Nagkwento si Avionna sa nangyari sa school. Ang magaan nilang usapan kanina tungkol sa pagiging sugar daddy nito sa kaniya ay naging seryoso. Unti-unting mawala ang emosyon sa mukha ng binata. "Nakausap ko ang Vice President ng school at..." Malungkot siyang napangiti. "Tinanggal niya lahat sa akin. Hindi na rin ako makapag-aaral do'n." Kumunot ang noo ni Andreas. "What?" May galit sa tono nito. Umiling si Avionna at hinawakan ang kamay ng binata. "Tama rin naman 'yon, Andreas. Kapag lumabas 'yon sa school, ang issue ko, kasiraan 'yon ng school." "But that issue is not true! I have met that man and he has an ugly attitude, just like his face." Hinawakan siya nito sa balikat. "Tell me, did he insult you?" Hindi agad siya nakaimik kapagkuwan ay napaayos ng suot na eyeglasses at kumura

