Bakit wala siya rito sa silid niya? Nagtataka na sinuyod ni Maia ang buong silid ni Mathew. Nandito naman ang sasakyan at naaamoy niya na nandito lang ang binata pero wala rito sa silid. Baka hindi pa siya natutulog? Naipilig niya ang leeg. Nang makauwi siya kanina walang Mathew sa bahay niya. Naisip niya baka naging abala ito kaya hindi na nakapunta. Nagpigil lang siya na puntahan ito ng maaga dahiL baka naman wala rin ito sa bahay nito. Pero ngayon nandito na wala naman ito sa silid nito. Hihintayin ba natin? Napakagat siya sa kanyang pang-ibaba labi. Nagdadalawang-isip na umalis na hindi man lang niya nakikita ang binata. Magkikita naman kayo bukas,eh.. Marahas na napabuga ng hangin ang prinsesa. Alright... Bago pa man tuluyan umalis ang dalaga roon agad na napukaw siya ng yab

