Pinagsaluhan nila nang ilang beses ang init ng pagkasabik at pagmamahal nila sa isa't isa. Pinanood ni Avionna ang pagpunta ni Andreas sa comfort room matapos siya nito linisan. Hindi nagtagal ay bumalik na ito. Confident itong naglalakad sa harap niya, wala ni-isang saplot. Gumapang ito patungo sa kama para tabihan siya. Agad na yumakap si Avionna na tinanggap naman ni Andreas. "Sarap?" tanong ni Andreas habang nagpipigil ng ngisi. Pumula ang pisngi ni Avionna. Nakadapa siya habang nakatitig sa binata. Pinalo pa nito ang pang-upo niya kaya agad niyang kinumutan ang sarili. "Andreas!" saway niya sa pilyong binata. Humalakhak ito at pinahiga ang ulo niya sa matipunong dibdib nito habang ang braso ay nakapulupot na sa kaniya. Hinahagod ni Andreas ang braso niya. "You're so worried

