ALTHEA'S P.O.V
Matapos kong maluto ang in-order na pagkain ni Alfie ay inihanda na namin ni Alili ang mesa para sa hapunan ng aming mga amo. Hindi ko man lang siya nakitang dumating dahil abala ako sa kusina.
Inilagay ko na sa malaking plato ang spicy fried breast chicken with lettuce garnish. I also cut tomatoes and cucumber para mas masarap tingnan. Lihim akong napangiti sa ginawa. Talagang nag-effort akong gawin ito para lang sa kanya.
Hinulma ko ang spicy fried breast chicken into real breast ng tao. And also I already cut the chicken na medyo patulis ang dulo. Pinatayo ko sa gitna ng plato ang hulmang breast chicken. Napalibutan ito ng kamatis at pipino na nakapatong sa lettuce.
Napabuga ako ng malalim na hininga nang matapos ko ito. Pakiwari ko'y napagod ako doon sa effort na ginawa ko. Ito rin ang kauna-unahang dish ang ginawa ko sa kanya. The taste is so good and very crispy. Napapakagat ang sinuman dito.
Nagpagpag pa ako ng kamay nang sa wakas ay matapos ko itong gawin. Handang-handa ng ilapag sa mesa. Ngayon ko gustong patunayan kay Barbie na hindi ako magpapatalo sa kanya kahit maliit ang hinaharap ko. Dito na lang ako babawi para magkaroon ng score kay Alfie.
Hindi ko alam na mayroon pala akong talento sa pagluluto kahit hindi naman ito ang pinag-aralan ko. Natututo lamang akong magluto ng tinuruan ako noon ni Ate Ella. Sa kanya ako natutong maging independent sa buhay.
Mula noon ay palagi na lang akong mag-isa at si Mommy at Daddy ay palaging wala sa aming bahay. Naalala ko na naman si Daddy. Hinahanap niya kaya ako ngayon?
"Ano titigan mo lang ba iyan?" tanong ni Alili.
Napukaw naman ang pagmumuni-muni ko nang bumalik si Alili sa kusina. Siya kasi ang naghahatid sa mesa ng mga pagkain na aming hinahanda. Ayaw ko na munang magpakita sa kanila at baka mabanas na naman si Alfie sa pagmumukha ko.
"Ang ganda kasi Li, tingnan mo nga ang ginawa ko!"
Dalawang kamay ko pang prenesenta kay Alili ang ginawang spicy fried breast chicken. At sa kanyang gulat ay napanganga ito. Nanlaki ang butas ng ilong na tila ngayon lang nakakita ng ganoong display na pagkain.
"A-Ang laki at ang yummy pa!" mangha niyang wika.
Ngunit unti-unting napawi ang kanyang matamis na ngiti nang mapagtanto ang hugis ng aking ginawa.
"Bakit Li?" pagtataka ko namang tanong.
Bigla siyang napangiwi at nag-aalangan na nag-iisip. Lalo akong nagtaka dahil nga kanina lamang ay natuwa siya tapos bigla-bigla na lang nagbago ang reaksyon.
"Maganda na sana e' ngunit bakit mo naman hinugis ng ganyan?"
Napapakamot na tanong ni Alili. Para sa akin ay binagay ko lamang sa in-order ni Alfie at isa pa iyon ang bagay sa mga lalaking mahilig sa malalaki.
"Binagay ko lang naman sa parte ng manok na niluto ko at isa pa, gusto kong ipamukha lay Alfie ang mga bagay na gusto niya," tugon ko naman.
Agad ko namang pinaunawa kay Alili na hindi naman iyon kasiraan. Malakas kasi ang kutob kong magugustuhan niya ang pagkaing hinanda ko.
"O' siya hayaan mo na, basta akuin mo lang na ikaw ang gumawa kapag tinadtad niya ako ng sermon," nag-aalalang wika niya.
Para sa akin ay handa akong harapin ang sermon niya. Ilalabas ko ang armalyt kong bunganga kapag nagkataon. Isa pa ay wala namang mali sa ginawa ko kaya ipaglaban ko talaga.
"Oo naman Li, huwag kang mag-alala at natitiyak akong hahanap-hanapin niya ang pinagmamalaki kong spicy fried breast chicken!"
Nakangiti kong paninigurado sa kanya. Ngayon ko lang alam na ang isang COO ay mahilig sa breast. Paano ko kaya palakihin ng normal itong akin? Napatanong ako sa sarili sa bagay na iyon. Ngunit magugustuhan ba kaya ako kapag lumaki na ito?
Kakaiba ka talaga Alfie, ginulo mo ang mundo ko dahil lang sa bagay na iyan. Maswerte talaga itong Barbie Que at may taglay na kagandahan at kalakihan ng-"
Napatigil ako sa pag-iimagine nang kunin ni Alili ang gawa ko. Dinala niya ito sa mesa para makompleto na ang lahat ng pagkain. Isusunod ko na lang ang ginawa kong papaya and apple juice.
Speaking of papaya ay naalala ko na naman ang nag-iisang babaeng nagtataglay ng mala-papayang dibdib. Minsan ay naisipan kong itanong kay Barbie kong pinalamas niya ba iyan oh nilagyan ng palaman sa loob kaya malaki.
Aba'y puro na lang dibdib ang nasa isipan ko. Ito kasi si Alfie at Barbie ang may dala ng salitang dibdib. Paano... Paano kasi -"
Bigla ko iwinaksi sa isipan ang bagay na iyon. Nakakinis na at baka sa pagtulog ko ay hindi mawala sa akin ang bagya na 'yon.
Kinuha ko sa ref ang ginawa kong juice at nagtaka naman ako nang makita na kaunti na lang ang laman ng isang babasaging jug. Kunot noo kong pinagmasdan ito kung paano at sino ang ang uminom.
Hinintay kong makabalik si Alili at itanong ko na lang sa kanya. Baka kasi binigyan niya si Dads ng inumin dahil iyon ang mahilig manghingi ng kahit ano. Malakas din ito sa anumang inumin ayon sa kwento ni Alili.
Napabaling ang tingin ko sa lababo nang makita ang isang malaking glass. Sinilip ko pa ang natirang laman nito kung ang glass na ito ang ginamit. Bahagya ko pang inilapit ang ilong para amuyin ang baso.
Doon ko nakumpirma na ang basong ito ang ginamit ng taong uminom ngunit ang malaking katanungan ay sino ang uminom? Saglit lang naman akong nawala sa kusina kanina dahil nagpalit lamang ako ng suot na apron sa aming silid ni Alili.
"Ano 'yan?"
Sa sobrang kuryosidad ko ay nagulat ako nang magsalita si Alili. Muntik ng matumba ang baso na inaamoy ko. Saka ako humarap sa kanya para itanong.
"Li, sinong uminom ng juice na ginawa ko?" balik kong tanong.
"Bakit wala na ba?" pagtataka naman niyang tanong.
Lalo akong nagulihan dahil sa reaksyon ni Alili ay tila hindi niya alam na halos naubos na ito. Sino naman kayang bubuyog ang sumipsip ng juice na ginawa ko?
"Halos maubos na ag laman ng jug. Parang isang maliit na baso na lang ang natitira diyan!"
Bunuksan naman ni Alili ang ref at saka sinilip ang jug na halos wala ng laman. Tuloy naisipan kong gumawa ng panibago habang wala pa ang mga amo namin. Lalagyan ko na lamang ng ice para agad lumamig.
"Oo nga noh! Sino naman kaya ang uminom? Teka lang... Baka si Dads lang. Iyon kasi ang malakas uminom ng mga juice dito," ani Alili.
"Hayaan mo na Li, gagawa na lang ako ng bago. Hindi pa naman sila bumaba. Nasaan pala si Barbie?" tanong ko.
"Parang umakyat yata at sumama kay Alfie sa silid nito," tugon niya.
Natigilan ako ang agad na pumasok ng kung ano sa aking isipan. Baka mamaya ay nagkainan na ang mga iyon. Biglang binundol ng kaba at paninibugho ang nararamdaman ko.
Kaya naman ay dali-dali kong tinangg ang apron at sinampay sa plastic na upuan. Imbes na gagawa ako ng juice ay iba ang tumatakbo sa isipan ko.
"Li, ikaw na muna ang gagawa ng juice, susunduin ko lang si Alfie sa kanyang silid para sabihing maghapunan na!"
"Hey... Saan ka pupunta?"
Nagmadali akong lumabas ng kusina at hindi na binalingan si Alili na nagtataka sa kilos ko. Hindi ako papayag na ibang breast ang kakainin ni Alfie.
Tila kidlat sa bilis ng aking patakbong hakbang na inakyat ang hagdanan. Kahit hirap sa suot kong saya ay hindi ko alintana basta maabutan ko lang na hindi pa nagsisimulamg kumain si Alfie.
Nakakapraning pala ang mainlove ng ganito. Lalo pa ngayong magkasama na kami sa iisang bahay. Nang maeating ko ang silid ni Alfie ay hiningal ako. Akma akong kakatok nang marinig ang boses ni Barbie na malanding humahagikhik.
Lalo ko pang nilapit ang tainga at idinikit sa pinto para mas malinaw kong marinig.
"Ahh... Yeah... Yeah... Idiin mo pa!" ungol ni Barbie.
"Hala ano 'yon?" mahina kong tanong sa sarili.
Muli akong nakinig at patuloy na inaalam kung ano ang ginagawa ng dalawa. Tila uminit ang tainga ko sa paninibighong nararamdaman.
"Yan itaas mo pa, ahm... Ibaba mo ng kaunti," ani Barbie.
"Ayan sakto na ba? Fit na fit na sayo?" hingal na tanong ni Alfie.
Aba talagang inuna ang bagay na iyan kaysa pagkain. Para namang manibila ang minamaneho nito. Hindi na ako makatiis at pinihit ang doorknob ng silid ni Alfie.
Nawala ako sa sarili at hindi na iniisip kung tama ba ang ginagawa ko. Basta ang nais ko lang ay napigilan ang kanilang paglalaro ng apoy.
Walang pasabi or katok man lang ay malakas ko itong binuksan. Pareho kaming tatlo na nagulat. Ngunit mas nagulat ako sa nakita. Ang expectations ko ay malayong-malayo sa katotohanan.
"Mga bastos-"
"Iyon lamang ang nasambit ko. Nais ko man isatinig ang kanina lamang a saloobin at pag-iisip. Napatitig silang dalawa sa akin. Parang gusto kong hilingin na lamunin sa kakahiyan dahil sa mga maling naiisip.
"Ikaw na naman?"
"Oh' Talamak, ikaw pala," ani Alfie na hawak ang isang painting na isasabit niya sana sa pader.
"Teka nga lang, kanina ka pa ba diyan sa labas?" mataray na tanong ni Barbie.
"H-Hindi ah!" mariin kong tanggi.
Tila nahuhulaan niya ang pakay ko. Kahit madaling nauuto itong babae ngunit matalino ring mag-analisa at magbasa ng isipan ng tao.
"Are you sure? Why I just heard from you ang salitang bastos?"
"Opo ma'am, nandito ako para ayain na kayong maghapunan. Ang narinig mo naman ay nagkamali ka lang ng dinig. Ang sabi ko ay "mga boss" at hindi bastos," palusot ko naman.
"Ah... gano’n ba? Ang akala ko kasi bastos ang sinabi mo dahil malinaw ang pandinig ko sa sinabi mo!"
Mabuti na lang at muli kong nakumbinsi itong si Barbie Que. Kapag nagkataon ay matutuhog talaga itong malanding babae.
Patango-tango kong kinukumbinsi si Barbie. At sa muli ang naniwala naman itong uto-uto. Ngunit ang paningin ko ay tagos sa puso ni Alfie. Gustong halukayin ng mga mata ko kung nariyan ba ang pangalan ni Althea sa kanyang puso.
Biglang bumalik sa alaala ko ang pangalang binanggit ni Alfie. Aba'y sinusukat talaga ng lalaking ito ang pagkatao ni Tala. Anong ibig sabihin niya? Bakit Talamak ang itinawag nito sa akin.
"Sir, hayaan mo lang at kami ni Alili ang magsabit sayo sa pader," presenta ko pa.
Wala na ako sarili at nagkakamali na ng binabanggit na tamang sentence. Natigilan naman si Alfie sa sinabi ko.
"Ano isasabit mo ako?" tanong naman niya.
"Huh! May sinabi ba akong ganyan?" balik ko namang tanong.
"Anong akala mo sa akin bingi?"
Nagmadali akong naghanap ng malulusutan. Doon pumasok sa utak ko nang mapansin ang painting na kanyang inilapag. Ang anyo na nasa kuwadradong painting ay ang kanyang mukha. Kaya naman nakaisip ng magandang bagay ang maliit kong utak.
"Ah, ang ibig kong sabihin ay ang painting mo. Hindi ba at ikaw naman iyan? Medyo nagkamali lang ako ng binanggit," muli kong palusot.
Tila nanalo ako sa lotto nang mapagtagumpayan ang palusot na naiisip. Nagtaas kilay rin si Barbie sa isinagot ko at halatang na napabilib ko siya.
"Wow ha! Ang henyo pala ng katulong mo Babe, kaya lang ang pangi-"
Tumikhim si Barbie at hindi itinuloy ang sasabihin. Kung henyo man ako ay hindi naman Booba katulad niya. Proud pa rin ako na kahit papaano ay may ipagmalaki ako.
Lumapit ako kay Alfie at kinuha sa kanya ang painting. Nasabi ko na kami ni Alili ang magsasabit kaya ayaw ko na siyang mag-abala pa. Ngunit ang mas matinding dahilan ko ay ang palabasin silang dalawa sa silid baka kasi kung ano pa ang kanilang gagawin.
"Sir bumababa na kayo bago maubos ang in-order mong pagkain!" panunukso ko pa sa kanya.
"Bakit sino ang kakain ng order ko?"
"Basta bumaba na kayo para maghapunan," sagot ko naman.
Wala akong ibang maisip na paraan kaya iyon na lang ang ginamit ko. Naekwento kasi ni Alili sa akin na gustong-gusto raw ito ni Alfie. Kung maaari pa lang ang hinila ko na siya pababa.
"Babe, tara na at masama ang pinaghihintay ang grasya," anito kay Barbie.
Muli akong nagselos sa tawag niya kay Barbie. May pa babe pang endearment ang mga ito. Samantala sa akin ay tila isinumpa...