Chapter 06 - Next Mission: Set them up

1317 Words
Natameme ito at hindi na nakapag-isip ng isasagot—first time kasi niyang pumalpak sa panunuyo sa babae. Mabuti na lang at sa 'di kalayuan ay tanaw niya sina Paolo at Kenneth na sumesenyas sa kanya. Itinaas ni Kenneth ang hawak na papel na may nakasulat na "I NEED YOU", kaya nagkaroon na siya ng ideya. "O-oo, kailangan kita," seryoso ang mga matang sagot ni Laurence. Binitawan niya ang hawak na rosas at inabot ang mga kamay ng dalaga. "Dahil?" nagtatakang tanong ni Mira. "D-dahil... ano... masarap ka magluto?" 'di na sigurado si Laurence sa sinagot niya. "Ah! 'Yun lang pala, tuturuan kita pag may oras ako. Sige, busy ako eh," mabilis na tugon ni Mira, sabay kalas sa pagkakahawak ni Laurence sa kamay nito at agad isinara ang pinto. Naiwang nakatulala si Laurence habang tinatangay siya ng dalawa niyang kasama pababa. "Akala ko pa naman matinik ka sa chicks!" tapik sa kanya ni Paolo. "Mukhang naubos na charisma mo," natatawa namang dugtong ni Kenneth. "Grabe! Ngayon lang ako nakatagpo ng gaya niya," hindi makapaniwalang sabi ni Laurence. "Ikaw naman!" baling ni Kenneth kay Paolo. "A-ano, bakit ako? 'Di pa 'ko nagkaka-girlfriend..." malungkot na pag-amin ni Paolo sa dalawa. "Edi ito na ang pagkakataon mo. Malay mo, cute pala ang type niya," nangingiting kumbinsi naman ni Laurence sa binata. "Kailangan ba talaga natin gawin 'to?" naiiyak na sabi ni Paolo. "Oo! Kailangan may malaman tayo kahit konti tungkol sa kanya," determinadong sagot ni Kenneth. Inayusan na nga nila si Paolo ng simple pero kapansin-pansin na porma. Mas lalong lumabas ang cuteness nito sa suot at pinagbitbit pa nila ng teddy bear. "Bakit may teddy bear? Ginawa n'yo naman akong bata eh!" reklamo niya sa mga ito. "Ibibigay mo 'yan sa kanya. Allergic siya sa bulaklak, 'di ba?" paliwanag ni Kenneth. Bumuntong-hininga si Paolo atsaka umakyat sa taas. Sinundan naman siya ng dalawa at nagmasid sa malayo. Kinakabahang lumingon si Paolo at tiningnan ang mga ito. Sumenyas naman ang dalawa sa kanya. "Pasukin mo na! Bilisan mo!" mahinang sambit ni Laurence. Pagpasok sa loob ay narinig nina Laurence at Kenneth ang paghiyaw ni Paolo ng malakas, sabay takbo palabas ng kwarto. Namumutla siya at nanginginig sa takot. "Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Kenneth. "Y-yung kwarto niya... napakadilim... tapos nanonood siya ng nakakatakot na palabas... tapos... huhuhu... yung mga posters sa dingding... puro nakakatakot ang itsura," umiiyak na salaysay niya sa mga ito. "Hmm... ibig sabihin, mahilig talaga siya sa katatakutan. Hindi normal 'yon," pag-aanalisa ni Kenneth kay Mira habang dahan-dahan siyang lumalakad paakyat ng hagdan. "At saan ka pupunta?" nagdududang tanong ni Laurence sa kanya. Tumigil si Kenneth at seryosong nilingon ang mga ito. "Saan pa ba? Edi tatakas na!" sabay karipas ng takbo si Kenneth papunta sa kanyang kwarto. Hinabol agad siya ng dalawa ngunit mabilis siyang nakapasok sa loob at ni-lock ang pinto. "Hoy! Lumabas ka d'yan!" galit na galit na kalabog ni Laurence sa pinto. "Matapos mo kaming pasunurin sa plano mo, tatakbuhan mo kami!" dagdag naman ni Paolo. "Sisirain namin 'tong pinto mo hangga't di ka lumalabas!" banta ni Laurence. Maya-maya pa ay binuksan na ni Kenneth ang kwarto niya at kinuyog siya ng dalawa. Nagtakip siya ng unan para salagin ang atake nila. "Sandali, may naisip ako..." hindi siya pinansin ng mga ito at tuloy lang sa pag-hampas sa kanya. "Teka, sabi eh! Seryoso na 'to!" awat niya sa mga ito at tumigil na sila. "Si Vincent ang pag-asa natin," wika ni Kenneth sa dalawa. "Huh? Kala ko ba ikaw? Di ba sunud-sunod nga tayo?" kontra ni Laurence. "Tsaka tumanggi na siya kanina, paano mo siya makukumbinsi?" tanong naman ni Paolo. "Mas sigurado ako kay Vincent. Ise-setup natin sila," nakangising tugon ni Kenneth. Samantala, nagbabad sa shower si Vincent at ine-enjoy ang malamig na tubig na gumagapang sa buong katawan niya. Sa ganitong paraan siya nakakapag-relax at nakakapag-isip nang maigi. Pumasok sa isipan niya ang usapan nila Kenneth kanina tungkol sa plano nilang akitin ang landlady at alamin ang sikreto nito. Bagama't nahihiwagaan din siya sa babaeng iyon ay hindi niya gusto ang naisip nilang paraan. Subalit kung sakaling kailanganin ang tulong niya, eh sa paanong paraan naman kaya niya iyon gagawin? Hindi siya romantikong tao at nababaduyan siya sa gano'n. "Tsk. Bakit ko ba 'yon pinoproblema? Ang mahalaga lang naman sa'kin ay may matutuluyan ako sa murang halaga," bulong ni Vincent sa sarili. "Ah, Vincent? Patapos ka na ba?" tanong ni Paolo sa labas. "Hindi pa," sagot niya dito. "Ah, eh... matagal ka pa ba?" dagdag nito. "Five minutes." Dali-daling tumakbo si Paolo pabalik at ibinalita ito kina Kenneth at Laurence. "May five minutes pa tayo," bulong niya sa mga ito. "Okay, ako na bahala." At kumatok si Kenneth sa kwarto ni Mira. "Hi," bati niya nang magbukas ito. "Ikaw pala, bakit?" tanong ni Mira sa kanya. "Ah, ano kase... mag-C-CR sana ako kaso lang parang may nakita akong multo. Matatakutin kase ako eh, pwede mo bang i-check 'yon para sa'kin?" pagsisinungaling niya dito. "Talaga?" Bakas sa mukha ni Mira ang interes sa kwento niya. Walang sabi-sabing hinila ni Kenneth si Mira papunta sa banyo na pinagliliguan ni Vincent. Sumunod din sina Laurence at Paolo sa kanila. Dahil sira ang lock ng banyo, mabilis nilang binuksan 'yon at tinulak papasok si Mira. Kapwa natigilan sina Vincent at Mira nang magtagpo sila sa loob at matagal ding nagkatitigan. Mabuti na lang at nang mga oras na 'yon ay tapos na maligo si Vincent at nakapagsuot na ng short, subalit wala naman siyang suot na pang-itaas. Lumapit siya sa pinto at sinubukan itong buksan, ngunit pinipigilan siya ng tatlo sa labas. Agad niyang naisip na pumalpak sa plano ang mga ito at ngayon siya naman ang balak ipain. Tiningnan niya si Mira na tahimik lang na nakatayo. Walang ekspresyon ang mukha nito kaya naalala niya ang iniisip kanina sakaling mapunta sa ganitong sitwasyon. Nilapitan niya ito at napaatras naman ang dalaga. Nagtuluy-tuloy sila hanggang bumangga ang likod ni Mira sa pader, bahagyang nagkadikit ang mga katawan nila. Nang mga sandaling 'yon ay hindi malaman ni Mira kung saan niya ibabaling ang tingin na pilit niyang iniiwas kay Vincent. Napakalapit nito sa kanya at malinaw niyang nakikita ang mga patak ng tubig na nagmumula sa buhok nito at dumadausdos pababa sa leeg hanggang sa matipuno nitong pangangatawan. Ramdam din niya ang paghinga nito at naaamoy pa ang mabangong sabon na ginamit. Nanigas ang katawan niya nang hawakan ni Vincent ang baba niya at iniangat nito ang kanyang mukha. Tinitigan nito ang mapupungay niyang mga mata, pababa sa kanyang ilong hanggang sa mapusyaw niyang labi. Tumigil ang kanyang paghinga nang dahan-dahang inilapit ni Vincent ang kanyang mukha dito at akmang hahalikan. Dumagundong ang kanyang dibdib at bumilis ang t***k ng kanyang puso. Mamamatay na ba ako? Bakit hindi ako makahinga? tanong ni Mira sa kanyang isip na kanina pa siya dinidiktahang gumalaw, ngunit hindi niya magawa. Para siyang binabangungot nang gising ng mga oras na 'yon sa labis na kaba at takot na nararamdaman. Para kay Vincent, ito ang unang pagkakataon na siya mismo ang gumawa ng unang hakbang sa isang babae. Naniniwala kasi siyang gulo lang ang dala ng mga ito sa buhay niya na siyang tunay, dahil lagi siyang napapasabak sa gulo kapag hinahabol siya ng mga babaeng may karelasyon na. Hinahamon tuloy siya ng away ng mga kasintahan nito sa labis na selos. Ngunit hindi niya inaasahan ang nangyayari ngayon—kusang gumagalaw ang katawan niya na parang may sariling pag-iisip. Ano 'tong ginagawa ko? bulong ng isip ni Vincent habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sa dalaga. May kung ano sa mga labi ni Mira na parang inaanyayahan siyang hagkan ito, subalit napahinto siya nang mapansing nagbago ang mga mata nito. Nakita niya ang takot mula rito at nangingilid na mga luha. Natauhan siya bigla at agad na lumayo. Pwersahan niyang binuksan ang pinto at tumalsik sa sahig ang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD