"Grabe nakita mo ba yung guy na nakaputing polo? Sobrang gwapo! Para syang Greek God!" impit na tili ng isang babaeng empleyado sa reception area ng hotel ng mapadaan siya roon. At sino naman ba ang pinagkakaguluhan ng mga ito maliban sa photographer na yun?! Bakit ba init ng ulo,Mathew? "Hi,Mathew.." Agad na natigil siya sa paglalakad ng salubungin siya ni Ciara. "Nalaman ko na dito pala kayo nagphoto shoot nagkataon naman na madadaanan ito sa pinanggalingan ko kaya huminto na ko rito," nakangiti nitong saad. Lihim na napabuga na lang siya ng hangin. Hindi na nga maganda ang mood niya mukhang madadagdagan pa ng isa. Hell,Mathew! Ikaw lang nagpapakomplikado sa sarili mo! Aminin mo na kasi! "Ohh..sorry,hindi mo ata nagustuhan ang paparito ko,"pukaw sa kanya nito na may himig na hina

