Nagising ako na masakit ang ulo ko at nabungaran ang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ako?
Agad akong bumangon at bumaba ng kama. Jusko! Nandito ako sa bahay nang maglolo!
Tumakbo ako sa may veranda. Oo mga pre! May veranda sila. Napatingin ako sa ibaba nito at nakitang bantay sarado ito maging sa gate na tanaw ko mula rito sa pwesto ko.
Paano ako makakatakas sa lungga ni lolo?
Nataranta ako ng makarinig ako ng katok sa pinto kaya wala akong nagawa kundi tumakbo pabalik sa kama at humiga at nagpanggap na tulog. Jusko! Sana effective! Hindi ako magaling umarte sa pagtulog!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga hakbang na papunta sa akin. Mariin akong napapikit at nagdasal sa isip na hindi sana ako mahuli.
"Sigurado ka ba Tuarez na ayos lang sya?" Rinig kong tanong ni lolo. May naramdaman akong may umupo sa gilid ng kama, si lolo ata iyon.
"Maayos na po ang lagay ng Miss, grandmaster. Kailangan nya lang pong magpahinga at kumain pagkagising. Tatlong araw syang walang maayos na kain kaya po bigla syang nag-collapse kanina" sabi ng isang lalaki
Pagkain!
"Maraming sala---"
On cue biglang kumalam ng malakas ang tyan ko dahilan ng biglang mulat ko at ang panlalaki ng mga mata ko. Nakakahiya! Napakagat ako sa ibabang labi ko at alanganing lumingon kay lolo at ngumiti.
"Pasensya lo, nakarinig ako ng pagkain eh hihihi" nahihiyang saad ko rito napatawa naman ito gayon din ang kasamang lalaki nito samantalang nakatingin lang sa akin si orlin na nasa tabi lang nung kasama nilang lalaki.
Napapikit ako ng mariin ng maalalang nagpapanggap nga pala akong tulog! Argh! Tanga ka talaga lona!
"Bumangon ka na riyan iha at kakain na tayo sa baba" natatawang sabi nito sa pagitang ng pagtawa. Wala akong nagawa kundi sundin ang inutos nito. Tumayo si lolo at naglakad na papunta sa pinto kasama pa ang dalawa ng bigla itong huminto at tumingin kay orlin
"Alalayan mo ang mapapangasawa mo, orlin. Hindi pa maayos ang lagay ni alona at hindi nya pa alam ang pasikot-sikot ng bahay" utos ni lolo at lumabas na kasama ang isa pang lalaki samantalang nanatiling nakatayo lang si orlin kung saan sya huminto kaya nakatalikod ito sa akin.
Napatampal ako sa aking noo. Inis naman oh! Bakit sa lalaking 'to pa ako pinaubaya ni lolo? Hindi ba sya nagaalala na may magawa akong masama sa apo nya? Ah bahala sila! Gagawin ko ang gusto ko at wala na silang pakialam pa roon.
Yung pagkain nga pala. Okay na rin yun at least aalis akong busog sa bahay na ito at para may lakas na rin akong makatakas hihihi.
Bumaba ako sa kama at napatingin ako sa mga braso ko na may mga band aid na wala ito kanina. Hayae na nga.
Tumayo ako at nakaramdam agad ako ng pagkahilo mabuti na lang at napahawak ako sa bedsheet at naiwasan ang pagbagsak ko.
Nagulat ako ng may kamay na pilit inaalalayan akong tumayo napatingala ako rito at nakitang si orlin ito. Nagtataka ko itong pinukulan ng tingin habang sya ay wala man lang, seryoso.
"Problima mo?" Maging ang boses nito ay nagiba naging malalim at malamig ibang iba sa nakilala kong Orlin kanina na halos gusto na akong sapakin sa inis kanina sa kotse. Nagkibit balikat ako rito at tinaasan ng kilay
"Akala ko kasi hindi ka na gagalaw sa kinatatayuan mo kanina, e. At tsaka kaya ko namang maglakad e. Ang lakas ko kaya" sabi ko pa at pilit inaalis ang kamay nito sa pag-alalay sa akin. Tinaasan lang ako ng kilay nito at nagsimula ng maglakad wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil hawak nya naman ako. Laki kaya nyang tao.
"Sya nga pala? Anong sabi ni lolo about sa kasal? Binawi nya na ba?" Umaasang tanong ko rito sana naman please! Tumingin lang ito sa akin bago sinarado ang pintong pinanggalingan namin.
"Hindi" sagot nito na ikinatanga ko. Huminto ako dahilan ng ika-hinto rin nito at sinamaan ko ito ng tingin tumingin rin ito sa akin na mas lalong ikinainis ko.
Sa inis ko ay kinurot ko ito sa kanyang tagiliran habang nakatingin sa kanya habang nagngingit-ngit ako sa galit.
Wala na akong pakialam kong mayaman sya at balaking ipakulong ako dahil sa ginawa ko at least nakaganti ako. Bwesit sya!
Nakita ko naman ang pagbabago ng reaksyon nito at nanlaki ang mata ng lalo ko pang diniinan ang pagkurot ko rito mabilis ako nitong itinulak papalayo sa kanya at nagsisigaw sa sakit.
Napa-upo naman ako sa sahig at tumama pa ang ulo ko sa pader dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa akin. Agad ko itong sinapo at hinimas ng paulit-ulit dahil sa sakit ng pagkakatama ng ulo ko sa pader. Inis kong binalingan ang lalaki na hanggang ngayon ay nagtatalon sa sakit. Buti nga sa kanya! Ang tanga nya!
"How dare you!" Bulyaw nito sabay turo sa akin ng hintuturo nito agad ko namang kinuha ito at kakagatin sana ng bigla nitong hinila ng malakas ang kamay nito dahilan upang mabitawan ko at ikaupo nya rin sa sahig dahil sa impact na ginawa nya.
Gulat itong tumingin sa akin at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ha! Dapat lang na matakot sya dahil kong hindi mapipigilan ang kasal na yan ay talagang malalagot sya sa akin!
"How dare you mo mukha mo! Ang tanga mo naman at wala kang ginawa kahit na anong paraan para mapawalang bisa ang kasal na yan! Bakit ba hindi ninyo maintindihan na ayuko pang ikasal! AYUKO! At tsaka hindi ka ba nasasaktan na kinukontrol ng lolo mo ang buhay mo?! Paano pala yung babaeng nakatadhana sayo?! Paano sya kung mag-asawa na tayo? Hindi mo man lang ba naisip yun? Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko?! Ma-arte na kung ma-arte pero ayukong matali sa isang relasyon na hindi ako mahal ng lalaki at ganun rin ako! Mahirap ba iyon intindihin? Sabihin mo nga?! Mahirap ba?!" Sigaw ko sa pagitan ng pag-iyak ko at itinulak ang isang mamahaling vase sa gilid ko at kinuha ang isang pirasong basag nito at mabilis na lumapit sa kanya at pinailaliman ito. Gulat ang makikita sa mukha nito nang makita ang balak kong gawin.
"Kung mahirap intindihin iyon para sa iyo ay papatayin na lang kita!" Matapang na saad ko at itinutok sa kanyang leeg ang matulis na bahagi na kinuha ko at matapang syang tiningnan sa mga mata
"Tutal pagnawala ka ay walang kwenta na rin ang kasal na iyan! Wala akong pakialam kung makulong ako ng panghabang buhay sa kulungan at least ako hindi ko hinahayaang kontrolin ako nino man!" Saad ko pa at mariin na tumingin sa kanya. Tumingin ito sa kamay kong nakatutok sa leeg nya at biglang nanlaki ang mata nito.
Nanlaki ang mata ko sa mga sumunod na nangyari. Mabilis nitong hinawi ang kamay kong may nakatutok sa leeg nito gamit ang kaliwang kamay nito. Mabilis kong nabitawan ang hawak ko ng makitang may lumalabas ng dugo sa leeg nito. Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong ng magulat ako sa sunod na ginawa nito. Agad ako nitong kinabig papalapit sa kanya at mahigpit na ikinulong sa mga braso nya. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa kanya samantalang sya ay malalim ang tingin na nakatingin sa aking mga mata.
Napababa ang tingin ko sa kanyang leeg at kitang kita ko parin ang sariwang dugo na lumalabas sa leeg nito.
Dugo
Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap nito at agad na lumayo rito habang tulalang nakatingin sa leeg nitong dumudugo. Napalipat ang tingin ko sa aking kamay ng maramdaman ang hapdi rito at napatulala ako ng makitang may dugo rin ito.
Dugo.
Dugo.
Hanggang sa naibigkas ko na ito ng paulit-ulit parang isang musika na paulit ulit na nagplaplay sa akin ang lahat ngunit hindi magagandang alala ang naaalala ko mula rito.
Agad kong tinakpan ang mga tenga ko at nagsumiksik sa pwesto ko ng paulit-ulit ang pangyayari nung gabing iyon
Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig at mamanhid sa pwesto ko at hindi ko na rin magawang marinig ang sinasabi ni orlan ng paulit-ulit na nagpla-play ang lahat
"Anak! Gising! Kailangan mong gumising!" Rinig kong pilit na sinasabi ni mama sa mahinang boses
Agad naman akong nagmulat ng mata at nakita ang natatarantang mukha ni mama at ganun rin si papa. Umaandar pa rin ang bus na papunta sa probinsya ng mama ko. Duon kasi kami magbabakasyon ngayong pasko.
"Bakit po mama? Malapit na po ba tayo kila lola?" Tanong ko at tumingin sa labas at madilim pa rin. Lumingon ako kay mama na patuloy sa pag-iling. Nakarinig ako ng mga taong nagpapanick at nagmamaka-awa sa kung sino.
"Ma? Anong nangyayari? Bakit po maingay?" Tanong ko at bigla itong sumenyas na wag akong maingay kaya agad kong naitikom ang aking bibig
"Sabing bitawan mo yung manubela eh! Hindi ka ba nakakaintindi?!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki
Biglang nagpagiwang-giwang ang bus na ikinataranta ng iba maging ng mga magulang ko, maging ako ay biglang niyakap ng takot.
"Mama" natatakot kong sabi. Niyakap ako ni mama ng mahigpit at sinabing wag kong intindihin iyon may naglalaro lang daw sa unahan na mga matatanda
"K-kuya, wag nyo pong takutin ang driver baka po tayong lahat maaksidente" rinig sabi ng isang babae at isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng bus dahilan upang magkagulo sa takot ang lahat ng nasa loob
"Sinabing wag kang mangialam e!"
Nagtayuan ang mga balahibo ko at tumingala kay mama na nanginginig habang nakapikit
"Mama, mukhang hindi sila naglalaro" mahinang bulong ko dahilan upang magmulat ng mata ang mama at umiling sa akin.
"Hindi, lona. Naglalaro lang sila, di papa?" Nanginginig na sabi nito at binuhat ako sa gitna nila papa. Tumingala naman ako kay papa at nakitang tumango at pilit ang ngiti
Napuno ng sigawan ang lahat sa loob ng bus maging ang mga magulang ko ng may sumunod na putok ng baril at ang pagiwang-giwang ng bus at biglang tumagilid.
Mahigpit akong niyakap nila mama at papa sa pangyayaring iyon bago tuluyang nandilim ang paningin ko.
Nagising ako na nahihirapan sa pwesto dahil sa bigat na nakadagan sa akin. Sumalubong sa akin ang mukha ni papang puno ng dugo maging sa balikat nito napalingon ako at nakitang si mama ay ganun din. Agad gumapang ang takot sa buong sistema ko at agad na umiyak.
Ang mama at papa ko hindi na humihinga. Ganun na lang ang takot ko ng makita pa ang iba na walang buhay at naliligo sa sariling dugo habang ang iba ay humiwalay na sa sariling katawan. Tulala akong nakatingin sa kanila hanggang sa makarinig ako ng ingay
"Iha! Iha! Iha!" Agad kong inilayo ang sarili ko rito ng tapik-tapikin nito ang braso ko. Tulala akong napatingin sa sahig habang patuloy na nagpapabalik-balik sa isip ko ang dumudugong leeg ni orlin.
"Dugo. Dugo. Lolo may dugo!" Napaiyak ako at lalong nataranta ng maalalang dumudugo pa rin ang leeg ni orlin.
Umiiyak akong tumingin kay lolo at aabutin ko na sana ang kamay nito ng makita ko ang kamay kong dumudugo agad kong pinunasan ang kamay ko gamit ang damit ko. Mariin at nagmamadali kong pinunasan ang kamay ko pero patuloy pa rin sa pag-agos ang sariwang dugo sa kamay ko. Mas lalo akong nataranta
"Bakit ako may dugo?! Lolo! Anong nangyayari?!! Bakit hindi nauubos ang dugo?!" Kinakabahang tanong ko habang pilit na pinupunasan ang kamay kong dumudugo pa rin
"Iha, huminahon ka muna. Hindi nakakabuti sa kalagayan mo ang mataranta" pagpapahinahon sa akin ni lolo pero hindi ko ito pinansin dahil lalo lang akong kinabahan at nataranta ng makitang pula na ang damit ko at patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo ko sa palad ko. Nakakatakot. nakakakilabot. nakakapanghina.
Napatigil ako sa pagpupunas ng kamay ko ng may biglang may itusol sa gilid ng leeg ko at mabilis ring tinanggal. Agad ko itong kinapa at tiningala ang taong may gawa nuon at nakita ko yung kasama kanina nila lolo sa kwartong tinulugan ko kanina.
Bigla akong nanghina at nakaramdam ng antok. Agad naman akong naalalayan ni lolo bago pa sumayad ang katawan ko sa sahig
"Wag kayong mag-alala, pampatulog iyang itinurok ko. Kailangan nya lang magpahinga para paggising nya ay mahinahon na ulit sya"
Narinig ko pa bago tuluyang bumigat ang pakiramdam ko
---------
Umupo ako sa sofa ng nandito sa loob ng kwartong tinulugan ng babaeng si alona.
Napalingon ako rito at mahimbing ng natutulog ang babae. Napatingin ako sa braso nito na puno ng band aid maging sa pisngi idagdag pa ang kamay nitong may benda na. Napahawak akong muli sa aking leeg na may benda na rin. Maswerte daw ako at hindi daw malalim ang natamo kong cut sa leeg dahil kung hindi daw ay siguradong patay na ako iyon ang sabi sakin ni dr. Tuazon. Tsk
Muling nagbalik sa akin ang mga ala-alang nangyari kanina. Ang tapang nito, ang lakas ng loob at ang matatalim nitong mata na nagsasabing hindi ako magpapadikta sa iba ay talagang hinangaan ko rin. Aminin ko man o hindi nakaramdam ako ng takot ng sabihin nitong papatayin ako nito at ng itutok na nito sa akin ang basag na bote ng isang vase ay nanlamig ako sa pwesto ko.
Agad akong tumawa ng mahina ng maalala ang naging reaksyon nito ng makakitang ng dugo ang lakas magsalita na papatayin nya ako takot naman pala sa dugo hahaha.
"Ano bang nangyari at biglang ganun ang reaksyon nya ng makakita sya ng dugo, tuazon" agad naman akong natahimik sa pwesto ko at nakinig sa kung anuman ang sasabihin ni Dr. Tuazon, ang family doctor namin. Hindi ito nalalayo sa edad ko sa katunayan ay panganay ito sa akin ng dalawang taon.
"Ang ikinilos ni miss alona kanina ay senyales ng traumatic expression, grandmaster. Tiyak akong malaki ang kinalaman ng dugong iyon at muli nyang naalala ang masalimuot nitong nakaraan dahilan upang maging ganun ang reaksyon ng miss" natahimik ako at agad nakonsensya ng pagtawanan ko ito kanina.
Trauma pala ha?
"Maayos na po ang miss, maya-maya lang din ay gigising na rin ito. Sige po alis na po muna ako, may kailangan pa po akong asikasuhin sa ospital. Kung may mangyari po ulit tawagan nyo na lang po agad ako" paalam ni dr. Tuazon at agad ng tumalikod
"Sandali! sasabay na ako at magpapaluto ako ng pagkain sa ibaba at ipapataas rito. Iho, apo. Ikaw na muna ang bahala kay alona, maiwan na muna kita" sabi nito at sumabay na sa paglabas ni dr. Tuazon.
Napailing pa ako sa excuse na ginamit nito. Magpapaluto ng pagkain? E, kanina pa luto ang pagkain at tsaka may mga katulong naman dyan sa labas madaling tawagin upang utusan. Tsk! Gusto lang talaga akong iwan rito at pagbantayin sa siraulong babaeng ito.
Lumapit ako sa kama nito at napataas ang kilay ko ng makitang maaliwalas ang mukha nito. Hindi nakakunot ang nuo nito at lalong hindi nakataas ang kilay nito. Mukha tuloy syang anghel, anghel na puro sugat hahaha.
Agad akong napa-atras ng gumalaw ito at biglang gumuhit ang takot sa mukha nito
"Ma, pa. A-ang daming tumutulong dugo sa mukha ko galing sa kanila" mahinang sambit nito pero sapat lang iyon para marinig ko ang sinasabi nito.
Nakaramdam ako ng takot sa sinabi nito. Marinig ko pa nga lang yon ay kinikilabutan na agad ako.
"A-ang sama rin ng tingin sa akin nung ale, ma, pa. Dilat na dilat, nakakatakot" dahan-dahan akong napa-atras.
"M-matatakot ka ba ma, p-pagnalaman mong humiwalay ang ibang katawan ng mga taong nandito?" Agad nanghina ang tuhod ko at napasalampak sa sahig. Fvck! What happen to me?! Its not real! It's just a story! For fvcking s**t!
Why I am even feeling this? Bakit ako natatakot?!
"Ahhh! Mama! Papa! Y-yung ulo! Yung ulo nahulog! ano pong gagawin ko?!" Mabilis akong tumayo nang makitang walang tigil sa paggalaw si alona. Nagpupumiglas na parang may nakadagaan sa kanya. Oh, s**t! Anong gagawin ko?!
"Ma! Pa! Bakit hindi kayo sumasagot?! Ma! Pa!" Agad akong napalunok ng makitang may luhang lumalabas sa mata ni alona. s**t! anong gagawin ko? Gigisingin ko ba?
Agad akong lumapit rito at hinawakan ang kamay nito. Humigpit ang kapit nito sa kamay ko na ikinataranta ko.
"T-teka kuya wag nyo po akong ilayo kina mama. Kuya!" Agad itong bumangon at nagmulat ng mata
Dahil sa gulat ko ay agad kong binawi ang kamay ko at mabilis na tumayo at lumayo ng kaunti rito. s**t! Aatakehin ata ako sa puso sa sobrang takot!
Napahawak ito sa kanyang pisngi at nagtaka ng mapansing may basa roon habang ako naman ay unti-unting umatras. Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng bigla itong tumingin sa akin. Diretso sa mata, walang kurap at hindi mo mababakasan ng kahit na anong takot, kabaliktaran sa ipinakita nito kanina habang natutulog.
"Anong ginagawa mo rito?" Matapang na tanong nito na ikinalunok ko.
Tumalikod ako rito at mabilis na bumalik sa pwesto ko kanina
"Pinapabantayan ka sa akin ni lolo" sagot ko at muling inabala ang sarili sa pagcross arm at pagde-kwatro.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nito napansin ang panginginig ng kamay ko
Pasimple ko itong tiningan at ng makitang hindi na ito sa akin nakatingin ay agad akong lumingon rito