"Shhhh.. Stop crying, Maggie. Tiffy, will be fine.." Hindi ko mapigilan mapaiyak habang pinapanuod ang alaga kong parrot na si Tiffy. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nanghina. Sabi naman ng vet nang dinala namin kahapon ay ok naman daw siya. What happened to her now?
I just can't accept that she's dying. Alaga ko siya eh. She's important to me dahil bigay siya ni Glen.
"What if, hindi siya mabuhay?are you gonna get mad at me?" Seryosong sabi ko.
Pinunasan ni Glen ang mga mata ko kaya bahagya akong kumalma. Isinabit niya ang takas kong buhok sa aking tainga. Itinayo niya ako at tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"You're crazy," natatawang sabi niya. "Why would I get mad? Alam ko naman na inalagaan mo si Tiffy. Maybe, it's already her time."
Ngumuso ako sa kanya. Ang bilis bilis kasi ng t***k ng puso ko. Glen is my friend since God knows when. Nakatira kami sa isang high end na subdivision, our family were friends too. Lumaki kaming magkakasama nila Glen. Nila. Yes, apat kasi kaming magkakaibigan. Si Glen, Dominic, and the Devil brother of his na si Simon.
Glen's family own the La Soledad University kung saan kami nag aaral ngaun. We're all classmate, except kay Simon. Ahead kasi siya sa amin ng isang taon. Highschool palang kami, may gusto na ako kay Glen, hindi ko lang alam kung nararamdaman niya iyon.
Glen's the nice guy kasi, the gentleman, every girls dreamt for a guy.
Si Dominic kasi yung player sa kanila. Don't you ever trust him, he will surely break your heart without you even knowing, trust me.
And Simon? Ugh! Do I have to introduce him? Sige na nga. He's the devil! Yeah, I mean it. As in he's the total opposite of Glen. He's the manipulative one, the bad ass, the beast, the monster, the arrogant! Name all the bad things in the world! I- google mo pa ang pangalan na, Simon, devil will be the result. Believe me, I did that for so many times. Ugh! Nakakahingal ipakilala si Simon!
"I just--" napahinto ako ng halikan ako ni Glen sa noo. I instantly got froze, gosh! Give me some air, please! Why do Glen need to be sweet to me all the time? Natatakot kasi akong mahulog sa kanya ng tuluyan, baka kasi, hindi niya ako sapuhin. I'm scared of my feelings for him. Everyday, it's getting deeper and deeper.
"You should stop worrying too much, okay? Just let her go.." Seryosong sabi niya kaya ngumiti ako. Ang dali talaga para sa kanya na paga-anin ang pakiramdam ko.
"Let's go inside?" Nakangiting sabi niya kaya tumango ako. Nandito kasi kami ngaun sa house nila which is block away from our house. Mas masarap kasi pumunta dito dahil ala lagi ang parents nila. They also have university in New York kasi.
Lumingon muna ako kay Tiffy bago tuluyan magpahila kay Glen papasok ng bahay, actually, mansion ang bahay nila. Pag pasok namin ay dumiretso si Glen sa kitchen para mag pahanda ng food kay manang. Napasapo ako sa noo ko. I totally forgot! Hindi pa pala ako nakakapag enrol for the next sem. Masyado akong nadala ng panghihina ni Tiffy. Pasukan na pala the day after tomorrow.
Umupo ako sa gilid na sopa sa living room nila. It's so extravagant! Yung mga antique's na collection ng mommy nila. It's so ganda! Ito kasi ang favorite na lugar ko sa bahay nila, napakarelaxing kasi dito. Tapos yung modern look para kang nakatira sa ibang bansa.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Ganito pa din ito simula last year. Kapag kasi umuuwi si tita from states ay binabago ang disenyo nito.
Tumayo ako habang nanliliit ang mga mata nang namataan ko ang isang picture frame sa gilid ng piano nila. Napakunot pa nga ang noo ko when I realized it was a picture of me and Simon! Ugh! Bigla nalang umakyat ang dugo ko sa ulo! How dare him to put this picture of us here?
Isinusumpa ko kaya ang araw na iyon! It was our fieldtrip to Ocean park kasi, I was following Glen para magpasama manuod ng Sea lion show. Out of nowhere bigla nalang lumabas si Simon sa tabi ko at kinaladkad ako sa loob ng souvenir shop. Maiyak iyak pa ako noon dahil hindi ko na maabutan ang show. And of course, hindi ko nakasama si Glen!
He's so manipulative! And evil!and control freak! Hinawakan niya lang ako ng mahigpit noon para hindi ako makawala. Naiinitan daw kasi siya sa labas. The hell I care! Wala akong nagawa noon. Naubos ang oras namin ng nakatanga sa loob. Naiirita pa ako dahil ngisi lang siya ng ngisi.
And then, all of sudden ay bigla niya akong inakbayan and took picture of us. Nakakainis! para daw may memories kami sa fieldtrip, like, hello? Nasa loob lang kami ng shop all the time. Bwiset! Para akong bibe sa haba ng nguso ko sa picture, while Simon was all smiling like an idiot!
"Don't stare too much, love. You might melt it." Baritong boses ang umalingaw ngaw sa sala nila. Kasunod non ay malakas na tawa ni Dominic. Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. He's getting into my nerves again.
"Can you stop calling me love, Simon?" Masungit na sagot ko sa kanya. Bumalik ako sa spot na inuupuan ko kanina ng hindi siya tinitignan. He really know how to pissed me.
Humalakhak siya, yung halakhak niya na parang natutuwa siya na naiinis ako. Napalingon ako sa kanya. Geez! Kahit naiirita ako sa kanya ay hindi ko maalis na purihin ang perpektong mukha niya. Glen and Simon have equally got perfect face, perfect body and perfect life, etc.. Kaya lang, mas soft ang features ni Glen. Si Simon kasi ay mas matigas ang dating, I mean, he's a head turner. Humihiyaw sa karangyaan at authoridad ang personalidad niya. Unlike, Glen. Mas high profile ang state of living ni Simon. In short, he's proud.
Wait? Why am I comparing them? I instantly got a goosebump. It's creepy!
"Why are you stopping me? Are you falling for me already, love?" nakangising sabi niya kaya naman tinaas ko ang kamay ko sabay dirty finger sa kanya. Lalong siya humalakhak sa ginawa ko.
Told yah, he's one of a hell proud.
"Duh! You're being conceited! Fall your face!" Pag talaga si Simon ang kausap mo bigla nalang talaga kukulo ang dugo mo sa kayabangan niya. "And will you stop pestering me!? Bakit ba trip na trip mo ako asarin? Huh?" Singhal ko sa kanya.
Sumeryoso si Simon tsaka ako tinignan habang nakataas ang isang kilay. It really intimidate me when he stares at me. Ngaun ko lang napansin na may dala siyang airgun. It's his hobby to shoot birds at the park! He's so heartless!pati walang malay na ibon ay pinagtitripan niya.
"I won't stop, Maggie. And rest assured that I will be your forever pest." His tone was so dangerous. It's like no one can stop him for what he wants. Nalaglag ang panga ko.
Nakakainis! Why am I even talking to him ba?
"Are you still not used of him?" Napatingin ako kay Dom ng tumabi siya sa akin. Umakyat kasi si Simon sa room niya to take a bath. Ngumuso lang ako. Natawa ulit siya at hinalikan ang noo ko.
They're all sweet to me. Well, Glen and Dominic lang naman. Simon's not literally sweet, pero siya ang pinaka protective sa akin.
"How can I be use of him? If he's pestering me all the time?" Naiiritang sabi ko. Bata palang kasi kami, palagi na akong pinepeste ni Simon, lalo na kapag si Glen ang kasama ko.
Nagkibit balikat lang si Dom. "What's on the menu?" Natatawang sabi ni Dominic kay Glen. Napatingin ako kay Glen na naka suot ng apron habang nakahubad ng pang itaas. God! I don't want to drool but I can't help. Bakit kasi kailangan nakahubad?
"Yung laway mo, Maggie." Napaiwas ako ng tingin kay Glen ng magsalita si Dom. How dare he! Wala naman eh. Nakakahiya! Bahagya kasing natawa si Glen. I feel like my face suddenly heated up.
"I know you're starving, come with me.." Masuyong sabi ni Glen tsaka hinawakan ang kamay ko. Lalong nag init ang pisngi ko sa ginawa niya. Ang bait bait at sweet niya talaga. Nauna na si Dom sa dining. Patay gutom talaga!
Nang papasok na kami sa dining nila ay napahinto ako. Naalala ko si Tiffy bigla.
"What?" Takang tanong ni Glen.
"Si Tiffy. " sagot ko sa kanya. Huminga ng malalim si Glen at isinuot ang damit niya kanina.
Lumakad kami pabalik sa garden nila kung saan namin iniwan si Tiffy. I instantly cried when I saw her dead. Ok pa siya kanina diba? Bakit patay na siya?
Humikbi na ako ng humikbi. Hindi ko pa pala matanggap na mamatay siya.
Nabitawan ni Glen ang kamay ko ng dumaan si Simon sa pagitan namin dalawa. Iyak pa din ako ng iyak.
Lumapit si Glen kay Tiffy, napakunot ang noo niya. "You shot her?" Salita niya habang nakatingin kay Simon. Nakahalukipkip si Simon sa harap namin na tila ba bagot na bagot. Nanlaki agad ang mata ko. Tumahimik ako at hinintay ang sagot ni Simon.
Ngumisi siya." Yes.." Preskong sabi niya. Nagsimula na naman ako makaramdam ng galit sa kanya.
"You're so evil! Bakit mo pinatay si Tiffy!" Sigaw ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Simon. "evil? I am not. I just gave Tiffy a favor.."
Ugh! Favor? By killing her!? Ang epal talaga niya.
"Why did you do that, Simon?" Malamig na sabi ni Glen. Nag igting ang panga ni Simon.
"What? There's nothing wrong. She's dying.. Why need to prolong the agony if you can stop it now?" Ang yabang niya talaga! "What do you want? killing me softly method? I just ended the pain. That's all, you should thank me. I made it easier for Tiffy.." Kung magasalita siya parang napaka-inosente niya!
Nag igting din ang panga ni Glen. Hindi niya sinagot si Simon. Nakakainis! Bakit palagi niyang sinusunod si Simon?
Kumuyom ang kamao ko."You're so epal talaga! Peste ka talaga sa buhay ko! Murderer!" Galit na galit na usal ko sa kanya. Inayos ni Simon ang earing niya sa kaliwang tainga at tsaka ngumisi.
"Indeed, Maggie. My condolences to, Tiffy.." malamig na sabi niya tsaka kami tinalikuran.