Chapter 30

3097 Words

Pakiramdam ni Avionna ay maganda ang pasok ng bagong taon sa buhay niya. Laking ginhawa ang nadarama niya simula nang mabasa ang email message mula kay Ynabelle. Hindi pa rin naman sila magkakabalikan ni Andreas dahil mas gusto niyang legal ng hiwalay ang dalawa kung papasok siya muli sa buhay nito pero malaking bawas sa bigat ng dinadala niya na tanggap na ni Inah ang lahat. Magandang simula para sa bagong taon. "Ate, may tumatawag po sayo," ani Avian habang palapit sa kaniya dala ang cellphone niya galing sa kwarto. Huminto si Avionna sa pagwawalis at tinanggap ang cellphone. Pamilyar na unknown number ang naroon kaya naman agad nag-react ang puso niya. Sinagot niya 'yon pagbalik ni Avian sa kwarto. "Hello..." marahan niyang saad. Narinig niya ang buntong-hininga sa kabilang lin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD