Nagising ako na masakit ang ulo at ang mga mata ko at natagpuan ang sariling nakahiga sa kama
Ang naalala ko lang kagabi ay iyak lang ako ng iyak hindi ko namalayan nakatulog na pala ako
Bumukas ang pinto at inuluwa nito ang lalaking may dala ng tray na may lamang mga pagkain
"Good morning" bati nito habang papalapit sa akin
Napataas ang kilay ko
Di ko tuloy alam kong mahihiya ako o hindi sa nangyari kagabi. Nakatulog lang naman ako sa bisig nya tapos ngayon heto sya at may dala pang pagkain. Ano ba yan!
Oo na! Nakaramdam ako ng hiya pagkakita ko pa lang sa kanya kaya nga agad ko na itong tinarayan para hindi halata
"Bakit ikaw ang nagdala ng pagkain ko?" Mataray na tanong ko
Alam ko. Kaaga-aga ay tinatarayan ko na ito pero wala akong pake! Bahala syang mag-adjust!
"Narinig ko sa katulong na hanggang ngayon hindi ka pa daw kumakain"
Lalong napataas ang kilay ko at nagtatakang nakatingin sa kanya
"Who are you?" Naniniguradong tanong ko
Diba alam naman nya ang nangyari kahapon? Ni devon? Unless kong hindi si devon ang kaharap ko ngayon. Sino naman kaya ito?
Ginantihan rin ako nito ng nagtatakang tingin. Da hell! Tapos bigla itong umiling at tiningnan ako na parang baliw sabay tawa
"It's me! Orlin. Bakit? Anong akala mo sa akin?" sabi pa nito habang tatawa-tawa pa rin habang nilalapag ang dalang try sa tabi ko
"Ibig sabihin hindi mo alam na nagpalit ka ng personality?!" Gulantang na tanong ko
"What?!" Gulat rin nitong reaksyon
Ibig sabihin wala nga syang alam
"Alam mo na ang sekreto ko?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin habang nanlalaki ang mga mata
Napatawa ako
Si orlin nga itong kaharap ko
"Paano mo nalaman?" Tanong nito matapos makabawi sa gulat at tinaasan ako ng kilay
Tamo! Orlin na orlin ang kaharap ko ngayon.
"I just witness how you change and you know what?" Putol ko agad nawala ang gulat sa mukha nito at napalitan ng pagtatanong
"Anong what?"
"I'll become your bride. Natuloy ang plano ng lolo mo na ipakasal ako sa'yo" walang ganang sagot at umiwas sa kanya ng tingin
Until now, may sakit parin akong nararamdaman sa puso ko kahit na binuhos ko na ito kagabi sa harap ni devon. Hayy, hindi nga pala basta-basta natatanggal ang sakit
"WHAT?!"
Hindi ko na ito nilingon at sinimulan ng kunin ang tray at kumain
Masyado kasi itong makareact tinalo pa ako minsan talaga iisipin kong bakla ito eh. Masyado kung makapag-react!
"Hindi ka tumangi?!" Tanong na nito matapos makabawi sa sinabi ko kanina at umupo na sa kama habang kaharap ako
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago ko ito tinitigan sa mata at nagsalita
"Paano ako tatanggi kong buhay ko ang kapalit alang-alang dyan sa sekreto mo" hindi ko mapigilang hindi maging sarcastic ang boses ko
Alam ko. Wala syang kasalanan dito dahil sa totoo lang wala rin naman syang kasalanan kung bakit may ganoon syang sakit pero hindi ko mapigilan makaramdam ng galit dahil isa sya sa may dahilan
"Sorry dahil sa akin naipit ka sa ganitong sitwasyon" at ramdam ko ang sensiredad sa boses nya. Ngumiti ako rito at umiling sabay yuko at kinalikot ang pagkain sa harapan ko
"Don't be sorry kahit alam ko namang dapat. Wala na tayong magagawa kundi ang pakisamahan ang isa't isa at tsaka desisyon ko ito at kailangan ko itong panindigan kahit pa na sapilitan ang nangyari" ngumiti ako sa kanya pero alam kong umuwi ito sa ngiwi
Napabuntong-hininga ako at yumuko ulit
Ganun na lang ang gulat ko nang may naramdaman akong mga bisig na nakapalibot sa akin. Umangat ako ng tingin at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya
Isang ngiti ang ginanti nito na ipinagtaka ko
"Since it will happen sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat sa pagitan natin" nakangiting sabi nito na nagpatulala sa akin
Bakit ang ganda ng mga ngiti nya?
"Alam naman nating dalawa na ayaw mo sa kasal na ito pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Kahit duon na lang ako bumawi sa sakripisyong ginawa mo para sa akin" nakangiting saad nito at kinintalan ako ng halik sa noo ko
Hindi ko man lang magawang magulat sa ginawa nito at tulala paring nakatingin sa kanya. Bakit ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi nya? Bakit hindi ko man lang magawang lumayo sa kanya ganun na may ginawa syang alam kong hindi ko gugustuhin.
Muli ako nitong ikinulong sa yakap at wala akong nagawa kundi ang matulala sa mga nangyayari
Bakit ko sya hinahayaan na ganituhin ako?
Narinig ko ang bahagyang pagtawa nito sa likod ko kaya napakunot ang noo ko
"Bakit?" Tanong ko at nagpapasalamat ako dahil buo ang boses ko ng sabihin ko iyon dahil kung hindi, hindi ko alam kong paano ko sya haharapin
"Pansin ko lang na hindi mo ako tinatarayan at tinataboy, nakakapanibago" tawa pa nito na agad kong tinapik sa likod nito
Bwesit na lalaki
Biglang tumahimik sa pagitan namin kaya bahagya akong nailang. Gagalaw na sana ako ng biglang nagsalita ito na ikinatigil ng balak ko
"Alam mo ba kung bakit hindi ako tumututol sa balak na pagpapakasal sa akin ng lolo?" Tanong nito na nagpatigil sa akin
Tama. Isa rin iyon sa mga katanungan ko kung bakit hindi man lang ito gumawa ng paraan para pigilan ang magaganap na kasal samantalang ako ay ginawa ko na ang lahat pero heto, bumagsak pa rin ako sa kamay nilang maglolo
"Hindi" sagot ko at katahimikan ulit ang sumunod. Makalipas ang ilang minuto na katahimikan ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata
Hindi ko alam pero agad kong nakita ang mga emosyon sa mga mata nito. Lungkot, saya at sakit ang mga nakita ko rito
"Nang malaman ko na ikakasal ako ay natuwa ako dahil sa wakas may taong iintindi sa akin, tatanggapin ako kung ano ako sa kabila ng mga katauhan na meron ako at lalong may makakasama na ako, pero..." Tumigil ito at tumingin sa akin ang malulungkot na mga mata nito at isang ngiti
"Pero alam kong hindi yun kadali para sa mapapangasawa ko dahil hindi lang ako ang makakasama nya kundi pati ang pitong katauhan na meron ako"
Nagulat ako. P-PITO?! bakit ang dami?!
Hindi ko namalayan na natakpan ko pala ang bibig ko dahil sa gulat habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Agad kong nakita ang sakit sa mga mata nito kaya dahan-dahan kong ibinababa ang kamay ko dahil nakaramdam ako ng hiya sa kanya
'Tanga! Natural na masasaktan ito lalo na sa naging reaksyon mo. Tingin mo sa kanya bato?!' Saway ng bahagi ng isip ko
Napayuko ako. Alam ko, hindi ko naman sinasadya e. Nagulat lang naman ako at tsaka hindi ko naman pati alam e.
"Sorry" mahinang saad ko at kinagat ang pangibabang labi ko
Nakaka-guilty
Nagulat ako ng hawakan nito ang baba ko at itinaas upang makita ako
"It's okay. Hindi mo naman alam e" ngiti nito"basta ihanda mo na lang ang sarili mo sa matutuklasan mo at ang biglaang pagbabago ko" tumango ako rito
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya kasabay na dun ang nararamdaman kong hiya ng biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko na ikinalaki rin ng mata sabay nun ay ang pagtawa nito sa akin na lalong ikinahiya ko at ang biglaang pag-init ng pisngi ko
"Sige, kumain ka na. Lumalamig na iyang dala ko na pagkain" sabi nito matapos akong tinawanan
Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan at sinunod ang sabi nito
"Sino nga pala ang nakilala mo?" Tukoy nito sa nakasalamuha ko kahapon
Tumigil ako sa pagsubo at inubos muna ang laman na nasa bibig ko
"Si devon" sagot ko na ikinatango naman nito tapos bigla itong ngumisi sa akin na tinaasan ko naman ng kilay
"So? Anong tingin mo sa kanya?" Tanong nito na ikinairap ko
"Para sa akin ang sakit nya sa ulo" inis na sambit ko at inis itong tiningnan
"Alam mo bang ang tigas ng ulo ng devon na iyo--ikaw! Ayaw man lang makinig sa akin! Kung ano ang gusto yun dapat ang masusunod. Alam mo bang kinulong ako nun dito sa kwarto?! Kaya hindi ako kumain ng buong araw at nung gabing dumating ako rito" inis na sumbong ko sa kanya habang ito ay nakatingin lang sa akin at nakikinig
"alam mo bang sinabihan pa ako ng 'You're my future wife at ayukong pakalat-kalat ang pag-aari ko'. Tsk! Ano ako? Ahas na kung saan lilingkis kung kani-kanino?! Bastos pala sya eh! Walang modo! Kapal ng mukha! Bago nya sabihin sa akin yun sabihin nya muna sa sarili nya iyon! Nakakainis! Nakakapang-gigil!" Inis ko
"He's right. Pag-aari ka na namin at ayaw namin na pakalat-kalat ka dahil ayaw namin na may mangyari sayo ng masama at tsaka wala pang nagiging babae ang lalaking iyon" tanggol nito na ikinainis ko lalo na inulit nito ang sinabi ni devon na sinang-ayunan nya pa!
"Howow! Pag-aari talaga? Binili ako orlin? Binili? Kainis ito! At bakit mo pinagtatangol ang lalaking iyon! Kung kaharap ko lang iyon ngayon ay nasapak ko na iyon" nagtitimping saad ko at kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagtitimpi na nararamdaman kong inis
"Pinagtatagol ko sya dahil ako sya, alona. Maging ang iba pa ay ako iyon, nagkakaiba lang kami sa ikinikilos at ugali namin. So, ako parin iyon" paliwanag nito habang nakangiti kaya mabilis ko naman itong sinapak
"Aray! Para saan iyon, alona?" Tanong nito nang makabawi sa sampal na ginawa ko at nagtatakang hinarap ako
Tinaasan ko ito ng kilay at galit itong tiningnan habang naka-cross arm sa harapan nya
"Sabi mo ikaw sya. Mabuti at sinabi mo agad" sabi ko at biglang ngumisi sa kanya napasimangot naman ito na ikina-irap ko
"Pero hindi ako sya!" Katwiran nito na inirapan ko lang ulit
"Ikaw pa rin sya, orlin. Sa ayaw at sa gusto mo" hindi ito makapaniwala sa sinabi ko at napabuntong-hininga na lang
"Nga pala uuwi ako sa bahay duon na muna ako" sabi ko sa kanya ng matapos akong kumain habang ito naman ay nakaupo sa sofa habang hawak ang isang magazine
Binaba nya ang hawak at nagtatakang tiningnan ako
"Bakit? Nandito ka na ah?" Walang kwentang tanong nito na inirapan ko
"Bahay ko yun, orlin. Bahay ng mga magulang ko alangan naman na iwan ko lang iyon duon at dalawang araw na akong hindi nakakauwi roon, isa pa ang trabaho ko! Jusko masisinte na naman ako"
"Hindi mo na kailangan pang magtrabaho kong iyon ang iniisip m o. Kaya naman kitang buhayan. At tungkol sa bahay ay may magtatao na roon at magbabantay" sabi nito at ibinalik na ang hawak na magazine sa lagayan nito
Nakaramdam naman ako ng init sa pisngi dahil sa sinabi nito. Buhayin talaga? Nakakaloka.
"Pake ko kung kaya mo akong buhayin. Mas gusto ko na pera ko ang ginagastos ko ayuko nga na masabihan na yaman nyo lang ang habol ko. Ayuko pating magmukhang gold digger sa tingin ng iba" sabi ko at nilagay ang tray sa side table habang ito naman ay tumayo at lumapit sa akin
Umupo ito sa kama at hinawakan ang kamay ko dahilan kong bakit tingnan ko ang kamay nito sa kamay ko
"Hindi yun mangyayari" sabi nito na ikatingin ko sa kanya
"Bakit ang bait mo ata ngayon?" Biglang tanong ko kasi di ba? Ayaw namin sa isa't isa dati o ako lang? Pero... Ibang iba ang orlin na nakikita ko ngayon kesa nung una namong pagkikita.
"Mabait naman ako dati pa?" Nagtatakang tanong nito sabay tawa ng mahina
Inilingan ko na lang ito at umalis ng kama para magtungo sa banyo upang maligo
█████
Paglabas ko ay hindi ko na nakita pa sa loob ng kwarto si orlin at wala na ang tray na nilagay ko sa sidetable. Mabuti naman
Naglakad ako papunta sa veranda at agad na iginala ang paningin sa paligid ng mahinto ang tingin ko sa isang bahagi ng bahay sa gilid nito
Agad akong namangha ng makita ko ang maraming bulaklak na nakatanim sa garden nila. Meron pang isang nursery roon na tiyak na mga halaman rin ang nasa loob nito
Napalingon ako sa likod ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko at kalaunan ay bumukas ito at lumabas ang isang katulong
"Miss, pinapababa po kayo ng young master" imporma nito na tinanguan ko na agad ko namang sinunod at lumapit sa kanya
Habang pababa ng hagdan ay nakita ko na itong nakaupo sa sofa habang seryosong kausap nito ang lolo.
Nakaramdam ako ng inis ng makita ko ito. Nakalabas na pala sya
Napansin kami ni orlin dahilan upang tumayo ito at ngumiti sa akin habang sinusundan ang bawat galaw ko
Wait? Why is he acting like that?
Salubong ang mga kilay ko habang papalapit sa kanila. Inilahad nito pa ang isang kamay na tinaasan ko lang ng kilay at nang makalapit na ako sa kanya ay mabilos akong hinalikan sa bahagi ng ulo ko na ikinagulat ko
Namalayan ko na lang na nakaupo na ako. Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa nito kanina ay humilig na ito sa balikat ko habang hinapit at ipinulupot ang mga kamay nito sa bewang ko
Hindi ko alam pero bigla akong nanigas sa pwesto ko. Anong kalukuhan ito? I know he can do this but why he become so clingy this time?
"O-orlin?" Hindi ko mapigilang hindi mautal lalo pa't nakatingin sa amin ang lolo nya. Nakakailang silang dalawa sa totoo lang
"It's Venny, Alona" malambing na sabi nito na ikinasinghap ko
T-this is...
OMG!
Lalong humigpit ang yakap nito sa akin at inayos ang pwesto nito kaya nasa likod ko na ang katawan nito habang ang baba naman nito ay nakapatong na sa balikat ko habang nakayakap na ito sa akin galing sa likod
Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa pwesto namin lalo pa't ito ang unang beses na may lalaking nakalapit ng ganito sa akin.
I-I don't know how to react
"Stop it venny. Hindi na makahinga si alona, you don't want to be alone again kahit hindi pa naman kayo kasal na dalawa hindi ba?" Napansin pala iyon ng lolo
Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis ito sa may likod ko pero nanatili pa ring nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang ko agad ko itong tinanggal at sinamaan ito ng tingin na hindi man lang natinig sa pagtanggal ko sa mga kamay nya na nasa bewang ko
"Tanggalin mo nga ang mga kamay mo. Hindi nakakatuwa itong ginagawa mo orlin" inis at nagbabantang saad ko habang nakatingin sa kanya ng masama
I need to compose myself ayukong magmukhang tanga sa harapan nila lalo na't nangyari nga ito. I know to myself na namumutla ako ngayon at hindi yun maganda
"It's Venny not orlin. I'm jealous, alona" nasasaktang sabi nito at sumimangot
Tinaasan ko ito ng kilay
"But you are still him, venny" mataray na sagot ko at inirapan ito
"I don't care. As long as you call me venny. My dear wife" malambing at nakangiting sabi nito na ikina-ngiwi ko
Hindi ako fan ng mga ganitong klaseng kasweetan kaya hindi nyo ako masisi kung lagi akong nagtataray
"Tama na venny, nandito tayo para pagusapan ang kasal hindi para lumandi ka kay alona" sermon ng matanda dahilan upang ibaling ko naman sa kanya ang buong atensyon ko
"Kasal?" Hindi ko namalayang naisatinig ko pala iyon
"Yes, my dear wife. At gusto kong madaliin ang kasal" nakangiting nakatingin sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay halik nito sa likod ng kamay ko
Napalunok ako. Seryoso ba sya?!
"Sandali! Kakakilala pa lang natin a? Bakit kailangang madaliin ang kasal?" Naguguluhang tanong ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa
"Don't worry my dear wife. Mas makikilala pa natin ang isa't isa once we get married" hindi mapatid ang ngiti sa mukha nito habang nakatingin sa akin at nagtaas-baba pa ng kilay na ikinailing ko
"Actually I agree to that. Maaga ang kasal mas mabilis kong maipapasa ang lahat ng mana ko sa apo ko. He needs to get married before he claims all the custody of my properties. Hindi na ako bumabata alam nyo yan" singit ni lolo na ikinabuntong-hininga ko
"I'm not aiming my grandpa's property here alona. I just want you to be mine immediately"
This is so absurd! Oo nga't ipinaalam sa akin ang bagay na ito pero wala parin akong karapatan na baliin ang gusto nilang mangyari
"Hindi nyo na sana ako kinausap pa-tungkol rito" sabi ko at hindi tumakas sa boses ko ang inis
"We want you to be inform para kahit papaano ay hindi ka na magulat sa mga susunod na araw na magaganap" sabi ng isa habang nakatingin sa akin ng mataman na sinalubong ko lang ng matalim na tingin
Tumayo ako habang nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya
"Hindi naman na pala kailangan ang opinyon ko rito. Pasensya na, pero lalabas po muna ako" paalam ko sa matanda at mabilis na nagmartsa palabas ng bahay
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni orlin--ni venny at may pinapaliwanag ito pero hindi ko na na narinig dahil sa nagmamadali akong makalabas sa loob ng bahay
Naka-hinga ako ng maluwag at agad na tinungo ang hardin na nakita ko kanina. Nawala ang inis na nararamdaman ko sa oras na makita ang mga bulaklak sa hardin.
Nakaka-refresh lalo na pagnakita mo na ang magagandang bulaklak lalo na ang mga kulay nito. Napabaling ako sa green house. Hindi ko alam kong iyon nga ang tawag rito pero kasi puno ng halaman ang loob nito, binuksan ko ang kahoy na pinto na hanggang bewang ko. Pumasok ako rito at ang green grass agad ang bumungad sa paa ko ng tumingin ako sa baba. Napangiti ako. Akala ko kasi ay lupa ang sasalubong sa akin nagkamali ako
Namamanghang inilibot ko ang paningin sa loob. Mas lalo pa akong namangha ng may nakita akong fountain sa pinakagitna nito habang naglalabas ito ng tubig. May kalakihan rin ito at sa may dulo nakita ko ang isang kahoy na swing. Sa kabilang banda naman ay isang picnic table at sa ibaba naman nito ay ang mga gamit sa pandilig sa mga halaman
Naglakad ako at lumapit sa may kahoy na swing at umupo rito. Napangiti ako dahil sa presko sa loob.
'Mukhang dito ako magtatambay habang nandito ako a' hindi ko mapigilang mapangiti sa isipang iyon
Para akong nasa gubat dahil sa ambiance maliban nga lang sa walang malalaking puno pero may tinayo naman silang pamalit rito na sakto lang sa loob kahit na malaki at mataas itong green house
"You're here" napatingin ako sa nagsalita at hindi man lang nagulat na makita ako rito sa loob
Lumapit ito sa akin hanggang nasa harapan ko na ito
"Bakit mo ako sinundan?" Tanong ko at iniwas na sa kanya ang tingin at iginala ito sa mga halaman
"This is orlin's idea. He loves plan" biglang sabi nito dahilan upang lingunin ko ito at taasan ng kilay lalo na't hindi nito sinagot ang tanong ko
"Tinatanong ko ba?" Walang ganang sagot ko
Imbis na mainis sa inasta ko ay napangiti ito he gave me a genuine one
Napatulala ako. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ngumingiti si orlin o sya ay hindi ko mapagilan ang sarili ko na matulala. I don't know but i have this feeling na minsan lang nito ipakita ang mga totoong ngiti nito and i have this urged to see those smile of him even for a smallest thing
Nabalik ako sa katinuan ng hawakan ang kamay ko at halikan ang likod nito. Pinagmasdan ko ito habang ginagawa nya ito hindi ko maiwasang makaramdam ng saya dahil may tao palang kayang gawin ito sa akin
Napangiti ako
"You're beautiful" puri nito dahilan upang mawala ang ngiti ko at samaan ito ng tingin. Napatawa ito at napa-iling
"Cute" sabi pa nito na ikinasimangot ko lang
"Let's go, we need to prepare for our upcoming wedding" saad nito at hindi man lang napatid ang ngiti nito at hinila na ako palabas ng green house. Hindi ko maiwasang mapangiti ng tipid sa narinig
Wedding huh?
█████
Like what they said mamadaliin ang kasal kaya tatlong araw lang ang ginawang preparations para sa kasal kasama na ang mga bulaklak at kung anu-ano pang mga kakailangan para sa kasal ay natapos lang sa loob ng tatlong araw. Ang kasal ay dito gaganapin sa bahay tutal ay malaki naman ito at walang masyadong inimbita sa magaganap na kasal because they want it to be private and also to protect orlin baka daw kasi lumabas ang ibang katauhan nito na iniingatang hindi matuklasan ng iba ang sekreto ng pamilya lalo na't kilala ang pamilya nito kaya tanging mga katulong at bodyguards lang ang witness namin sa kasal.
Orlin back yesterday at medyo nagulat pa ito ng malaman na kinabukasan ay kasal na namin. I also told him how I meet venny at sya ang nagdecide na magpakasal agad, kahit na nagulat sa nalaman ay kalaunan ay tumawa rin ito sa hindi ko malamang dahilan habang umiiling. Nakita ko pa itong bumulong pero hindi ko na narinig pa ang sinabi nito
And now I'm standing at the close door waiting for the signal. This day is my wedding and I'm wearing a simple yet elegant white wedding dress while holding a bunch of pink roses in my hand. I'm nervous at kahit ilang beses na akong huminga ng malalim at pinapakalma ang sarili ko ay hindi ko magawang kumalma
This is my first time at kahit na walang relasyong namamagitan sa amin ni orlin ay kinakabahan ako. When I heard the music play and the double door opened, that's my signal to do my part.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang maglakad papalabas ng pinto
The maids and guards even lolo wear their smiles when they saw me. They're happy, I know. Finally there's someone who can take care of their young master and that's me. Someone who can be with him when he still alive and someone who can guide him and accept his personalities. It's always me.
I look at orlin whose wearing a gray tuxedo and a pink necktie and a piece of pink rose in his right chest. Can help to be captivated to his handsomeness. He looks like a model a--no! His more like a noble to his posture
This is my dream. Wearing my wedding gown, walk in the aisle as our theme song play and look at my love full of love and happiness, pero hindi na iyon mangyayari dahil natuloy ang pangarap ko na iyon ngayon. Hindi nga lang sa taong mahal ko
Tipid akong ngumiti rito habang naglalakad ako papalapit sa kanya habang sya ay pinagmamasdan ako habang papalapit sa kanya
"Ang ganda mo" bulong nito sa tenga ko ng makalapit na ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin at ngumiti na lang sa harap ng pari. Nang makalapit kami ay agad na sinimulan nito ang seremonya hanggang sa kailangan na naming magbigay ng vows sa isa't isa