Agad na tinungo ni Mathew ang library room ng kanyang bahay kung saan naroroon ang screen monitor ng pinakabit niyang CCTV sa silid niya. Naupo siya sa likod ng desk at inisa-isa niya ang mga videos mula ng ipakabit niya iyun. Nagsisimula ng kumabog ang dibdib niya. Ayaw niyang isipin ang hinala niya pero.. Pinindot niya ang Play ng unang araw ng pinakabit niya CCTV..nang araw na iyun walang tao dahiL nasa resort sila hanggang sa pindutin niya ang pangalawang araw at pangatlong araw..hanggang sa makita siya sa video kakarating lang niya noon. Matiyaga siyang naghintay hanggang sa makita na natutulog na siya. Ipa-fast forward sana niya ang video ng makita niya na may anino nahagip sa camera. Isang anino ng tao. Damn! Halos pangapusan na siya ng hininga sa pag-aabang na maging malinaw

