Andreas stared at Avionna who's sleeping deeply on her bed. May dalawang kama pa sa tabi noon, sa isa ay si Avian at Alvin ang magkatabi at sa isa naman ay mag-isa si Arvin. Ang mga mata ng binata ay nakatutok lang kay Avionna. He caressed her cheek before he fixed the comforter on her body. He didn't think that Avionna had that kind of problem. Ni hindi niya naisip na nagdurusa ito sa nagawang desisyon no'n. He understands where she's coming from and he wants to help her. Hinagkan niya sa noo ang dalaga bago tumayo at umalis sa kwarto. Naabutan niya sa sala ang private nurse na kinuha niya para kay Arvin, naghahanda na rin para sa pag-alis. "Is the kid doing fine?" tanong niya. Tumango ito. "Mabuti po ang lagay ni Arvin. Cooperative din siya kaya nagiging mabilis ang recovery niya."

