Panay ang tawa ng mahina ng dating panginoon sa pinapagawa niya rito. Ang pagselosin si Mathew Hilton. Ngayon nga ay magkatabi sila sa isang malapad na bato sa gilid ng dagat. Katatapos lang ng last photoshoot niya para sa araw na yun. Sa buong durasyon ng photoshoot niya kitang-kita at damang-dama nila ni Zei ang pagkabadtrip ni Mathew Hilton. Masungit at seryoso ang anyo nito. Napangisi siya ng maalala ang hitsura nito kanina habang hindi siya hinihiwalayan ng dating panginoon. Tatlong araw sila resort na yun para sa iba't-ibang tema ng pagpopose niya kaya naman sisiguruduhin niyang bago matapos ang photoshoot bibigay na ito sa kanya. "Hanga ako sa mahal na Prinsipe,nakaya niyang tiisin ang tunay na nararamdaman niya para sayo," untag ni Zei. "Mahal na prinsipe.." usal niya sa sinam

