Chapter 13

3062 Words

Napasulyap si Avionna sa tulog na tulog na si Andreas. Nakaupo siya at nagbabasa sa libro na hawak niya habang ito ay tulog, nakasiksik sa kaniya at ang mga braso ay nakayakap sa may bewang niya. Napangiti siya nang tipid saka ibinalik ang mata sa binabasa. Maya-maya ay napahikab na siya. Gumalaw si Andreas at dahan-dahan na nagmulat. "Hey, you're still awake," bulong nito sa bahagyang paos na boses. Tinignan ni Avionna ang binata. Sandali siyang namangha sa berdeng mga mata nito. Hindi niya napigilan na hawakan ang pisngi nito. "I'm still reading. Advance study," marahan na aniya. "Sabado na bukas. You can do that tomorrow, Av. Matulog ka muna." Umiling si Avionna saka muling ibinaling ang titig sa libro. "Tatapusin ko lang 'to. Next week na ang exam namin before sembreak." Bumun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD