bc

FORBIDDEN DESIRE

book_age18+
727
FOLLOW
5.0K
READ
forbidden
sweet
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

WARNING🔞⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK!!!

YOU HAVE BEEN WARNED!!!

(Jack Dawson's Story)🔞⚠️🚩

Si Farrah ay ampon ng pamilyang Dawson. Tanggap at mahal siya ng lahat maliban kay Jack, ang panganay na anak ng mga ito.

Masaya at kuntento sa buhay si Farrah dahil bukod sa nagagawa niya ang kanyang mga gusto ay mahal din siya ng pamilyang kumupkop sa kanya, ngunit nagulo ang lahat ng iyon ng makalaya mula sa kulungan ang kinikilala niyang kapatid na si Jack, wala itong ginawa kundi ang paghigpitan siya at pagbawalan sa mga bagay na nais niyang gawin, hanggang isang araw ay sumuway siya at sa galit nito ay ikinulong siya nito para parusahan.

Parusang hindi niya inaasahan!

Paano lalabanan ni Farrah ang parusang nagpapainit sa kanyang katawan at nag-aalis sa kanya sa katinuan kung nagugustuhan na ito ng kanyang katawan? Paano niya lalabanan ang pag-ibig na unti-unting umuusbong para sa lalaking ang tingin ng lahat ay kapatid niya? Malabanan pa kaya nila ang makasalanang pagnanasa na tumutupok sa kanila? O pareho silang magpadala sa kabila ng pagtutol ng marami sa kanila?

chap-preview
Free preview
1.
NAKANGITING nag-uusap ang mag-asawang Dawson sa loob ng kanilang sasakyan ng bigla nalang nagpreno ang kanilang family driver. "Empoy, ano ang nangyari?" Agad na tanong ni Mr. Dawson. "Eh, sir, bigla nalang tumawid 'yong matanda." Sagot ni Empoy. "Aba'y babain na natin ng madala na agad sa hospital!" Tarantang wika ng ginang. Agad na bumaba ang tatlo, ang mga bodyguards ng mag-asawang Dawson na nakasunod sa kanila ay bumaba na rin ng kani-kanilang sasakyan para palibutan ang kanilang amo, na ngayon ay dinudumog na ng mga taong nakatira lang sa paligid — mga taga squatters area. "Sir, ma'am, wala siyang sugat. Mukhang nahimatay siya kaya natumba." Ani Empoy matapos suriin ang lagay ng matanda. Lumapit si Mr. Dawson sa matanda na nakahandusay at tinitigan ang maputla nitong mukha. "Buhatin siya at dalhin sa hospital." Utos nito na agad sinunod ng mga tauhan. Likas na mabait ang mag-asawang Dawson. Hindi ito katulad ng ibang mayayaman na tao na mapangmata sa kapwa, o diyos ang tingin sa mga sarili. Kaya maraming tauhan ang tapat sa mga ito at nagtatagal sa serbisyo dahil sa mabuting pakikitungo ng mga ito. Pagdating sa hospital ay hindi nila iniwan ang matanda hangga't hindi nila nalalaman ang kalagayan at kung ano ang sakit nito. Nang dumating ang doktor ay agad na sinabi nito sa kanila ang lagay ng matanda. "Nagpa-check up na sa aming hospital si Mrs. Lerpo. Ayon sa medical records niya ay mayro'n siyang lung cancer. Mayro'n na lamang siyang dalawang buwan para mabuhay." Awang-awa ang mag-asawa sa matanda. Tinulungan nila ito at sinagot ang lahat ng mga kailangan nito sa hospital. Nang dalawin nila ito sa kwarto kung saan ito naka-confine ay naabutan nila itong umiiyak. Nakakahabag talaga ang ayos ng matanda. Sa sobrang payat nito ay aakalain ng kahit sino na hindi na ito kumakain pa. Nagulat silang mag-asawa ng bigla na lamang lumuhod ang matanda sa kanilang harapan. "Ma'am, Sir... maraming salamat sa tulong ninyo. Alam kong sobra-sobra na ang tulong na binigay ninyo sa akin." Lumuluha na nag-angat ng tingin ang matanda. "P-Pero nakikiusap ho ako sa inyo... kahit wag nalang ako ang tulungan ninyo..." Naguguluhan na tumingin ang mag-asawang Dawson sa matanda. "A-Ang apo ko nalang po... s-siya nalang po ang tulungan niyo... n-nagmamakaawa ako sa inyo..." Humagulhol ng iyak ang matanda. "Si F-Farrah, ang apo ko... tulungan niyo ang apo ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!" . . TUMIGIL sa paglangoy ang tatlong binatilyo— hindi dahil sa dumating ang kanilang magulang kundi dahil sa batang kasama ng mga ito. Umahon sa tubig si Jestoni, ang ikalawang anak ng mag-asawang Dawson. "Who is she?" Nakangiting lumapit si Jestoni sa paslit. Excited naman na umahon din sa pool si Justin, ang bunso sa tatlong anak. "Mom, sino siya?" Nakangiting tanong nito sa ina habang ang mata ay nakapako sa paslit. Mula sa tubig ay umahon na rin si Jack, ang kakambal ni Jestoni. Mula ulo hanggang paa ay sinuri niya ang paslit. Nalukot ang mukha ni Jack ng mapansin ang madungis nitong mukha. May tuyong sipon pa ito sa magkabilang pisngi. Ang paa ay walang sapin. Kung hindi dahil sa lumang bestidang suot nito ay mapagkakamalan itong isang batang lalaki dahil sa maiksi nitong buhok. "Saan niyo napulot ang batang 'yan?" Hindi mapigilang tanong ni Jack sa magulang. "Jack!" Suway ng ina. "Hindi ka dapat ganyan sa kapatid mo!" Parehong namilog ang mata ni Jestoni at Justin, maliban kay Jack na umismid lang. "S-Si lola ko po? N-Nasaan po ang lola ko?" Tanong ni Farrah na nagsisimula ng humikbi, hanggang sa tuluyan na itong pumalahaw ng iyak. "L-Lola ko! Uwi na po tayo!!!" Nagkatinginan ang mag-asawang Dawson. Awang-awa sila kay Farrah. Hindi nila alam kung paano sasabihin dito na pumanaw na ang lola nito at kailanman ay hindi na babalik pa. Naalala nila ang pakiusap ng matanda bago tuluyang nawala. "Tulungan ninyo ang apo. Kahit gawin ninyo siyang kasambahay, o isa sa tagalinis ninyo balang araw... basta ilayo ninyo sa lugar namin" Iyon ang pakiusap sa kanila ng lola ni Farrah. Oo, pumayag sila. Pero hindi nila kunupkop si Farrah para palakihin na isang kasambahay o alila, dahil nagpasya silang mag-asawa na ampunin ito at ituring na anak. Matagal ng gustong magkaro'n ng anak na babae ng mag-asawang Dawson. Sumubok na sila ng paulit-ulit pero bigo sila. Ngayon na dumating si Farrah ay tuluyan ng natupad ang pangarap nila. "L-Lola! A-Ayoko po dito... gu-gusto ko pong umuwi sa lola ko..." "Shhh, wag ka ng umiyak, Farrah." Hinaplos ng ginang ang pisngi ng bata. "Simula ngayon ay dito ka na titira sa amin dahil kami na ang pamilya mo. Ako ang mommy mo, siya naman ang daddy mo, at sila naman ang mga kuya mo." Isa-isang itinuro ng ginang ang lahat para ipakilala kay Farrah. Pinahid ni Farrah ang luha at tumingin kay Jestoni. "H-Hindi niyo po ako papaluin?" Humihikbi pang tanong nito. Natigilan ang tatlong binatilyo ng mapansin ang balat ni Farrah. Puno ito ng pasa! "Mom—" Natahimik si Justin ng senyasan ito ng ama na tumahimik. "Shhh." Lumuluhang niyakap ng ginang si Farrah. "Hindi ka namin sasaktan dito, Farrah, anak. Pangako, mamahalin ka namin..." . . . "WHAT THE FVCK IS WRONG WITH YOU, HUH?!!!" Umalingawngaw sa paligid ang malakas na bulyaw ng binatilyong si Jack sa paslit na si Farrah ng maabutan niya itong hawak ang isa sa Anime Figure Collection niya, ang ilan pa sa mga ito ay bali na ang iba't ibang parte ng katawan. Nanginig sa takot si Farrah ng hawakan ito ng binatilyo sa braso at ilabas ng kwarto. "Tingnan mo ang ginawa mo?! Sino ba ang nagsabi sa'yo ba pwede kang pumasok sa kwarto ko, ha?!" Mas lalo lamang bumakas ang labis na inis sa mukha ni Jack ng mapatingin sa mga Collection n'yang nasa sahig. "S-Sorry po, kuya—" "Stop calling me 'kuya' dahil hindi kita kapatid!" Muling bulyaw ni Jack kay Farrah. Bumalatay ang lungkot, at sakit sa mukha ng paslit. "A-Ang sabi po ni k-kuya Jestoni ay kuya ko daw po kayo—" "Well, not me, sila ang kuya mo at hindi ako, so better know your limitations in this house!" Kumibot-kibot ang labi ni Farrah hanggang sa tuluyan na itong pumalahaw ng iyak. Nang marinig ni Jestoni ang iyak nito ay nagmamadali itong lumapit sa kanila. "What's your problem, Jack? Pati ba naman bata ay papatulan mo?" Binuhat ni Jestoni si Farrah, at masamang tumingin sa kakambal. "Dito na siya titira, Jack. Simula ngayon ay masanay ka ng kasama natin siya, because she is our sister anyway." Napatiim-bagang si Jack sa huling katagang sinabi ni Jestoni. "Tsk. Sister? No way!!!" Pakli ng utak ng labing limang taon na binatilyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook