[Farrah] “Ano?! Kailan pa po?!” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanilang kasambahay. Ang Kuya Jack niya ay umalis na sa mansion! Kumamot sa ulo ang kasambahay. Halatang nagtataka ito sa inaasta niya. Dati kasi halos magtatalon siya sa tuwa kapag nalaman niya na umalis ng mansion ang Kuya Jack niya. Samantalang ngayon ay halos maiyak siya sa lungkot at sama ng loob. Sinong hindi sasama ang loob? Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi man lang ito nagpakita, o nagpaliwanag sa kanya. Sinubukan niyang lapitan ito pero palagi naman sumusulpot ang mommy niya. “Eh, ma’am Farrahh, uulitin ko po, ha. UMALIS. PO. SI. SIR. JACK.” Pagdidiin pa nang kasambahay dahil baka hindi narinig ng amo nito ang sinabi. Bago pa tuluyang malaglag ang luha ay tumalikod na siya. Hanggang ngayon ay hin

