He's confused,alright..ang weird ng pinagsasabi ng Zei na yun tungkol sa boteng yun! Babaeng nakatakda sa kanya ang makakabukas niyun? The f**k?! Marahas siya napabuga ng hangin. Bakit ba iniisip pa niya yun? Kung hindi niya mabuksan,bakit pa niya pag-aaksayahin iyun ng oras? Tsk! Napatigil siya sa pag-iisip ng matanaw ang kinaroroonan ni Maia. Agad na naningkit ang mga mata niya ng makita masaya nitong kausap ang batang photographer! Namalayan na lang niya malalaki ang hakbang ang ginawa niya para makalapit agad sa mga ito. Agad naman siya nakita ni Maia. Nanatili ang seryoso anyo niya. "Mathew!" magiliw nitong sambit sa pangalan niya. Damn! Bakit ba bigla na lang nawala ang inis niya sa isang tawag lang nito sa kanya sa pangalan niya?! Agad na tumabi siya sa dalaga. Friendly naman

