Hindi mapakali ang bibig ko sa kakanguya ng pagkain at para akong nasa isang mamahaling restaurant dahil sa sarap, sa ganda ng presentation ng mga pagkain at sa dami nito.
Ngayon lang kasi ako nakatikim ng mga pagkain na nasa harap ko kadalasan kasi tuyo, sardinas, noodles, at yung mga madadali lang lutuin ang laging ulam ko at hindi ko afford na bumili ng mga mahal na ulam para lang sa akin dahil pinagkakasya ko ang perang nakukuha ko sa sweldo kaya nung bumaba kami ni orlin kanina at nakita ang nakahain sa lamesa ay agad akong naglaway at na-excite na kumain dahil gutom na rin ako.
"Ahem.."
Agad akong tumigil sa pagnguya at binitawan ang mga kubyertos at kinuha ang isang basong tubig upang malunok ko ang natitirang pagkain sa bibig ko at tumingin kay lolo na nakatingin na sa akin.
Napatingin ako kay orlin na hindi nagsasalita at mataman lang na nakatingin sa akin at parang may malalim na iniisip habang nakatingin sa akin. Problima nya?
Bumaling ako kay lolo at ngumiti ng matamis at sabing "sorry po lolo, masarap po yung pagkain e" nahihiya kong saad. Tumawa ito ng bahagya at umiling na tila ba natutuwa sa akin.
Sa bagay hindi na ako magdududa duon malikot ang isip ni lolo e, biruin mo yun maaaksidente na't lahat na-isipan pang pansinin ang dibdib ko na hindi naman kalakihan. Nakakahiya tuloy.
"It's okay iha. Alam naming gutom ka dahil tatlong araw kang walang maayos na kain. Just eat slowly baka mabulunan ka pa" paalala nito kaya tumango na lang ako at sinunod ang utos nito
Napatingin ako kay orlin na tahimik na nakaupo sa tabi ni lolo at napansin iyon ni lolo.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko rito at itinuon ang pansin sa pagkain
"By the way, alona. Orlin is single so don't worry hindi ka magiging kabit kung yun ang inaalala mo" agad akong nasamid ng marinig ko ang sinabi ni lolo
Mabilis kong inabot ang baso at inubos ang laman nito. Napa-ubo rin ako ng ilang beses bago nakabawi sa gulat at pagkasamid.
Pag-angat ko ng tingin ay ang mga mata ng mag-lolo ang naka-abang sa akin
Napa-ngiwi ako at kalaunan ay napabuntong-hininga
"Lo, baka pwedeng wag mo ng ituloy yang binabalak mong kasal. First of all, hindi ko kilala ang apo nyo" at tingin sa direksyon ni orlin na salubong ang mga kilay na agad ko namang tinaasan ng kilay at tinarayan
"Pangalawa, hindi kami magkakasundo nyang apo nyo lo. Aba! Mukhang mas mataray pa nga po yan sa akin, e! Pangatlo, wala po akong pakialam sa yaman nyo. Pang-apat, ayukong matali sa isang relasyon na hindi ko naman mahal. Pang-lima, ayukong magpakasal sa hindi ko kilala!"
"Ikaw naman kasi lolo, grabe naman kasi yang desisyon mo. biglaan, wala man lang warning, ura-urada agad? Nakakagulat. Kung may sakit lang siguro ako ay kanina pa ako inatake"
Umayos ako ng pagkakaupo at isinandal ko ang dalawang siko sa lamesa at pinag-salikop ang mga kamay at sinandal dito ang baba ko. Tiningnan ko si orlin. Pinagmasdan at kinilatis habang ito ay nailang at biglang umayos ng upo. Napangiti ako saglit.
Lumingon ako kay lolo at itinuon ko ang atensyon rito.
"Alam mo lo, hindi ka mahihirapan na makahanap ng bagong magiging manugang mo para dito sa apo mo" sabi ko sabay turo kay orlin na masama na ang tingin sa akin. Aba! Ayaw nya yun? Hindi na ulit kami magkikita? "Gwapo naman kasi itong apo mo e, kaya lang lo. Hindi tumalab sa akin e, sa iba siguro lo, sigurado akong maraming mag-aagawan dyan mapakasalan lang yan o baka nga malahian lang e, pero sa akin lo? Wag. Wag mo ng balakin muling ipakasal ako sa lalaking yan kasi..." Bumaling ako rito at pinakatitigan sabay dahan-dahang umiling na humarap kay lolo
"Wala lo, e. Hindi ko sya mahal at lalong wala akong balak magpakasal" saad ko at sumandal sa upuan habang iiling-iling
Napatingin ako rito nang marahas itong tumayo sa pwesto nito at masama ang tingin na ipinupukol sa akin
"This girl is unpredictable! Where did you get this girl lolo? Walang modo e! Ang bastos! Ang lakas naman ng loob mo para sabihan ako sa loob ng pamamahay ko! You know what? You're a trash" Sumbat nito na nagpainis sa akin
"Walang modo? Bastos? Basura? Excuse me?! Are you talking to yourself! Aba! I know this is your house, i don't care! Hindi ko naman ito maiuuwi, e, Kainin nga hindi. Paki ko sayo? Kilala ba kita? And besides, wala nga dapat ako rito kung hindi dahil dyan sa lolo mo" inis na litanya ko rito at mataray itong tiningnan
"Did you just now disrespect my grandfather infront of me?!" Madiin at galit nitong saad habang hindi makapaniwala itong tumingin sa akin
Tiningnan ko lang ito at hindi sinagot. Did I?
"This woman is crazy! I will not gonna marry a woman like her lolo! Bakit ba kasi sya pa po ang napili mo?" Tanong nito sa lolo habang galit itong nakatingin sa akin.
Naikuyom ko ang mga kamay ko.
Nakakainis na itong lalaking ito ha! Kanina pa sya!
"And besides, hindi sya bagay sa mundong ginagalawan natin. Isang hamak na hampas lupa" puno ng pagkasuklam na saad nito habang nakatitig sa mga mata ko
Marahas akong tumayo at mabilis na lumapit sa kanya at malakas itong sinampal. Maraming nagulat maging ang lalaking kaharap ko dahil kitang-kita ng mga mata ko kung paano lumaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin
"Walang hiya kang lalaki ka! Anong karapatan mo na tawagin akong hampas lupa! Ikaw ba ang nagluwal sa akin?! Ikaw ba ang nagpapakain sa akin?! Ikaw ba ang bumuhay sa akin?! Hindi! Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Dahil unang-una sa lahat hindi kita kamag-anak! Naturingan kang lalaki pero walang galang sa babae! Nakakahiya ka!" Sigaw ko habang dinuduro-duro ito at mabilis na huminga habang nakatingin sa kanya ng masama
Mabilis kong pinahid ang luhang bumagsak sa mukha ko at agad na nilampasan ito.
Malalaki ang hakbang ko papalayo sa kanila habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.
I need to get out of this house. Its suffocates me.
How dare him na basta-basta nya lang akong tawaging hampas lupa. I know i'm not rich like him pero hindi iyon basehan para tawagin akong hampas lupa. This is the first time that someone's called me like that, and it's hurt.
"Ma'am, mahigpit pong ipinagbabawal na bawal po kayong lumabas"
Mas lalo akong nagpuyos sa galit ng marinig ang sinabi ng guard na nagbabantay sa gate ng makalapit ako rito
"Wala akong pakialam! Palabasin mo ako kung ayaw mong masaktan!"
Mabilis akong lumapit rito ng hindi ito natinag sa banta ko napa-atras pa ito ng makalapit na ako pero ipinag-sa-walang bahala ko lamang ito at mabilis itong sinuntok sa mukha nito at agad kong kinawit ang kaliwang kamay ko at sinuntok ito sa sikmura dahilan ng ika-yuko at ika-daing nito, agad kong pinuntirya ang likod nito para patulugin ito.
Malaki ang pasasalamat ko at nag-aral ako ng taekwondo at judo na nakakatulong ngayon sa kalagayan ko ngayon.
Mabilis kong binuksan ang maliit na pinto sa gate at lumabas rito at tumakbo papalayo sa bahay na iyon. Muling tumulo ang mga luha ko ng maalala ang lahat ng sinabi ng lalaking 'yon.
Ang sama nya!
Napa-hinto ako sa paglalakad at napasunod ng tingin sa dumaan na ambulansya na lumampas sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba lalo na't papunta ito kila orlin. 'Sana hindi sa kanila papunta ang ambulansya na yon' bulong ko sa sarili ko at agad kong pinara ang taxi'ng paraan
Its been a week nung walang nang-abala sa buhay ko na ikinatuwa ko at ikinahinga ko ng maluwag dahil hindi na ako inaabala ng mga Morkeil. Akala ko kasi pagkatapos nun ay mang-gugulo ulit sila rito sa bahay ko at pilitin ulit magpakasal. Mabuti naman at sinapian si lolo ng kabaitan na wag ng ituloy ang kasal at sana makahanap na ito na papalit sa akin.
Nakahanap na rin ako ng trabaho sa isang bakeshop at maganda naman ang kita ko rito dahil araw ang bayad rito kaya nakukuha ko agad ang sahod ko bago ako umalis.
Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-si-seven thirty na kaya mabilis kong kinuha ang bag ko at nilagay na ang mga kakailanganin ko at bumaba na pagbukas ko ng pinto ay may taong bumungad sa akin na ikinagulat ko
"Anong ginagawa mo rito?" Salubong ang mga kilay na tanong ko habang ito ay diretso lang ang tingin sa akin
"Mag-usap tayo" sagot nito at mabilis akong nilampasan at pumasok at umupo agad sa sofa habang ginala ang buong tingin sa bahay
Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at sinara ang pinto at sumunod sa kanya.
'Walang hiya! Nagawa pang pumunta rito sa bahay ko matapos ang ginawa nya tapos kung makatingin sa mga gamit ko rito sa bahay daig pa ang nasa eskwater kong mandiri sa nakikita!'
"Ang galing mo rin ano? Ikaw na nga itong biglang pumasok na walang paanyaya ko tapos ikaw pa itong may ganang manlait sa bahay ko. Baka gusto mong umalis kong ayaw mo" prangkang sabi ko matapos ang paglibot ng tingin nito sa bahay
Nakataas ang kilay nito na tumingin sa akin na para bang kasalanan ko pa kung bakit ganito ang bahay ko
"May sinabi ba ako?" Taas noong saad nito at pinakatitigin ako mula ulo hanggang pa. Bastos!
Napa-irap ako rito at tinaasan ito ng kilay
"Wala ka mang sinabi pero kitang-kita dyan sa mukha mo ang lahat. Pasensya na hindi kasi ako mayaman katulad nyo, eh. Oh? baka may ilalait ka pa sabihin mo na ng isang bagsakan lang" sagot ko
"Ano bang ginagawa mo rito, Mr. Morkeil? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. May trabaho pa akong pupuntahan" sabi ko ng hindi na ito nagsalita pa
Huminga ito ng malalim dahilan na naman ng ikataas ng kilay ko. Wow! Ako nga dapat ang mapabuntong hininga at magtimpi dahil sya itong nang-abala sa akin!
"We need to get married, alona" walang emosyon na saad nito habang nakatingin sa akin at tila ba wala lang ito sa kanya habang ako ay napa-sandal at nahigit ang hininga.
Marahas akong napatayo at tumalikod rito at tumawa na para bang isang nakakatawang biro ang sinabi nito
"Hindi pa ba tapos ang issue na yan? Akala ko pa naman may nahanap na kayong papalit sa akin kaya hindi nyo na ako inaabala. And besides, like what you said hindi ako karapat dapat na ikasal sa iyo dahil isa lamang akong HAMPAS LUPA. Bakit ata nagbago? Ikaw pa itong lumapit sa akin at nag-alok? Niloloko mo ba ako Mr. Morkeil?" Sabi ko at lumingon rito
Nakita ko itong bumuntong-hininga at yumuko. Guilty?
"At tsaka, nakakasigurado akong ayaw mo rin ikasal. So, bakit mo pinipilit at tinatanggap ang ayaw mo naman gawin. Niloloko mo lang ang sarili mo Mr. Morkeil. Pwede ka ng umalis tapos na ang usapan na ito" sabi ko at tumalikod na at papunta na sa may hagdan ng may biglang humila sa braso ko. Mabuti't maagap ako at mabilis kong naibalanse ang katawan kaya hindi ako natumba.
Mabilis kong hiniklas ang braso ko sa pagkakahawak nito at masama itong tiningnan
"Sorry" mahinang sambit nito na kung hindi lang ako malapit rito ay hindi ko ito maririnig
"So, nagsosorry ka pala? Hindi halata" sagot ko at tumalikod muli ng pigilin na naman ako nito sa paghawak sa pala-pulsuhan ko
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Kanina ka pa ah!" Bulyaw ko na agad din naman nitong binitawan ang kamay ko
Inis akong tumalikod rito at papaakyat na sa taas ng marinig ko ang sinabi nito na nagpatigil sa akin
"Lolo is in the hospital, and he needs you. He wants you to marry me before he died" lumingon ako rito at gulat na tumingin sa kanya. Duon ko lang napansin ang eyebag sa mata nito
"Please. Accept the marriage for the sake of lolo, alona" pagmamakaawa nito and i saw desparation in his eyes
Napapikit ako at napabuntong-hininga at nagbilang ng 1 hanggang 10 sa isip bago ko ulit binuksan ang mga mata ko. Sa oras na nagkasalubong ang tingin namin, I immediately saw hope in his eyes.
Ngumiti ako rito na agad nagpaliwanag sa mukha nito
Magsasalita sana ito ng unahan ko ito
"Makakaalis ka na Mr. Morkeil" at tumalikod sa kanya at pinagpatuloy ang paghakbang sa hagdan at pumasok sa kwarto at umupo sa kama
Nagulat na lang ako ng may narinig akong kalabog sa baba kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan
Ganun na lang ang gulat ko ng makita si orlin morkeil na nakahandusay sa sahig at walang malay
Hala! Anong nangyari?
Agad akong lumapit rito at mabilis na tinapik ang pisngi nito. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko itong nagmulat nang mata sa maka-ilan kong tapik sa pisngi nito. Ganun na lang ang gulat ko nang bigla akong itulak nito at marahas na lumayo sa akin
"Who are you?!" Puno nang takot at pagkalito ang makikita sa mukha nito habang nakatingin sa akin at nililibot ng tingin ang paligid
Napatulala ako saglit. Anong kalukuhan na naman ba 'to?
Mabilis akong tumayo nang matauhan ako sa kabila ng pananakit ng pwetan ko sa pagkakatulak nito kanina. Nagtataka at salubong ang mga kilay ko habang nakatingin ako rito
Aba! Sino daw ako?
"Where am I?" Ganun pa rin ang reaksyon nito habang nakatingala sa akin na nagpataas ng kilay ko
Ngayon naman na saan daw sya?! E, siraulo din naman pala ang lalaking ito e! Sya nga itong pumunta rito tapos hindi alam kung na saan sya?
Inis akong umupo sa single sofa na kaharap nya at tinaasan ito ng kilay habang naka-dekwatro at naka-cross arm habang nakatingin sa kanya
"Nagka-amnesia ka ba? Hala! Ang lala naman ata ng pagkakabagsak mo, pati pangalan ko nakalimutan mo at kung paano ka napunta rito. Aba malay ko sayo! Sagutin mo tanong mo mag-isa!" Mataray na sagot ko sa mga tanong nito
Nakataas ang kilay ko habang nakasunod ang tingin ko sa kilos nito. Umupo ito sa sofa'ng kaharap ko at salubong ang mga kilay na nakatingin sa paligid nito at kinikilatis kung na saan ito hanggang sa tumigil ang tingin nito sa akin. Salubong ang mga kilay habang kinikilatis ako nito at nagtatakang nakatingin sa akin. Teka? Parang nangyari na ito kanina ah?
Tinaasan ko lang ito ng kilay sa kabila ng ginagawa nito.
"Tigilan mo ako sa tingin na yan, orlin. Hindi na nakakatuwa" sambit ko ng mapansin na hindi pa rin nito inaalis ang tingin nito sa akin. Nakakailang na e.
"Orlin?" Nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa akin
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?
"Ha! Pangalan mo na lang limot mo na? Hindi na nakakatuwa yang biro mo. Umalis ka na at kanina ka pa nakaka-abala sa pagpasok ko sa trabaho" sagot ko sa hindi nakakatuwang tono
Biglang nagbago ang reaksyon nito at naging blangko at
Hindi na nakakatuwa ang inaakto nito at kinakabahan na rin ako
"Mas mabuti pang dumiretso ka kaagad sa hospital ng maalala mo kung sino ka hindi yung ako ang pinapakaba mo sa inaasal mo'ng lalaki ka" sabi ko at nagulat ako ng bigla rin itong tumayo pagka-tayo ko. Hindi ko na ito pinansin at kinuha ang bag na binaba ko sa coffee table at aalis na sana nang bigla ako nitong hinawakan sa tig-kabilang balikat ko
Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa kanya habang natatakot sa lapit ng mga mukha namin habang taliwas naman ang reaksyon nito sa reaksyon ko na nakatingin sa akin ng walang emosyon at ang mga mata nitong pinag-aaralan ako
"Who are you" bigla akong nakaramdam ng kilabot ng marinig ko ang boses nito na puno ng awtoridad at lamig nito hindi katulad kanina na puno ng pagtatanong at pagkalito
Napatulala ako saglit at namalayan ko na lang na nakatingin na ito sa ibaba. Napasinghap ako ng malaman ang tinitingnan nito 'bakit sya nakatingin sa labi ko?!'
Agad akong nanlamig at mabilis na tinulak ito. Nanghihina akong napaupo habang mabilis ang t***k ng puso ko habang tulalang nakatingin sa kanya at dahan-dahang tinaas ang kanan kung kamay na nakaturo sa kanya
"B-bas...basto-s!" nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya habang unti unting nagpupuyos ang damdamin ko sa galit
Kinuha ko ang throw pillow na nasa sofa at mabilis na lumapit rito at pinaghahampas ito
"Walang hiya ka! Lumayas ka sa pamamahay ko at wag na wag ka ng babalik rito!" Sigaw ko habang pinaghahampas ito ng unan na sinasalag lang nya
Lalo lang ako nanggigil
Hinila ko ito patayo at tinulak ito papunta sa pinto
"What did I do wrong to you woman" inis na sita nito na pinigilan ako sa pagtulak-tulak papalabas sa kanya
Lalo lang akong nainis. Wala daw ginawa! Muntikan na akong maharas kanina!!
"Layas! At wag na wag kang babalik rito! Bastos ka!" Sigaw kong muli at tuluyan na itong tinulak palabas at mabilis kong sinara ang pinto
"You're gonna regret this woman! I'll make sure of that!" Sigaw nito sa labas at naramdaman ko pa ang pagkalabog ng pinto na sinipa siguro sa labas dahil nakasandal pa rin ako sa pinto
"Regret mong mukha mo! Tuwang-tuwa pa nga ako sa ginawa ko! Bwesit!" Sigaw ko sa kabila at padabog na pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom
Ha-highblood-in ako nito eh!
Agad akong nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Nakarinig ako ng tunog ng makina ng sasakyan kaya mabilis akong napasilip sa bintana at nakahinga ng maluwag ng makitang papaalis na ang kotse ng lalaking yun
"Mabuti naman" bulong ko at pinagpatuloy ang paginom ng tubig at pagkalma sa sarili
Bigla akong napahinto nang may maalala ako
'Ano bang nangyari sa lalaking yun at biglang naging ganon yun'
Napa-iling ako at hindi na lang pinansin ang gumugulo sa isip ko at naghanda na para sa pagpasok ko sa trabaho.
"Bwesit na lalaking 'yun. Malalate pa tuloy ako sa trabaho ko"