Private Beach Getaway Sa wakas, katahimikan. Walang drone. Walang camera. Walang balita. Walang protest. Kundi dagat lang. Hangin. At siya. Xander rented a private cove somewhere in Quezon—off-map, exclusive, and unreachable by anything but boat. Sinadya talaga niyang walang signal. Walang abala. Pagdating namin, hinila niya ako agad palayo sa mga tauhan. “Just us,” bulong niya habang bitbit niya ang duffel bag at ako naman, hawak lang ang sarili kong sketchpad. Tanging tanawin: White sand. Turquoise sea. Wooden villa na nakatayo sa mismong taas ng buhangin. Pagpasok namin sa villa, amoy agad ang sea breeze, kahoy, at lemon linen. “Do you like it?” tanong ni Xander habang binubuksan ang sliding glass doors na may view ng dagat. “Hindi ko lang like,” sagot ko, huminga nang malalim.

