Matapos siyang nag-message kay Andreas na mag-break na sila ay pinatay niya na ang cellphone at inasikaso ang mga kapatid niya para sa pagtulog nila. "Miss Avionna, aalis na po ako. Babalik ako nang maaga bukas lalo na't may klase ka," saad ng private nurse ni Arvin. Ngumiti si Avionna. Hindi siya sigurado kung gaano katagal pa ang pananatili nito sa tabi ng bunso nila dahil si Andreas naman ang nagbabayad dito. "Sige po. Maraming salamat. Mag-ingat po kayo pauwi," aniya. Ang pag-alis na lang ng nurse ang hinihintay niya bago matulog. Pag-alis nito ay nag-lock na siya at pinatay ang mga ilaw. Sinigurado din niya na walang naiwan na nakasaksak sa outlet. Umupo muna siya sa may couch sa sala sa tabi ng lampshade at nagbasa ng libro. Alam niyang hindi siya agad makatutulog kaya imbes n

