Chapter 15

2895 Words

Sa unang araw nila ay nag-chill lang sila. Relaxation muna. Hindi na rin muna naligo si Avionna sa dagat dahil naglibot-libot na lang muna sila sa lugar para mag-picture. Napangiti si Avionna habang tinitignan isa-isa ang mga pictures. Hindi niya maiwasan na purihin ang binata dahil napaka-photogenic nito ngunit mas gwapo pa rin sa personal. "Ang gwapo mo, Andreas," saad niya. Nasa tabing-dagat sila at sumisipsip siya sa hawak na mango shake. Lumapit ang mukha ni Andreas para makisipsip do'n. "Tell me something I don't know," mayabang na sagot nito sa kaniya matapos tumikim sa shake. Napaangat ng tingin si Avionna at napailing sa sagot ng binata. Ngumisi lang ito nang bahagya sa kaniya. "You're pretty on those pictures, too. Bakit hindi mo pinapansin?" tanong sa kaniya ni Andreas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD