Pagbalik nila sa Metro Manila ay agad silang dumiretso sa hospital na pinagdalhan kay Arvin. Si 'Nay Helen ang sumalubong sa kanila na bakas din sa mukha ang pag-aalala. "Nay, kumusta raw po?" tanong ni Avionna. Nasa likod niya si Andreas na alerto at halos alalayan siya. "Wala pang balita. Ineeksamin pa rin siya. Matagal na palang nag-iinda ng sakit ang bata, hindi lang nagsasabi sa inyo." Mariin na napapikit si Avionna at hinilot ang sentido niya. Nag-aalala siguro ang kapatid niya sa stress na mararamdaman niya ngunit masyado pa itong bata para mag-isip tungkol do'n! Dapat ay magsumbong lang ito sa kaniya kung anuman ang nararamdan. "Wala akong idea. Hindi talaga siya—" Napailing si Avionna. Marahan siyang pinaupo ni Andreas sa upuan sa tabi. Sa kalooban niya, nagsimula siyang sis

