ALTHEA'S P.O.V
Maghapon akong wala sa mood dahil sa pinapakitang asal sa akin ni Alfie. Minsan naiisip ko ay mas nakakabuti rin ang masubaybayan ko siya. Naulinigan kong may kausap si Alili sa telepono, kaya naman ay lumapit ako sa kanya.
Nang maibaba nito ang phone ay kaagad ko siyang tinanong. May gusto rin akong malaman para ipaghanda si Alfie bago ito umuwi.
"Li, sinong kausap mo?"
Napalingon siya sa akin. Ang akala niya ay nasa likuran pa ako ng bahay. Kanina lamang ay magkasama kaming dalawa na nag-aayos ng mga halaman sa likod.
"O' nandiyan ka pala? Akala ko nasa likod ng bahay ka pa!" medyo gulat niyang wika.
"Bago lang din, narinig kasi kitang may kausap at saka may itatanong rin ako sayo bago pa man umuwi si Alfie."
"Ah... Oo si Alfie nga rin ang kausap ko. Nagpapagawa ng paborito niyang pagkain," sagot ni Alili.
Lihim akong napangiti sa nalaman dahil iyon din sana ang itatanong ko sa kanya. Ito ang ikinakatuwa ko dahil malalaman ko ang mga bagay na gusto ni Alfie para naman ako ang gagawa sa kanya.
"Ano ba ang paboritong pagkain ni Alfie? At ako na ang magluto para sa kanya," presenta ko pa kay Alili.
"Spicy fried breast chicken!"
Napawi ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sagot ni Alili. Sa dinami-daming parte ng manok ay and dibdib pa. Ganoon na ba kahilig sa dibdib si Alfie? Matatandaan ko ang babaeng kasama niya ay. Malaki ang dibdib.
Napatingin ako sa hinaharap ko at napatanong sa sarili. Hindi naman gano’n kaliit ito ngunit magpapasalamat pa rin naman ako dahil may laman naman kahit papaano.
"Oh' bakit mo tinitingnan iyan?"
Inginuso ni Alili ang dibdib ko. Hindi niya mabanggit sa akin ng deretsahan at idinaan na lamang sa aksyon.
"Bakit ba ang hilig niya sa dibdib lalo na sa malalaki?" inis kong tanong kay Alili.
"Luh! Anong nangyari sayo?"
Nagulat naman si Alili sa inasal ko. Hindi pa rin naman alam na malaki ang pagkakagusto ko sa lalaking 'yon.
"Wala naman, hindi ko lang maisip kung bakit ang mga lalaki ay ang hilig sa malalaking dibdib?"
Napatitig sa akin si Alili na nakangiti. Sa ngayon ay alm na niya ang lihim ko kahit hindi ko pa naman nasabi.
"Hayaan mo at itanong natin 'yan kay Ernie Baron!" natatawang wika ni Alili.
Sa inis ko ay may naisip akong gawin para dito sa lalaking mahilig sa dibdib. Nagpupumilit ako ang magluto sa paborito niyang pagkain. Titingnan ko kung magustuhan niya.
"Li, ituro mo sa akin ang sangkap at lasa na gusto ni Alfie ata ako na ang gagawa sa kanya request," presenta kong muli.
"Are you sure Althea?"
"Hey... Ang bunganga mo! Huwag ka ngang madaldal diyan at mabuking ako sa ginagawa mo!"
"Sige na nga, halika na sa kusina at tuturuan kita," anyaya ni Alili.
So, 'yon na nga at inalam ko kung anong mga sangkap ang kakailanganin ko. Marunong naman ako sa mga gawain at pagluluto.
Matapos kong magawa ang marinated chicken ay itinabi ko muna. Tapos na na rin iton maihulma sa nais kong gawin.
Gumawa rin ako ng juice para sa mga nais uminom nito. Pinasok ko sa ref para malamig inumin. Matapos kong gawin ang mga bagay ay sandali kong iniwan ang kusina para pagtuunan ang nakabinbin naming trabaho ni Alili.
Ngunit napabaling ang atensyon ko sa pinto ng mayroon nagdoor bell. Napasulyap ako sa orasan na nakakunot ang noo dahil maaga pa para umuwi ang aming mga amo.
Mula sa b****a ng kusina ay naririnig ko ang isang boses ng babae. Tila nakikilala ko ang boses na iyon. May malandi at slang kung magsalita. Tila tumaas ang presyon ng dugo ko nang maalala ang babaeng may mala-papaya ang hinaharap.
Hindi ko mapigilan ang sariling mag-usisa dahil naiinis ako sa kanya. Wala pa nga dito sa bahay si Alfie ay siya na mismo ang dumadalaw. Haliparot talaga ito.
Pagbukas ko ng pinto ay nakatayo na siya sa harapan. Naku, ang pula ng labi na nagpapahiwatig ng gyera. Fit na fit pa ang suot niya spaghetti strap na blouse at luwan-luwa ang matambok niyang papaya.
My God, nagkakasala ang isipan ko kapag ito ang kaharap ko. Gusto ko siyang isumpa na maging isang etsoserang palaka dahil siya pa itong lumalapit sa lalaki.
"Hey... Kunin mo nga itong dala ko!" mataray niyang utos.
Doon lamang ako natauhan nang iabot sa akin ang isang plastic bag. Nakatitig lamang ako sa plastic na tila inaaninag pa ang laman.
Ngunit nagulat na lamang ako ng hinampas niya sa akin at doon ay naamoy ko ang malansang amoy. Napayakap ako sa plastic nang bitawan niya ito. Dahil na rin sa gulat ko ng hagitin niya ako sa balikat.
"Fool girl!"
Maanghang niyang bigkas nang tumalikod sa akin. Aba'y hinahamon ako ng babaeng ito.
"Dalhin mo iyan dito sa kusina!" sigaw niya sa akin.
"Opo Ma'am!"
Wala akong nagawa kundi sundan siya sa kusina. Nang makapasok ako sa kusina ay kaagad siyang nag-utos sa akin na pagsilbihan siya.
"Hugasan mo iyan dahil ipagluto ko si Alfie!" muli niyang utos.
"Yes Ma'am!"
Sinunod ko siya kahit labag sa loob ko. Ayaw kung salungatin siya at baka sabunutan ako nito at mabuking sa pagbabalatkayo ko.
Agad kong hinugasan ang hipon na kanyang dala. Malalaki ito at matataba, natitiyak kong masarap ito dahil presko pa. Marahan kong hinuhugasan dahil masakit ang sa ulo at bandang buntot nito.
Ngunit hindi ko naiwasan ang matusok ang isa sa mga daliri ko kung kaya't naihagis ko ito pataas.
Sinundan pa ng tingin ko ang isang malaking hipon na naihagis ko. Hanggang sa pagbagsak nito sa dibdib ni Barbie.
"Ouchh..."
Malakas niyang hiyaw ng tumusok ang ulo mismo ng hipon sa pisngi ng kanyang dibdib. Nanigas naman ako sa gulat dahil pati ang hipon ay mahilig din sa malaking dibdib.
"Oh' sh!t!" mahina kong usal.
Kaagad kong pinakalma si Barbie para bunutin ang hipon na tumusok sa pisngi ng kanyang dibdib. Kung tao lang itong hipon ay nasampal ko na.
"Hala, ma'am, sorry hindi ko sinasadya!" mahinahon kong pakiusap sa kanya.
"Ang tsanga-tsanga mo tsalaga!" nangangalit niyang tugon sa akin.
Kahit nasaktan na ay slang pa rin kung magsalita. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya ito. Kaagad ako nakaisip ng bagay para pakalmahin siya. Sa palagay ko ay madaling mauto ito.
"Ma'am, hindi ko sinasadya, marahil ay nagagandahan diyan sa dibdib mo. Alam mo bang habulin ng lalaki ang ganoon. Kung ang hipon nga ay hinahabol iyan lalaki pa kaya!" nakangisi kong saad sa kanya.
Kumislap naman ang kanyang mga mata na mapuri ang magandang dibdib. Sa kadaldalan ko ay hindi ko pa nabunot ang ang hipon na nakabaon pa rin sa kanyang dibdib.
"Tsalaga!"
Ang arte ng salita nito, hindi lang ako nag-iingat ay gusto ko siyang sabunutan para tumuwid ang kanyang salita.
"Yes ma'am, natitiyak kong magugustuhan ka ng lalaking gusto mo. Sandali lang at hugutin ko muna ang hipon sa dibdib mo," wika ko.
"Okay, sige at baka mamaga ang dibdib ko," aniya.
Nang sinimulan mo nang hugutin ang hipon ay nakalimutan kong may isa pa palang pantusok sa bandang puwet ng hipon. Natusok ang pinakagitna ng palad ko dahilan upang maidiin ko pailalim ang hipon.
"Aray ko!" sigaw ko
Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang malakas na atungal ni Barbie. Tila isang lobo sa kagubatan na umalulong sa sakit.
"Ou...Ouchh..."
Dumadagundong ang kanyang boses sa buong kusina. Nabunot nga ang hipon ngunit dinagdagan nito ang sakit na idinulot. Napasugod si Alili sa kusina nang maulinigan ang aming boses.
"Anong nangyari dito?" pagtatakang tanong ni Alili.
"Li, patulong naman gamutin itong sugat ni Ma'am Barbie!"
"Huh! Bakit hindi kayo nag-iingat, matatalas ang mga kutsilyo dito sa kusina," ani Alili na walang alam sa totoong nangyayari.
"H-Hindi Li, natusok sa tinik ng hipon ang kanyang dibdib," tugon ko.
"Ngeeek..."
Tila gulat na gulat si Alili na makita ang namumulang dibdib ni Barbie. Kaya naman kaagad siyang nagtungo sa storage room para kunin ang medicine kit.
"Hooo..." Nanginginig na boses ni Barbie habang pinapaypayan niya ng palad ang dibdib.
Pagbalik ni Alili ay bitbit na niya ang medicine kit at agad niyang nilapatan ng paunang lunas. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa akin pa masisisi ang lahat kapag nagkataon.
"Ma'am sorry!" Tila maamong pusa akong humihingi ng kapatawaran sa nangyari. Hindi ko naman ginusto ang magkasakit kahit pa naiinis ako sa kanya.
"Naku, naiinis ako baka dito pa yata ako mamatay sa hipon na ito!"
Napabuntong-hininga siyang nagdadaldal. Hindi man niya ako sinagot ng deretsahan ngunit mukhang hindi naman siya galit sa akin.
"Saan ba galing ang hipon na iyan?" tanong naman ni Alili.
"Dala niya!" Turo ko naman kay Barbie na hindi maipinta ang mukha habang ginagamot ni Alili.
"Para saan ba 'yong dala mo Ma'am?" tanong Alili sa kanya.
Nagtataka naman ako kay Alili kung bakit niya pa tinatanong ang bagay na iyon. Syempre pagkain iyon kaya dapat lang na kakainin ng tao.
"Magluluto sana ako para kay Alfie," maarteng tugon ni Barbie.
"Huh! Hindi mo ba alam na bawal sa kanila ang hipn dahil may allergy si Alfie sa ganoong pagkain," saad ni Alili.
Doon ko naunawaan ang kaninang reaksyon ni Alili. Kaya pala tinatanong niya kung para saan ang hipon.
"Oh' gano’n ba? But it's nice and yummy," ani Barbie.
Kahit halatang pinipilit niya ay wala siyang magagawa kong gayong bawal pala kay Alfie ang hipon. Kaya ang spicy fried chicken ko pa rin ang panalo. Tila gustong humiyaw ng isipan ko sa panalong pangkusina na paligsaghan.
"Alam namin na masarap 'yan Ma'am kaya lang hindi natin pwedeng ipilit iyan dahil kapag namaga ang mukha ni Alfie ay mamaga rin ang mukha natin sa sermon!"
May pagbabanta na wika ni Alili para matigil na sa pangungulit itong si Barbie. Matagal ng nagsisilbi si Alili kaya alam na alam niya ang mga ayaw ng pamilya.
"Oo nga ma'am, baka mamaya hindi ka magugustuhan ng Mommy at Daddy ni Alfie," pang-uuto ko pa dito.
"Ihatid kita doon sa sala ma'am at doon mo na rin hintayin si Alfie. Kami na bahalang maghanda ng hapunan ninyong lahat," ani Alili.
Mahinahon namang sumunod si Barbie kay Alili. Gusto kong matuwa sa nangyari ngunit hindi naman ako gano’n kasama. Kasi naman pupunta-punta dito sa bahay na halos labas na ang kaluluwa sa suot.
Binalingan ko ang hipon sa palanggana. Hindi ko mapigilan ang sarili na pagalitan ang mga ito. Dahil natusok ako sa buntot ng isang iyon. Tila kasi ayaw niyang alisin ko sa pagkakabaon doon sa papayang dibdib ni Barbie.
"Hoy... Kayong mga hipon umuwi na kayo sa inyo. Pati kayo ang lalantod niyo, sa dinami-dami ng pwede niyong tusukin ang ang dibdib pa ni Barbie!"
Nakapamaywang pa akong senesermunan ang mga hipon. Ang lalaki pa naman nila at ang sarap sana.
Ngunit bigla akong napatalon nang may isang boses ng kapre ang ang nagsalita sa aking likuran.
"Tala, sinong kausap mo diyan?"
Agad akong napalingon sa lalaking nagtatanong. Sa laki ng kanyang katawan at boses ay mapagkamalan mo ring kapre.
"Ay... Ikaw pala, Dado!"
Si Dado ang nag-iisang maintenance ng pamilya. Kung ano ang sira sa bahay at kinakailangan namin ang kanyang tulong sa mga mabibigat na bagay.
"Dads na lang ang itawag mo akin para sosyal," anito.
"Okay, Dads!"
Para namang nagtatawag ako ng ama nito. Ngunit madali naman akong kausap kaya sumang-ayon an rin ako sa kanyang kagustuhan.
"Oo nga pala, ano ba 'yong ginagawa mo dito at tila may kausap ka pa?" muli niyang tanong.
"Ayan oh!" turo ko sa hipon.
"Ay ang sarap naman niyan! Teka bakit may ganyang pagkain dito eh' bawal iyan sa kanila?"
"Yon nga eh! Ibanalik ko nga ang mga iyan dahil walang kakain dito. Dala 'yan ni papaya- este Barbie pala!"
"Akin na lang iyan!" Walang preno niyang sabi sa akin. Sayang naman kung itatapon lang namin. Mas mabuti ng mapakinabangan ng tao.
"Sige Dads, sayo na lang iyan. Ang mabuti pa ay ipaluto mo na lang sa asawa mo," tugon ko naman.
Kahit naman hindi sa akin iyon ay wala namang silbi dito. Ako na rin ang bahalang magsabi kay Barbie. Madali lang naman mauto ang isang 'yon...