Buong araw siyang hindi mapalagay. Nag-email siya sa Seductress upang sabihin na magre-resign na dapat siya at hindi niya nais pang magbigay ng serbisyo sa bagong nag-hire sa kaniya ngunit ang sagot nito ay ang kliyente lang ang may kontrol do'n. "Ano'ng gagawin ko?" bulong niya sa sarili at napahilot sa sentido. Hindi pa nakatulong sa stress niya nang mag-message na sa kaniya ang client. Makikipagkita ito sa kaniya ngayong gabi. Ilang beses niyang binasa ang mensahe. Pinapapunta siya sa isang mamahalin na restaurant. Huminga siya nang malalim at pumikit para makapag-isip nang maayos. Matapos ang ilang sandali ay nagdesisyon siya na pumunta roon. Wala naman siyang choice at kukunin niya rin 'yon na pagkakataon para makiusap dito na i-unhire siya. "Nay Helen, salamat po sa pagpunta.

