Habang naghihintay si Maia sa salas nahagip ng mga mata niya ang isang gintong bote na may takip na kulay dilaw. Ang espesyal na inumin! Manghang nilapitan iyun ng dalaga kung saan nakapatong ang bote. Dinampot niya iyun at manghang pinakatitigan. Ibinigay na pala ni Zei ang inumin yan sa mate natin.. "Gusto mo bang tikman natin? Binigay yan sakin ni Zei," untag ni Mathew. Agad na nilingon niya ito na hawak pa rin ang bote. Uh-oh! Oras na ba para buksan yan? Kukunin na sana nito sa kanya ang bote para marahil buksan yun ng may kumatok sa pintuan. Whew! We're safe again! Galing talaga ng dating panginoon! Laging timing! Agad na nilapitan niya ang pinto na bitbit ang bote. "Ako na magbubukas!" Nakangising Zei ang bumungad sa kanila. Agad na nasa likuran na niya si Mathew. "Magand

