Nagimbal ang pagkatao ni Avionna sa narinig. Ilang segundo siyang natulala sa babae. Bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa halo-halong emosyon. Naka-heels ang babae kaya 'di hamak na mas matangkad ito sa kaniya dahil kahit walang suot no'n ay mas mataas talaga ito. Ang katawan din ay tulad sa mga modelo, balingkinitan. Ngayon na nakababa ang malaki nitong sunglasses ay malaya niyang nakikita ang mukha nito. Maganda ang mukha ng babae sa harap niya. Mataas ang cheekbone, kapansin-pansin ang mga labi dahil sa pagiging pouty no'n, at ang kulay lupa na mga mata ay upturned. Morena din ito at ang istilo ng pananamit ay halatang marami na itong narating sa buhay. May highlights ang alon-alon na shoulder length nitong buhok. "Hey, what now?" tanong nito sa kaniya, halatang iritado na sa tag

