Nagising ako ng may sunod-sunod na kumakatok sa labas ng bahay ko. Bumangon ako at tumingin sa wall clock ko at napamura ako ng makitang tanghali na pala. Wala pa akong kain simula kahapon, kagabi at ngayong umaga. Naigulo ko ang aking buhok sa inis.
Natanggal na ako sa trabaho kahapon at ibinigay na lang sa akin ni Mrs. Santua ang sahod ko ng pang isang linggo buo ito at kahit papaano ay natuwa ako dahil kakasya ito ng pang dalawang linggong budget ko. Nalungkot naman ang ibang katrabaho ko at yung iba ay naiinis kung bakit daw kasi ako laging late yan tuloy nasisante ako. Inilingan ko na lang ang mga ito at ngumiti sa kanila na nagpaalam samantalang si myla naman ay nagsorry sa akin at kung may pagkakataon daw ay bibisitahin ako nito sa bahay na ikinatuwa ko naman.
Lalong lumakas ang katok na lalong ikinainis ko. Inis akong tumayo at tumungo sa ibaba upang pagbuksan ang sino mang taong kumatok sa labas ng pintuan ng bahay ko. Himala! Ngayon lang ito. Simula kasi ng mawala sila mama at papa ay wala ng kumatok o nagbalak na pumunta sa bahay kaya nakakapagtaka? Sino naman kaya ito? Si myla? Imposible! may trabaho yun at kung papapiliin ako kesa sa trabaho syempre ang uunahin nya ang trabaho kesa sa akin. Meron kasing pera dun samantalang ako wala, pangmeryenda nga wala e. Sino kaya ang nasa labas?
Kakamot-kamot ako sa aking ulo ng buksan ko ito.
Napaatras ako at mabilis na sinarado ang pinto at sumandal rito habang nanlalaki ang aking mga mata. Hala! Anong ginagawa ni lolo rito? Paano nya nalaman ang bahay ko? Hala! May gusto nga ata sa akin si lolo! Wahhh! Ayuko!! Napakagat ako sa kuko dahil sa tarantang nararamdaman ko.
Muling may kumatok ng tatlong beses sa pinto. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto pero sa pagkakataong ito ay tanging ang ulo ko lang ang inilabas ko.
"H-hi po" ilang na sabi ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa tig-kabilang gilid ng pinto ko dahil may mga nakahilerang mga lalaki rito katulad nung roman na katabi ni lolo sa gitna.
"A-ano pong ginagawa nyo rito lolo? At t-tsaka pa-paano nyo po nahanap ang bahay ko?" Tanong ko sakabila ng pagka-utal ko. Nakakatakot tuloy para kasing may kasalanan ako at balak nila akong dakpin. Waaahh! Mama! Papa! Tulungan nyo naman ako dyan oh! Ayukong gamitin ang aking mga lamang loob sa masama! Teka? Bakit napunta sa lamang loob? Mabilis akong umiling at alanganing ngumiti rito.
"Hindi mo ba kami papasukin, iha?" Agad nagtaasan ang kilay ko at ang mga balahibo ko sa katawan habang nakatingin ako kay lolo na nakangiti sa akin. Bakit may masama akong pakiramdam sa pagpunta ni lolo sa bahay ko.
"H-huh? Po? Ay naku lolo madumi po sa loob hehe" dahilan ko at lalong pinaliit ang siwang ng pinto. Tumawa naman ng malakas si lolo na ikinataka ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Naku, iha. Wag kang matakot sa amin. Wala kaming gagawing masama sa iyo. Nandito ako para formal na magpasalamat sa pagligtas mo sa akin" nakangiting saad nito na lalong pinagdudahan ko. Formal? Hindi na ba formal yung kahapon? At kailangan pang hanapin ang bahay ko at pumarito? At tsaka bakit ang daming dalang bodyguard ni lolo?
"Sige na iha. Kanina pa kasi ako nangangalay sa kakatayo rito sa labas ng bahay mo" sabi nito at bahagyang nawalan ng balanse dahilan upang alalayan ni roman ang matanda at mabahala ang mga lalaking nakatayo sa gilid. Sus! Ang galing ni lolong mag-arte, bagay maging artista. Kapani-paniwala kasi e.
"Please, miss alona. Hindi po nagsisinungaling ang lord dahil kanina pa po kami rito sa labas at kumakatok sa bahay nyo" walang buhay na saad nung roman. Napapikit ako at tamad na binuksan ng malaki ang pinto.
"Pasok na po kayo" sabi ko at tumango sa kanila. Napatingin ako sa loob mabuti na lang at hindi ako nagkakalat rito dahil kundi nakakahiya naman sa mga bisita ko mabuti na lang at malaki itong sala at kasya naman para maupuan nilang lahat.
"Salamat, iha" sabi ni lolo ng makapasok ito at maka-upo. Napa-lingon ako sa labas ng makitang hindi man lang kumibo ang mga lalaki na nandon
"Hala mga kuya! Pasok po kayo, mainit po dyan sa labas" sabi ko at inanyayahan silang pumasok sa bahay pero hindi ito mga natinag
"Sige na, pumasok na kayo rito. Ang mismong may ari na ang nagsabi na pumasok kayo rito" napalingon ako kay lolo na nginitian lang ako tsaka ko lang napansin na gumalaw na ang mga ito at nakalinya pang pumasok at bawat isa sa kanila ay nagpapasalamat sa akin.
Napangiti na lang ako. Hahaha ibang klase si lolo! Yaman eh!
Mabilis akong tumakbo sa kusina at kumuha ng tubig sa ref at naghanda ng mga baso para sa kanila at dinala ito sa sala. Nagulat na lang ako ng may humarang sa akin at kinukuha ang dala ko. Napangiti ako rito at inabot sa kanya ang dala ko hanggang sya na ang nagdala sa sala. Muli akong bunalik sa kusina at naghanap ng makakain.
Napangiti ako ng may nakita akong dalawang supot ng tasty bread hindi pa naman ito sira kaya nilagay ko ito sa lamesa at kinuha ang chocolate na pampalaman. Muli akong nagulat ng may lumapit sa akin at nag-alok na tulungan ako. Inabot ko sa kanya ang ginamit kong pampalaman at nagsimula na syang magpalaman ng mga tinapay habang ako ay kumuha muli ng kutsara at tinulangan ko na ito sa pagpalaman.
"Hehe maraming salamat kuya sa pagtulong" tanging tango lang ang sagot nito at dinala na ang isang malaking plato na naglalaman ng tinapay
Sumunod na ako rito at umupo sa sofa na pang-isahan. Ng makitang nakaupo na ang anim na lalaking kasama ni lolo, si roman at si lolo ay napangiti ako rito ng alanganin.
"Lo, Ano po ba ang pinunta nyo rito?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko. Ngumiti si lolo at pinasadahan ako ng tingin. Napatakip tuloy ako sa sarili ko sa ginawang tingin ni lolo at napatingin sa mga kasamahan nito. Wala naman silang masamang gagawin sa akin hindi ba?
"Maganda ka pa rin iha kahit ganyan ang ayos mo" nakangiting papuri ni lolo. Nagsalubong naman ang mga kilay ko, ayos ko?
"Bakit lolo ano po bang ayos ko?" Takang tanong ko agad namang napangisi ang matanda at tumawa ng mahina. Wow! Feeling bagets si lolo! Sabagay kahit ngayong matanda na si lolo ay makikitaan mo ng kagwapuhan. Dami sigurong naghabol ng mga babae nung kabataan pa nito hihihi.
"Bagong gising" nanlaki ang mga mata ko at napatapik sa aking noo at nahihiyang ngumiti kay lolo
"Sandali lang lo, babalik rin ako" sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko.
Ng maisara ko ang pinto ng kwarto ko ay agad akong napasandal.
"Naku naman, Alona! Hindi ka man lang nahiya sa mga taong iyon!" Sermon ko sa sarili ko ng makita ang aking sarili sa salamin. Gulo-gulo ang aking buhok at napatingin ako sa t-shirt ko. s**t! Wala akong suot na bra!! Ahhh! Naku naman! Pero agad rin akong huminahon ng makitang hindi naman halata na wala akong bra dahil makapal ang suot kong t-shirt na may design sa gitna.
Mabilis akong kumilos at nagpalit ng disenteng damit at pang-ibaba na kanina ay shorts lang ang suot ko ngayon ay jogging pants na. Nagtoothbrush at nagsuklay na rin ako bago ako bumaba. Hiya akong lumapit at bumalik sa pag-upo.
"Naku, lolo. Pasensya na po talaga lolo" nahihiyang sambit ko. Umiling si lolo at bahagyang ngumisi. Anong problima ni lolo at panay ngisi ng ngisi sa akin. Ah! Kinikilabutan na tuloy ako. Nagsisisi na tuloy akong pinapasok ko pa sila.
Napatingin ako sa coffe table na nasa harapan namin at hindi man lang nagalaw ang pagkain. Kunot-noo ko tiningnan ang mga kasama ni lolo at kasama na rin sya.
"Bakit hindi po kayo kumain? Hala sayang ito" at inabot ko sa kanila ang lalagyan ng tinapay
"Kuya kuha na" nagdalawang isip pa ito kung kukuha pero kalaunan ay kumuha na rin ng biglang umubo si lolo. Okay, masyadong masunurin ang mga kasama ni lolo ah.
Inabot ko sa bawat isa ang plato ng tinapay at kumuha naman sila kahit papaano maging si lolo. Napatingin ako sa pitsel na tubig lang ang laman. Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni lolo.
"Saan ka pupunta?"
"Ah matingin po sa loob ng kusina kung may juice po. Wala po kasing buhay kong tubig lang ang iinumin ninyo hehehe" sabi ko pa at napakamot sa aking batok. Nakakahiya!
"Wag ka ng mag-abala iha. Umupo ka na lang dyan at magrelax" mas lalo akong naguluhan sa sinabi nitong magrelax. Paano ako magrerelax kong may bisita akong tulad nya aber! Pero sinunod ko pa rin ito at tahimik na umupo.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iha. Ikaw ang napili kong ipapakasal sa apo ko"
"Huh?" Teka? Anong sinabi ni lolo? Mukhang hindi ko ata narinig?
"Paki-ulit nga po lolo, mukhang hindi ko ata narinig?" Tumawa ito na lalong ikinakunot ng noo ko. Okay?
"Sabi ko, ikaw ang napili ko upang pakasalan ang nag-iisa kong apo" tatawang sabi nito.
Napatawa na rin ako
"Ah, ganun po ba? Magpapakasal na man po la---ha?! Sino?! Sino ang magpapaka---ano?!!" Nanlalaking mga mata na tumingin ako kay lolo at napatayo naghihintay na bawiin ang sinabi nito. Grabe naman si lolo kung mang-joke! Nakakasabog ng utak!
"Hindi joke yun" kung may ilalaki pa siguro ang mata ko ay siguro nagmukha na akong kwago. At kitang kita nga na hindi ito nagbibiro. Seryoso e, pati si roman ay hindi mababakasan ng tuwa sa mga mukha nito maging ang mga kasamahan nito. Seryoso lang ang mga itong nakatingin sa akin at hinihintay ang susunod kong gagawin.
"Hala lo, wala naman yang kinalaman sa pagligtas ko sa inyo. Sara nyo na lang po pinto paglabas nyo, ha?" Sabi ko at mabilis na humakbang papaalis sa sala ng bigla akong hawakan ng dalawang lalaking kasama ni lolo sa tigkabilang kamay.
Tumingin ako kay lolo at umiling dito ng mariin ng ilang beses
"Hala lo, Walang ganyanan. Hindi na ako natutuwa. Ayukong magpakasal!!!" Sigaw ko at nagpumiglas mabilis kong tinuhod ang dalawa at ng makawala sa pagkakapit sa akin ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay.
"Habulin nyo sya at wag nyong sasaktan" rinig ko pang sabi ni lolo sa mga alagad nito na lalo ko namang ikinakaba mabilis akong tumakbo.
Hindi sya talaga nagbibiro dahil hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng mga alagad nito. Mahigit isang oras na siguro akong hinahabol at hinahanap ng mga kasabwat ni lolo.
Agad kong isiniksik ang katawan ko sa loob ng isang halaman na bilog ng makita ko itong maaari kong pagtaguan. Mabuti na lang at hindi ako ganung katangkaran at kalaki kaya naman nagkasya ako. Napadpad ako sa isang park at hindi ko alam kong saan ito pero sigurado akong nasa ibang subdivision na ako dahil walang park ang subdivision namin.
Gusto kong murahin si lolo sa katangahang ginawa nito. Ako ipapakasal sa apo nya? E, ilang oras pa nga lang kaming nagkita at nagkakilala ginawa na agad akong bride at daughter-in-law! Lakas ng saltik ng lolo. At tsaka ayukong magpakasal sa taong hindi ko pa nakikita at lalong-lalo na yung hindi ako mahal! Aba! Ano sila sinuswerte?! Aba! Matindi!
Marami pa akong gustong gawin sa buhay noh! Para saan pa yung mga lalaking binasted ko para sa kalayaan ko tapos may bigla na lang hihila sa akin at itutulak sa simbahan para magpakasal?! NO! BIG BIG NO! Bata pa ako. Bente singko pa lang ako at tsaka wala nga akong boyfriend, kasal na agad!?
"Aray!" Agad akong tumayo sa pinagtataguan ko at mabilis na umalis sa pwesto ko. Tang-ina! Ayos na sana ang pagtago ko e bakit pa kasi ako kailangang kagatin ng mga langgam. Langya! Hindi ako pagkain!
Nanlaki ang mata ko ng may dalawang kamay ang humawak sa balikat ko at bumulong sa akin ng "Huli ka!"
Agad akong sumigaw at nagtitili. Susmeo! Para sa kalayaan ko gagawin ko ito. Aja!
"Tulong! Tulong! May gustong manrape sa akin!! Tulungan nyo ako!! Papatayin nila ako!" Tili ko at agad naman nabulabog ang mga tao sa park at lumapit sa amin ang mga lalaking mga naroon at hinahanda na akong kanilang kamao. Lihim akong napangiti. Ayos! Makakatakas ako!
"Miss anong ginawa ng lalaking iyan sa iyo?" Maangas na tanong ng isang lalaki at masamang tiningnan ang lalaking nasa likuran ko "huy! Bitawan mo yang babae" utos nito
"Kuya, tulong please! Balak nya po akong rape-in. Ayuko po! Maawa po kayo sa akin, please!" Hinging tulong ko at umiyak-iyak pa. Mas lalo akong nataranta ng i-lock nito ang kanyang braso sa leeg ko.
"Naku, manong. Wag po kayong magpa-uto sa babaeng ito. Boyfriend nya po ako at naglalaro po kami ng tagu-taguan. Diba babe?"
Napakunot-noo ako at mabilis na tiningala ang lalaking nasa likod ko.
"Teka? Sino ka? Babe?!" Nagtatakang tanong ko dahil hindi naman ito kasama sa mga alagad ni lolo. Ang totoo nyan ay gwapo ito at mabango rin.
Napalingon ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga bodyguard ni lolo papunta sa direksyon ko kaya lalo akong nagpumiglas. Ayukong mahuli kahit na anong mangyari!
"Kuya tulong please hindi ko sya kilala. Hindi ko rin sya boyfriend! Waahhh! Tulong! Ay---" naputol ang sasabihin ko ng maagaw ng isang matanda ang atensyon ko
Si lolo! Naku naman! Wala na!
"Talagang hindi mo sya boyfriend, alona dahil asawa mo sya" nakangiting sambit nito habang malawak na ngumiti sa mga lalaking balak akong tulungan at humingi ng paumanhin sa ginawa kong gulo daw
Hindi agad ako nakapag-react maging ang lalaking nasa likod ko ay mukhang na-estatwa dahil napatigil ito sa narinig. Lumuwag rin ang pagkakahapit ng mga braso nito dahilan upang matauhana ako at makawala rito.
Mabilis ang bawat pagkilos ko at mabilis na sanang tatakbo ng may biglang humila sa braso ko dahilan ng ikabalik ko at sumalampak sa lupa. Argh! Ang malas!
"Naku, ma'am! Sorry po! Hindi ko sinasadya!" sabi nito habang hawak pa rin ako
"Wag mo akong sigawan! Hindi ako bingi!" Galit na sambit ko. Argh! Gusto kong magwala!
Agad akong inalalayan ng mga bodyguard ni lolo upang makatayo habang mahigpit ang pagkakakapit sa akin. Tumingin naman ako sa lalaking may kagagawan ng lahat ng ito at masama ko itong tiningnan. 'Tang ina mo!' Mura ko rito gamit ang buka ng bibig ko
"Sige na. Dalhin na sya sa sasakyan" utos ni lolo na agad namang sinunod ng mga may hawak sa akin
Masamang tingin ang ipinupukol ko rito habang sya ay tulala lang na nakatingin s aakin. Tangina talaga! Kung hindi dahil sa kanya edi ligtas ako ngayon! Hindi sana ako nahuli! At mas lalong hindi ko na ulit makikita si lolo! Bwesit!
"Naku naman lolo. Sana pag-isipan mo ito ng maayos! Masisira mo ang buhay naming dalawa ng apo mo. Paano pala kung may girlfriend na iyan edi nagmukha pa akong kerida?! Ayuko nga!" Maktol ko at nagbabakasakaling matanggal ang tali sa kamay ko pero mukhang mahigpit ang pagkakatali sa kamay ko dahil hindi ko man lang magawang igalaw ito. Napatingin ako sa likod ko at ganun na lang ang panlulumo ko ng makitang mahigpit nga ang pagkakatali.
Tinalian ako ng mga alagad ni lolo sa oras na makapasok ako sa loob ng limousine. Oo! Limousine! Tangina! Wala akong pakialam sa yaman nila ang mahalaga makatakas ako rito. Period.
"At tsaka lolo pwede ko kayong kasuhan ng kidnapping! Pandurukot itong ginagawa nyo! Hindi ito tama! Labag ito sa aking kalooban!" Maktol ko pa. Wala akong pakialam kong mairita sila sa boses ko dahil iyon lang ang nagsisilbing lakas ko upang lumaban at maisalba ang sarili ko
"Hindi kana bata para ikaso mo sa amin ang kidnapping" natatawang sagot ni lolo na ikinainis ko
"Edi, adultnapping! Kakasuhan ko kayo ng adultnapping!" Sigaw ko pa
"Pwede bang tumahimik ka muna kahit sandali lang? Ang sakit na sa tenga ng boses mo e" sabi ng katabi ni lolo habang nakadekwatro at naka-cross arm. Ay mas lalong walang hiya! Naku naman!
"Huy, mister! Wala akong pakialam kong naririndi na yang tenga mo sa boses ko! Basta ako sasabihin ko kung ano ang gusto ko at wala ka dun pakialam! Mabuti nga ako nagsasalita samantalang ikaw nanahimik lang dyan sa tabi na parang tuta at hindi man lang maipaglaban ang sariling karapatan! Huy, para sa kaalaman mo A.YU.KONG. MAG.PA.KA.SAL! naiintindihan mo! Naku naman! Hihimatayin yata ako sa inyong dalawa e! Palabasin nyo na kasi ako rito sa sasakyan nyong ito ng makahinga naman ako ng maluwag! Kakapusin ako ng hangin sa mga pinaggagawa nyong maglolo eh!" Sigaw ko pa. Lumunok muna ako bago ako ulit magdadakdak. Walang hiya! Hindi yata ako magtatagumpay sa diskusyong ito dahil matigas talaga ang loob ni lolo
"Lo! Please bawiin nyo naman yung sinabi nyo?! Ayukong magpakasal! Naiintindihan nyo lo? Ayuko pa pong ikasal! At tsaka bata pa po ako---"
"Bente singko ka na iha, at hindi na iyon bata" napasimangot ako dahil hindi ko alam na may ugali pala si lolo na ganito.
"Ah basta! Ki-bata o matanda hindi ako magpapakasal! Period! At tsaka lo? Kung ito rin naman pala ang kabayaran ko sa pagligtas sayo kahapon ay naku! Hindi ko ito tatanggapin! A.yu.ko!"
"What?! Naaksidente ka? Bakit hindi mo man lang sa akin sinabi ito lo?" Biglang sabat naman ng apo nito na ikinainis ko. Tsk! Magsasalita na nga lang wala pang kinalaman sa pagpapabago ng isip ng lolo nya upang mapawalang bisa ang sinasabi nitong kasal naming dalawa.
"Alona, apo. Pwede ba ako muna ang magsalita?" Tumango na lang ako at inis akong tumingin sa apo nito.
"Okay, una sa lahat. Alona Marie Fernandez this is my grandson Orlin Von Morkeil. Orlin this is Alona your bride-to-be" masayang pagpapakilala ni lolo sa amin.
Bigla akong nasamid at napa-ubo. Mukhang hindi maganda pakinggan ang bride-to-be ah. Wahh! I need to do something.
May bigla akong naisip at sana effective.
"What happen to you, iha. Pinagpapawisan ka ata?" Nag-aalalang tanong sa akin ni lolo at umiling lang ako bilang sagot. Nakahinga ako ng maluwag ng mailabas ko ang nais kong mailabas agad kong pinigilan ang aking paghinga at nagbilang sa aking isip habang tinitingnan ang reaksyon ng dalawa.
"Ang baho! Anong amoy iyon!" Reklamo ni orlin at tiningan ako nito ng masama
"Roman! Open the windows!" Utos ni lolo na agad naman binuksan ng isa.
Napasimangot ako ng unti-unting nawawala ang amoy sa loob. Oo na! Umutot talaga ako para mabad shot ako kay lolo. Kung ito rin naman ang ikakalaya ko laban sa kasal na ito ay wala ng arte arte. Mapahiya na kung mapahiya wala na akong pakialam. Sa totoo lang pilit pa ying utot na yun e. Hahahha.
"You. b***h!" Singhal sa akin ni orlin na inirapan ko lang at tinarayan. Wala akong pakialam kong tawagin ako nitong b***h pero pag-inulit nya pa ay isusupalpal ko sa bibig nya ang kamao ko at papaduguin ko ang ilong nito.
"That's a bad habit, alona" sermon sa akin ni lolo na sinamangutan ko lang.
"E, lo! Kung pinapakawalan nyo ako rito at pinapaalis at itigil yang kasal na binabalak mo, edi mabuti! Promise! Hinding-hindi na ako magpapakita sa inyo muli. Kalimutan nyo na po yung utang nyo sa akin kung meron man, hmm?" At ngumiti pa ako ng malawak rito. Tinaasan ako ng kilay ni orlin na ginawa ko rin. Kala nya sya lang marunong, pwes! Mas mataas ang akin!
"Pasensya na, alona. Iyon ang hindi ko magagawa"
Nanlumo ako sa sagot na narinig ko.
Agad akong nakaramdam ng panlalamig, pagkahilo at pandidilim ng mata. Teka anong nangyayari sa akin? May drug bang nilagay sa may aircon kaya nanghihina at bumibigat ang katawan ko?
"Alona, iha? Anong nangyayari?" nakita kong lumapit s aakin si lolo at tinatapik ang pisngi ko
"Po?" Mahinang sagot ko
"Are you okay?"
Bakit parang umiikot? Wala naman ako sa roller couster ah?
"Hmm..." At ngumiti rito
"Lo, wag mong sayangin ang oras mo sa babaeng yan. Nagiinarte lang yan" gusto ko sanang talakan ang walang hiyang lalaking iyon kaya lang wala na akong lakas at bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko
"Alona! Sa mansyon! Bilisan ninyo! Fucksh*t!"
Narinig ko pa bago tuluyang nandilim ang paningin ko
Si lolo ba yung nagmura?