Pakiramdam ni Avionna ay sinampal siya dahil sa sinabi ng step-mom ni Andreas. Tumiim ang kaniyang bagang habang ang babae na nakatitig sa kaniya ay tinaasan siya ng kilay. "Come on, name your price. Kahit ano, just for you to stay away from my son." Binuksan nito ang mamahalin na handbag at mula roon ay kinuha ang pad ng cheque. Kumuha rin ito ng fountain pen mula sa bag. "Tell me..." "Hindi ko po kailangan ang pera mo," mariin na saad ni Avionna. "Oh, really? Dikit ka pa rin nang dikit kay Maliq. His legal wife is so stressed dahil sayo. Ayon ba ang hindi nangangailangan ng pera? At hindi ka ba natatakot kasuhan ng asawa niya?" marahan na tanong ni Ariadna. Akmang magsasalita si Avionna ngunit nagpatuloy ito sa pagsasalita. "And I'm curious where did you find the guts to be wit

