Mariin na napapikit si Avionna at napahawak sa parte kung saan nahihila ang anit niya dahil sa pagsabunot ng babae. Kinaladkad siya nito habang sinasabunutan kapagkuwan ay marahas siyang itinulak sa malamig na sahig sa labas ng penthouse ni Andreas. Malakas na lumapat ang palad nito sa kaliwa niyang pisngi. "Ikaw 'yon, 'di ba? You're the reason why Maliq is pushing the annulment!" puno ng galit na saad ni Ynabelle. Naitukod ni Avionna ang isang kamay niya sa sahig kaya hindi siya tuluyan na napahiga roon. Ang isa naman ay nakasapo sa pisngi niya na sinampal. Sa mga sandaling 'yon, hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan. Magkakaroon siya ng kasalanan kung matapos malaman ay ipagpapatuloy pa rin nila ngunit malinaw na sinabi niya kay Andreas

