"I don't where is she." 'Yon ang tanging sagot ni Andreas sa ginang bago nagpaalam at sumakay sa sasakyan kasama siya. Nakabibingi ang katahimikan buong biyahe. Ilang beses napapasulyap si Avionna kay Andreas. Napansin niya na tila nawala ang maganda nitong mood. Seryoso na ito ngayon at mukhang malalim ang iniisip. Gusto niya magtanong kung sino 'yon lalo na't gano'n ang reaksyon ni Andreas ngunit pinili niya na huwag ng alamin pa. Wala siyang karapatan na magtanong tungkol do'n. Ngunit malakas ang kutob niya na espesyal o naging espesyal ito sa buhay ng binata. Hanggang pagdating nila sa bahay nila Avionna ay wala itong imik. Hinatid siya ni Andreas hanggang sa pinto at huminto sila sa tapat noon. "Salamat sa paghatid niyo ni Mang Romeo," aniya. Napakurap si Andreas na tila ngay

