Malamig ang ilaw sa operating wing. Tahimik maliban sa tunog ng heart monitor at mahihinang yabag ng mga nurse na abalang-abala sa paligid. Nakahiga si Cassie sa hospital bed—may pressure bandage sa gilid ng tadyang, ang dugo niya bahagyang bakas pa sa gown na puti, at ang buhok niya nakasabit sa pisngi. Sa tabi ng kama, nakaupo si Xander—suot pa rin ang tactical pants, pero ang bulletproof vest ay nakapatong sa sahig. Namumugto ang mga mata niya, hawak ang kamay ni Cassie na malamig pa rin. "Please wake up, Cassie..." bulong niya, habang pinipigilan ang panginginig ng boses. "Hindi ko kayang mawala ka." Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. "Kasalanan ko ‘to. I should’ve never left you alone... I should’ve been faster..." Tahimik ang paligid. Pero sa biglang igik ng kama, bahagyang guma

