"Sa tabi na lang po kuya"
Sabi ko sa tricycle driver at agad naman itong huminto sa tapat ng gate ng bahay mabilis ko rin inabot ang bayad pagkatapos at bumaba
"Salamat po kuya" pahabol ko sa tricycle driver bago ito umarang kada paalis
Napalingon ako sa bahay at napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ito mula sa kinakatayuan ko
How I wish bumalik sana ang saya sa bahay na iyan. I miss my parents.
Napatingala ako at tumingin sa maaliwalas na kalangitan. Gabi na pero ang ganda pa rin nito dahil sa mga bituing nagpapakinang sa kalangitan
Ma, pa alam ko po'ng masaya na kayo dyan at nagpapasalamat rin po ako sa mga sakripisyong ginawa nyong dalawa para sa akin. Thankful din po ako dahil hindi nyo po ako pinapabayaan magpahanggang ngayon at binabantayan ang bawat kilos ko. Maraming salamat po dahil kong hindi po dahil sa inyo wala na po sana ako ngayon rito.
Tahimik kong bulong sa aking isip at lihim na napangiti. Napabuntong hininga ako at itinuloy na ang pagbukas ng gate at pumasok na ng bahay
The first thing I did ng makapasok ako at buksan ang ilaw ay ang humambala ng upo sa sofa at isinandal ang buong katawan ko rito matapos kong ilapag ang dala kong bag
I don't know pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit simple lang naman ang ginagawa ko sa bakeshop kumpara sa ginagawa ko dati sa restaurant
Agad akong nakaramdam pagka-antok makalipas lang ang ilang minuto at tuluyan na sanang mahihimbing ng may malakas na katok ang nagpagising ng diwa ko at agad akong bumangon. Nakaramdam pa ako ng pagkahilo at pandidilim ng mata dahil sa ginawa ko pero agad ring nakabawi at naglakad papunta sa pinto
Lalong nagising ang buong diwa ko ng makita ang nasa labas ng pinto ko
"Sino kayo?" Unang-unang tanong na lumabas sa bibig ko at agad ring napa-atras dahil hindi ko ito mga kakilala. Na-alarma rin ako dahil marami sila samantalang iisa lang ako kumpara sa kanila
"S-sino sabi kayo?!" Natatarantang sigaw ko sa kabila ng pagkautal ko at panginginig ng kamay ko sa kaba
This is the first time that someone knocks on my door na hindi ko kilala at puro lalaki pa. Are they gonna do bad things to me?
That thought made me shiver more. Wag naman po sana.
"You need to go with us, Ms. Fernandez. The old Morkeil wants to talk to you" sagot ng nasa unahan na lalaki sa suot nitong black in white na suit
Napatanga ako sa kinatatayuan ko at biglang napakunot
"W-who?" Ulit na tanong ko dahil mukhang nagkamali ata ako ng dinig may sinabi kasi syang morkeil, eh.
"The old morkeil wants to talk to you, Ms. Fernandez. Kung hindi daw po kayo papayag ay sapilitan daw po namin kayong pasasamahin" walang emosyon na sabi nito na ikinasinghap ko
Walang hiyang lolo! Gusto pa akong kidnapin! ULIT!
Mariin akong napapikit at napabuntong hininga
Ano na naman ba itong binabalak mo lolo!
"Fine! Sasama ako! Hindi nyo na ako kailangan pang kaladkarin paalis sa bahay ko"
"Miss, nandito na po tayo"
Agad akong napabangon ng marinig ang boses na iyon at napabalik sa ulirat ng maalalang gusto nga pala akong makausap ng matanda
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa loob ng kotse habang nagbyabyahe kami mabuti na lang wala silang ginawang masama sa akin
Napatingin ako sa paligid sa oras na nakababa na ako ng sasakyan at nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng hospital
So, orlin didn't lie to me ng sinabi nya na nasa hospital nga ang lolo nya.
Sana ay wala ang lalaking iyon rito. Nakakainis lang!
Agad namang naglakad ang lalaking kumausap sa akin at sinabing sundan ko ito. Agad naman akong sumunod rito at sa totoo lang nahihilo na ako sa dinadaanan namin dahil paikot-ikot ito lalo pa't masakit ang ulo ko dahil inaantok pa ako
Maka-ilang minutong pagikot-ikot namin tsaka lang ito tumigil sa isang pinto. Hinintay ako nitong makalapit bago nito binuksan ang pinto kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob
"Mabuti at dumating ka iha"
Napalingon agad ako sa direksyon ng taong nagsalita
Ngumiti ako rito at tumango bago ako lumapit rito at umupo sa gilid ng kama nito
"Bakit nyo po ako gustong makausap" magalang na tanong ko kahit na alam kong may alam ako sa sasabihin nito.
Walang iba kundi ang tungkol sa kasal ng apo nito. Sigh
"You saw how orlin change, right?" Tanong nito na tila alam ang nangyari kaninang umaga sa bahay
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil roon at dahan-dahang tumango
Nang makita ang reaksyon ko ay agad itong marahas na napabuntong-hininga na ikinakaba ko.
D-did... I-i do something wrong to that guy?! Agad nanlaki ang mata ko at napasinghap ng may naalala ako
Ipapakulong ba nya ako dahil sa nangyari sa apo nya? Hindi ko naman sya tinulak ah! Kusa syang bumagsak! Jusko! Ayukong makulong!
Nanginginig akong tumayo at humakbang paatras dahil sa takot na aking na-isip.
"Go back to your seat, iha. I still need to talk to you" seryosong sabi na nito at wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo habang nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko
"A-ano po ba a-ang pag-uusapan n-natin? T-tungkol po ba ito k-kay orlin?"
Tanga! Natural tungkol sa kanya ang pag-uusapan! Kinabahan ka lang bigla ka ng naging tanga! Sermon ko sa sarili at gusto ko sanang batukan ang sarili kung wala lang ang matanda sa harapan ko
"Actually, yes. It's about orlin. Actually iha hindi na kita pipilitin sa pagpapakasal kay orlin but you saw him change" madiin nitong sambit lalo na sa mga huling salita nito isama pa ang seryosong mukha na ipinapakita nito sa akin
Lalo akong kinabahan sa sinabi ng matanda lalo na sa sinabi nito sa nakita ko tungkol kay orlin.
What about him?
Hindi ko alam pero mukhang ikakapahamak ko ang nakita ko kanina. Actually hindi ko alam kong ano ang ikakapahamak ko sa nakita ko kanina dahil bumagsak lang naman ito at hindi ako makilala at tila litong-lito? Pero sa paraan ng pagkakasabi at pagtitig ni lolo sa akin ay tila napakalaking sekreto ito kaya ako kinakabahan
Magpapakasaya na sana ako sa sinabi nitong wala na itong balak na ipakasal pa ako sa apo nito pero may pero at mas kinakabahan ako lalo duon
"You like it or not matutuloy ang kasal mo sa apo ko. You saw him change and that's the biggest secret of my family and you just witness it, iha" walang mababakas na biro sa boses nito na ikinapigil ng hininga ko
Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya tungkol sa sinabi nito
B-biggest secret?! A-anong... S-sekreto?! Wala akong alam!!
Gusto ko iyong isa-tinig ngunit hanggang ngayon ay tulala pa rin akong nakatingin sa kanya habang naka-awang ng kaunti ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
Sekreto? Hahaha wala akong alam na sekreto kaya bakit ko kailangang kabahan at manginig. Tama! Wala kang alam!
Huminga akong ng malalim bago naglakas loob na magsalita
"A-anong sekreto po? Wala po akong alam, lolo" pilit na ngiti at pagpapakalma sa sarili kahit na narinig nito ang panginging ng boses ko habang nagsasalita
Jusko! Ano to?
"You'll marry my grandson or you'll die"
Nanlamig at natuod ako sa pwesto ko at pakiramdam ko pa ay namutla ako sa narinig ko
A-ako? P-papatayin? H-hindi pwede!
"Y-you're going t-to k-kill me?" Garal-garal na tanong ko sabay lunok. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng tubig sa buo kong katawan dahil sa narinig
"Yes"
Isang sagot lamang iyon pero malaking epekto ang nangyari sa buo kong katawan nang sabihin niya iyon
"B-bakit?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatulalang nakatingin sa kanya ang mga mata ko
"You just witnessed our secret and thats the right for me to kill you"
Tuluyan akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina at tuluyang napako ang tingin ko sa sahig. Ako? Mamamatay? Hindi pwede! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Bata pa ako at marami pa akong gustong maabot sa buhay. Pero bakit? Bakit nangyayari ito?
"You just witnessed Devon... The other personality of orlin"
Agad akong napa-angat ng tingin at naguguluhang tumingin sa kanya
"D-devon?... S-sino si devon?" Naguguluhang tanong ko at tanging ngisi lang ang sinagot nito sa akin habang nakatingin sa akin
Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo ko habang nanatili pa rin ang panginginig ng kalamnan ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
I need to calm myself para mas lalo kong maintindihan ang sinasabi nito dahil sa totoo lang ay nalilito na ako at hindi ko alam kong anong gagawin ko makaalis lang sa sitwasyon kong ito ngayon dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano
"Orlin was diagnosed to have dissociative identity disorders at the age of 7 and devon is one of his personality na na-witness mo kanina, iha"
Nanlalaki ang mga matang napatakip ako sa bibig ko sa kabila ng panginginig ng kamay ko sa impormasyong nalaman ko
"Y-you m-mean..." Hindi matapos na sabi ko na agad naman nitong tinanguan
"Yes. You'll die and keep this secret hanggang hukay or you'll marry my grandson and live while keeping this secret. Choose Ms. Fernandez"
Para akong kandila na bilang naupos dahil sa narinig. Bigla akong nawalan ng lakas ng loob upang magsalita at magreklamo dahil buhay ko na ang nakasalalay rito.
Bakit ako pa?
"W-wala po akong p-pagsasabihan tungkol sa l-lihim na ito ... P-pero wag n-nyo naman pong ipakasal sa akin ang a-apo nyo" nagmamakaawang saad ko habang nakatingin sa kanya at hinihiling na sana pumayag ito dahil sa totoo lang natatakot ako
Isang iling lang ang sinagot nito na ikinabagsak ng balikat ko
No! Wag kang sumuko
"Hindi ako mangangakong bubuhayin kita kung hindi mo papakasalan ang apo ko, alona" nanikip ang dibdib ko
"P-papatay k-kayo para sa s-sekretong tinatago nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nasa dibdib ko ang isang kamay at ramdam na ramdam ang lakas ng t***k ng puso ko
"Yes" walang pagdadalawang-isip nitong sagot na ikinasuko ko
Bakit humantong sa ganito? Kailangan bang buhay ko ang kapalit sa sekretong pilit nilang tinatago? May buhay din naman ako ah? May sariling buhay ako dito sa mundo at may sekreto rin naman ako ah? Hindi ba pwedeng pabayaan na lang nila ako at kalimutan na may kilala silang Alona Marie Fernandez at nakatuklas sa sekreto ng pamilya nila? Madali lang diba? Pero bakit kailangang ganito? Hindi makatarungan!
"H-hindi po ba pwedeng p-pag-usapan na lang natin 'to?" Umaasang tanong at umaasang magbabago pa ang isip nito pero sa tingin ko ay buo na ang desisyon nito dahil hindi na nagbago ang reaksyon nito
Tuluyan na akong sumuko ng marinig ko ang sagot nito
"I'm gonna kill you right away, alona" mahinahon pero bakas ang kapangyarihan sa boses nito na kayang-kaya niyang gawin ito
Matagal akong nakatingin sa kanya bago ko itinungko ang mga siko ko sa tuhod ko at tinakpan ang mukha ko
Agad kong naramdaman ang pangingilid ng mga mata ko kaya mabilis kong kinurap-kurap ang mga mata ko sa loob ng mga kamay ko para hindi tuluyang bumagsak ang mga luha ko
B-bakit kasi kailangang mangyari pa ito eh! Ako ang naiipit! Kung hindi sana pumunta ang lalaking yun sa bahay edi wala sanang nangyayaring ganito! Bwiset ka orlin! Pahamak ka sa buhay kong baliw ka!
"Your decision alona" walang bakas na pagtatanong sa boses nito na tila ba alam nya na ang magiging sagot ko
Tangina! Paano ako makakapili kong buhay ko na ang kapalit sa lintik na sekretong iyon! Hindi ba nya naisip na unfair yun para sa akin? Sa akin na bilang tao? Hindi nya ba naisip yun?!
Napabuntong-hininga ako at hinanda ang sarili ko bago ko sya hinarap at walang ganang ibinigay ang buong atensyon ko sa kanya
"Ano pa po ba ang gusto nyong marinig sa magiging desisyon ko? Alam nyo naman na po ang magiging sagot ko hindi po ba?" Hindi ko maiwasang maging sarcastic habang sinabi ko ito sa kanya
Sa totoo lang gusto kong humalak-hak sa harapan nya at ipagbunyi ang araw na ito para sa kanya. Aba! Ikakasal na ang apo nya kaya dapat lang maging masaya sya. Pero... hindi ko magawa lalo na't naiisip ko na paano naman ako? Yung nararamdaman ko? Yung buhay ko? Naisip man lang ba nya yun habang binibubuo nya ang desisyon na 'to? Hindi eh! Mas inuna nya pa ang magiging kapakanan ng pamilya nya kesa sa iba! Nakakagalak lang hahaha!
Agad sumilay ang isang ngiti sa labi nito na gusto kong burahin at tahiin para hindi ko lang makita
"Welcome to the family, alona" masayang sabi nito habang hindi napapatid ang ngiti sa labi nito
Gusto kong umirap at prangkahin ito sa pagbabanta sa buhay ko makuha lang ang gusto nito pero para saan pa? Heto na eh! Wala na akong magagawa na mas lalong ikinagagalit ng sarili ko dahil wala akong nagawa!
Isang tango lang ang sagot ko rito at tumayo. Muntik pa akong matumba ng biglang nanghina ang tuhod ko sa pagtayo ko mabuti na lang at maagap kong naibalanse ang katawan ko
"Thank you, alona. Kampante na akong iwan ang apo ko bago ako mamatay"
Tumango na lang ako rito at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyon at nakahinga ako ng maluwag nang mangyari iyon
"Are you okay, ma'am?"
Mabilis akong napahawak sa pader upang kumuha ng suporta dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at pandidilim ng paningin
Tumango ako rito bago muling humakbang pero agad nanlambot ang tuhod ko kaya bigla akong bumagsak
"Ma'am! Ma'am!" Rinig kong sigaw at may umalalay sa akin at pilit akong tinatawag
Napangiti ako
Bakit ba bigla akong bumagsak?
"A-ayos lang ako..." Huling sabi ko bago tuluyang nandilim ang paningin ko
█████
Ang bango! Bakit mabango? Hindi naman mabango ang kwarto ko ah? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napatitig sa kisame
Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at napakunot
Wala ako sa bahay ko!
Agad rin akong huminahon nang maalala ko ang nangyari.
Ikakasal na pala ako bulong ko sa sarili ko ng mapagtanto ang nangyari kanina
"You finally awake"
Mabilis akong napalingon kung saan galing ang boses na yun at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si orlin na nakatingin sa akin na nakaupo sa sofa di kalayuan sa kamang hinihigaan ko
"Anong ginagawa mo rito!" Hindi ko mapigilang hindi maghysterical sa gulat
Anong ginagawa ng lalaking ito sa loob ng kwartong inuukupa ko?! Papatayin ba nya ako?! May binabalak ba syang masama sa akin?! Ma! Pa! Tulong!
"This is my house. So, I still have the right kong saan ko gustong pumunta sa loob ng pamamahay ko" walang ganang sagot nito na ikinasinghap ko dahil sa talim ng titig na pinupukol nito
"So, you're Alona Marie Fernandez. My bride-to-be" nagtatakang tinitigan ko ito habang ito naman ay pinapasadahan ako ng tingin.
Putek naiilang ako!
Kilala na ako ni orlin ibig sabihin...
"Who are you?" Nakakasigurado akong hindi ito si orlin dahil hindi ako nito kilala
Sino naman kaya ito sa mga personality ni orlin na tinatago?
"I'm Devon, my wife" nakangising ganti nito sa tanong ko na agad ko namang tinaasan ng kilay at tinarayan
Kapal! My wife mo mukha mo!
Hindi talaga ito si orlin. Ang yabang eh!
mabilis akong bumaba sa kama at naglakad patungo sa pinto. Kailangan kong makalabas sa bahay na ito dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang pakisamahan ang lalaking ito
"Where are you going?" May pagbabanta sa boses nito na ikinatigil ko at nilingon ito. Duon ko lang nalaman na nakatayo na ito at papalapit na sa pwesto ko habang ang isang kamay nito ay nasa loob ng pants nito
"Aalis sa bahay na ito" sagot ko at lalampasan na sana sya sa harapan ko ng harangan ako nito kaya agad akong umatras at pinag-taasan ito ng kilay at hindi ko itinago ang pagkairita sa mukha ko
Ha! Para malaman nya na ayaw ko sa bahay na ito at sa kanya! At naiinis ako!
"You're not going anywhere dahil makukulong ka sa bahay na ito sa ayaw at sa gusto mo" madiin at naroon pa rin ang pagbabanta sa boses nito habang mariin na nakatitig sa mga mata ko
"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya at isang ngiti ang binigay nito na ikinakilabot ko
"You're my future wife at ayukong pakalat-kalat ang pag-aari ko" at lumabas habang ako rito sa pwesto ko ay iniwan nyang nakatulala at napa-tanga dahil sa narinig
"Hindi mo ako pag-aari!" Habol na sigaw ko nang makabawi pero alam kong hindi na nito narinig pa ang sigaw ko
"Ahhh!! Tangina! Hindi dapat 'to nangyayari!" Inis na sigaw ko at bumalik sa kama at duon nagwala at binuhos ang inis ko
█████
"Bakit hindi mo kinakain ang pagkain mo?" Walang ganang tanong nito habang nakatingin sa sidetable kung saan nakalagay ang pagkain na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw
"Wala akong gana" simpleng sagot ko at tumalikod sa kanya at humarap sa veranda
Kanina ko lang napagtanto na ito ang silid na pinagamit sa akin nung unang araw ko rito
Gabi na at simula pa kagabi ay hindi na ako kumain kaya hindi nakakapagtaka na pinuntahan ako ngayon ni orl--devon na inaasahan ko rin naman na gagawin nya
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at naramdaman ko ang paglapit nito sa likod ko
"You need to eat, alona" matigas na utos nito na nagpa-irap sa akin
Ngayon naman inuutusan na nya ako? I forgot. Hindi nga pala sya si orlin
Humarap ako rito at tinaasan ito ng kilay
"Paano ako gaganahang kumain kong maghapong nandito lang ako sa kwarto? Hindi ako hayop para ikulong mo lang dito" nauuyam na sabi ko
Hindi na nga ako nakapasok sa trabaho lowbat pa ang cellphone ko. Maliban pa duon ay wala akong maka-usap rito. Ang laki-laki ng bahay pero wala din namang kwenta
Nagsalubong ang mga kilay nito habang matalim ang mga tinging pinupukol nito
"I didn't treat you like that" at tila ba sigurado sya sa sinabi at hindi man lang nag-alinlangan na sinabi ito sa akin
Ay, tanga!
"Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sigaw ko rito at lalampasan na sana sya ng hawakan ako nito sa braso
"Wag mo akong sigawan" banta nito
Nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo ko sa batok at braso. Nanlaki ang mata ko lalo na nang maramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng pagkakapit nito sa braso
This guy...
"Bitawan mo nga ako!" At pilit kong binabawi ang braso ko sa kamay nito pero mas malakas sya
Nararamdamn ko na rin ang nagbabadyang luha sa mata ko. Hindi! Hindi dapat ako umiyak sa harap ng lalaking ito
"Bitawan mo 'ko sabi!" Sigaw ko pa at marahas na binabawi ang braso ko sa pagkakahawak nya ng biglang may naramdaman akong tumulo sa pisngi ko
Napahinto ako at mabilis na pinahid ito samantalang natuod ito sa kinatatayuan nito
"I'm... I'm s-sorry" at mabilis na binitawan ang kamay ko na ipinagpasalamat ko
Agad akong nanghina dahilan ng pagkasalampak ko sa sahig at mabilis kong tinakpan ang mukha ko at tuluyan ng umiyak
Naramdaman kong pumantay ito sa akin at nagbuntong-hininga
"I-I'm... Sorry. Hindi ko sinasadya" mahinang sambit nito na tama lang upang marinig ko
Umiling ako rito habang nakatakip ang mga nanginginig kong kamay sa mukha
"Walang magagawa ang sorry mo'ng yan kong nandito na ako sa sitwasyong ito" puno ng sakit na sambit ko habang dinadamdam ang nangyari
"Wala sana ako sa sitwasyong ito kung hindi nyo ako pinagbantaan. Buhay ko na ang pinag-uusapan dito! Tangina kasi! Bakit pa kasi pumunta ang orlin na yan sa bahay at pumalit ka! Kaya ko naman itago ang sekreto nyo dahil unang-una wala akong pakialam at makukuha kong ipagkakalat ko man ang tungkol sa inyo pero ang pagbantaan ang buhay ko at ipakasal sayo?! Hindi na tama yun! Ang unfair! Porket ba mayaman kayo kailangan bang lahat ng gusto nyo ang masunod?! May sariling buhay rin ako katulad nyo! Oo! Mayaman kayo at mahirap lang ako! Pero may karapatan na ba kayong maliitin ako?! Hindi diba?! Isa ka pa! Akala mo ba madali lang sa akin na pakisamahan ka kahit alam kong marami kayo dyan sa loob ng lalaking yan?! Kung gusto nyong tanggapin ko ito pakisamahan nyo naman ako. Hindi ako yung kailangang mag-adjust!" Iyak ko at binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa sitwasyon ko ngayon
Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin kaya agad akong nagpumiglas rito pero agad ko rin itong itinigil ng higpitan nito ang yakap kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak sa mga bisig nito