan ng masama. Ha! Ako? Kiss? sa labi? No way!! "Asa ka! Lumayas ka nga! Naiipit ako!" Bulyaw ko at lalong lumalim ang kudlit sa noo ko ng ngumisi lang ito at nakatingin sa'kin na parang may binabalak na hindi maganda "Lalayas ka dyan o tutuhodin ko yang alaga mo?" Banta ko habang inis na nakatingin sa kanya Agad itong namutla at mabilis na umalis sa ibabaw ko at bumaba ng kama Napangisi ako sandali bago muling binalik ang pagka-irita sa mukha ko "Nagbibiro lang ako. 'Di ka naman mabiro, honey" pilit na ngiting saad nito na tinaasan ko ng kilay "Pwes! Ayukong binibiro ako dahil hindi rin ako nagbibiro!" Sigaw ko "Wag ka namang sumigaw" parang batang sambit nito na inikutan ko ng mata "Wala kang pakialam! Layas!" Sigaw ko at tinapon ang unan sa kanya na mabilis namang tumakbo papunta sa pinto "I love you, honey!" Sigaw nito bago sinarado ang pinto Tinapunan ko ito ng unan kahit sarado na ang pinto at napangiwi "May pa 'i love you i love you ka pa dyan honey' hindi ko iyon makakain!" █████ "Ma'am, kakain na daw po" Agad akong tumango sa katulong na pumasok sa kwarto ko at agad ring umalis ng magawa na nito ang utos sa kanya Napabuntong hininga ako at ibinaba na ang hawak kong libro at bumaba na ng kama. Mabuti na lang at mabilis na nawala ang lagnat ko kanina dahil kung hindi siguradong masakit ang buong katawan ko isabay pa ang sakit ng ulo Wala akong ginawa maghapon kundi ang mainis sa alvis na 'yon. Wala syang ginawa kundi ang inisin ako maghapon at paghandaan ako ng pagkain na healthy daw para sa akin. Aba, marunong palang magluto ang bwesit kaya nagmamayabang sa akin. Okay! Ako na hindi marunong. Kasura! Nabwesit na naman ako nang makita ko itong nagpre-prepare ng pagkain sa lamesa. Nang mapansin ako ay agad itong ngumisi sa akin at kinindatan ako na tinaasan ko ng kilay Bwesit talaga Umupo na ako sa laging pwesto ko at ganun din ito na katabi lang ng akin. Habang si lolo naman ay nakangising pinagmamasdan kami ng apo nito. Kukuha na sana ako ng kanin ng bigla nya itong kunin at nilagyan ang pinggan ko, gayun na din ang ulam. Habang ginagawa nya ito ay matalim ang tinging ipinupukol ko sa kanya Parang nawalan tuloy ako ng gana. Sumandal na lang ako sa upuan habang pinagmamasdang lagyan ng vegetable salad ang pagkain ko na ikinangiwi ko. Mas gusto ko pa yung adobo at steak kesa puro gulay ang nilalagay sa plato ko. Nang matapos ito sa ginagawa ay nagtataka itong lumingon sa akin "Anong problema, honey?" Tanong nito na inirapan ko lang Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang kutsara't tinidor at napangiwi sa pagkaing nasa harapan ko. "Mauubos ko ba 'tong nilagay mo?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin parin sa plato ko. Tatlong klase ng ulam na gulay ang nilagay nito at kakaunting kanin lang Napapangiwi ako sa tuwing napapatingin ako sa gulay. Alam kong bawal maging maarte sa pagkain pero kasi.. Hindi ako sanay kumain ng gulay, lalo na't hindi naman ako nagluluto ng sarili kong pagkain dati sa bahay. "Yes, and besides masarap akong magluto" proud nitong sabi at kumuha ng gulay gamit ang tinidor sabay subo Napangiwi ako lalo na't fresh vegetable ang kinain nito katulad ng nakalagay sa plato ko "Hindi ako sanay kumain ng gulay" ngiwing sabi ko na nagpagulat sa kanya pero kalaunan din ay ngumiti ng malapad "Then that's good! From now on laging gulay ang kakainin mo pag magkasama tayo" pero mas lalo lang akong napangiwi sa sinabi nito "Lalo na kung hilaw" sabi ko sabay turo sa mga gulay na nilagay nya Narinig kung tumawa ang matanda na hindi ko na lang pinansin habang ang tingin ko ay na kay alvis pa'rin. Nakasimangot itong tumingin sa akin habang pabalik-balik ang tingin sa plato ko at sa akin Napabuntong hininga ito at iiling-iling na tinanggal ang plato ko sa akin dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko "Anong ginagawa mo?" Tukoy ko sa plato ko na inalis nito at pinaltan ng panibagong plato "You said, you don't like vegetables?" Balik na tanong nito na tinanguan ko naman sabay tingin sa platong nilayo nya sa akin "Yes, I said. But it doesn't mean na hindi ako kumakain ng gulay. Akin na nga yang plato ko, sayang yung pagkain, e" sabi ko at agad namang inabot sa akin ang plato ko kanina "But next time wag nyo akong papakainin ng hilaw na gulay. Hindi ata 'yan matutunaw ng tiyan ko" saad ko at napalunok ng malaki habang nakatingin sa gulay Shit! Bakit kasi nilagyan ng madami ng lalaking 'to ang pagkain ko, e! Nakakainis! Kailangan ko tuloy ubusin 'to. █████ Tumagal pa ng isang araw na nakasama ko si alvis at walang oras na hindi ako nito napipikon. Aba! Ang lalaki tuwang-tuwa sa tuwing nakikita akong naiinis o kaya naman ay nagagalit. At kahit pa sungitan, tarayan at sigawan ko pa ay tuwa pa ang walanghiya. Mabuti na lang at wala akong highblood dahil naku! Siguradong nakaratay na ako ngayon sa hospital bed dahil sa kanya. Hindi rin nawala ang mga gulay at prutas na laging pinapakain sa akin. Aba! Dinaig nya pa ang mga nutritionists, e, kung magbigay sa akin ng mga pagkain. May sakit ako? May sakit ako? 'Kala mo'y hindi ako nakakain ng pagkain. Walanghiya! At dahil nga puro gulay na ang nakahain sa mesa, wala akong magawa kundi ang kainin ang nasa hapag. Alangang mag-inarte pa ako diba? Ako na nga lang itong pinapakain, aarte pa ba? Argh! Nakakainis talaga yang, alvis na'yan! Gandang sipain sa bayag! At kanina lang umaga. Bumungad agad ang mukha nito sa akin dahilan upang sapakin ko sa gulat. At alam nyo ba ang nangyari? Aba! Ang walanghiya tinawanan ako at kung ano anong pang-aasar na naman ang inabot ko mula sa kanya. Bwesit talagang lalaki! Ka-umaga-umaga ang agang nambwebwesit! Mabuti na lang at umalis din ito agad, dahil kung hindi? Sisipain ko na talaga sya sa bayag! Pramis! 'Di ako nagbibiro. Marunong ata to magtaekwondo at magjudo, hmmp! Badtrip tuloy ako hanggang ngayon dahil sa kanya! Nga pala. Nakausap ko na rin si lolo tungkol sa mga katauhan ni orlin. Nalaman ko kung kaninong katauhan dapat ako mag-ingat kay orlin. Sinabi nitong si devon at kay karios na hindi ko pa nakikilala. Si devon naman daw ay masyadong possessive at bossy at pag hindi nito nasunod ang gusto nya, nananakit daw ito na hindi nauuwi sa mganda. So far, hindi pa naman ito nangyayari sa akin kaya kailangan ko na lang mag-ingat para sa pakanan ko. Habang si karios naman daw ay may pagkabastos. May pagkamaniac. Maliban daw sa ugali nyang iyon ay wala na. Kailangan ko palang mag-ensayo dahil mapapalaban ako sa karios na 'yon. Oy, wag kayong ano dyan! Mag-eensayo ako para ipaglaban ang sarili ko. Remember? Taekwondo at judo player ata 'toh. Hindi ko na tinanong yung iba pa na persona ni orlin dahil sigurado akong harmless naman sila, e. Maliban dun sa pangalan ng dalawa wala ng sinabi ang matanda kung kanino ako mag-iingat sa mga persona ni orlin. Kaya sigurado akong harmless ang lima sa pitong persona ni orlin. Proven na duon sina venny at alvis. Napabuga ako ng hangin habang nandito sa gazebo nila orlin sa kaliwang bahagi ng bahay sa bakuran nila. Nakakatuwa dahil may ginawa pa silang pond at nasa gitna ang gazebo habang may tulay na kumukunikta papunta rito. Isama pa ang mga iba't ibang klase ng bulaklak at halaman na nasa gilid lang ng gazebo. Nakakatuwa rin dahil may nakikita akong mga isda na palangoy langoy sa paligid. Mula naman dito sa pwesto ko kitang kita rito ang pool na nasa gilid ng bahagi ng bahay na nahaharangan ng maliliit na palm tree at halaman. Kitang kita ko rin dito sa pwesto ko kung gaano kalaki at kalawak ang pool. Napatingin naman ako sa bahay--ay hindi. Sa mansyon ng mga morkeil na kitang kita sa kinakaupuan ko. Napapa-isip tuloy ako kung gaano kalaking pera ang nagastos nila mula sa lupa, bahay, gamit at sa mga nakikita ko ngayon sa paligid. Siguradong sasakit ang ulo ko sa makikitang number. Hayae na nga! Hindi ko naman pera ang ginastos ko dito kaya hindi dapat ako mangialam. At tsaka kahit naman may pera ako hindi naman ako makakagawa ng ganito kagarbo at kalaking bahay, noh! Hmm? Gaano naman kaya kayaman ang mga morkeil? Kasi, sa totoo lang? Never ever kong naheard ang pangalang morkeil maging sa balita. Mukhang pribado ang pamilya morkeil, ah. Makapag-search nga minsan. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Isa pa ito! Hanggang ngayon wala pa'rin itong charge. Ilang linggo na ba ako rito? Siguradong nag-aalala na sa akin si myla. Ibang klase pa naman 'yon mag-alala. Nababaliw sa kakahanap ang bruha. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako nakakalabas dito at nababagot na ako rito. Sana nga ay bumalik na si orlin para mapag-usapan namin ang tungkol rito █████ Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding Alas-dies na ng gabi. Nakakain na kaming lahat at natutulog na ang mga tao sa mansyon pero hanggang ngayon wala pa'rin si orlin i mean alvis. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Simula ng umalis ito kanina ay hindi pa ito nagpapakita sa akin magpa-hanggang ngayon. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? T-teka? Bakit ko ba hinanahanp ang lalaking 'yon? Makakauwi naman 'yon ng mag-isa kung nasaan man 'yon. Hindi man lang nagpaalam sa akin. W-Wait? W-what? Magpaalam? "Pero, diba? Asawa nya ako?" Agad kong nasapak ang sarili ko at sinabunutan ang buhok ko Tanga ka talaga, alona! Bakit ka ba nag-aalala sa lalaking 'yon. Wait? Bakit ka ba nag-aalala? Argh! Matulog ka na nga lang! Napatingin muli ako sa orasan at napa-mura ako ng makita ang oras. s**t! Dapat tulog na ako sa mga oras na ito! Padabog akong humiga sa kama at kinumutan ang sarili. Napatingin muli ako sa orasan at napabuntong hininga 'Bwesit ka talagang lalaki ka!' Inis na anas ko sa isip bago ko ipinikit ang mga mata ko Naalipungatan ako ng may maramdaman akong tumabi sa akin at yumakap Tss. Sino naman ang yayakap sa akin, e, magisa ako sa kwartong 'to. Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil na rin sa antok at inisip na panaginip lang iyon May naramdman pa akong may sumiksik sa leeg ko dahilan upang mapa-ungol ako dahil sa kiliti bago tuluyan akong nahimbing sa tulog
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD