Chapter 7

1522 Words
ALTHEA'S P.O.V Nakasunod ako sa dalawa pababa matapos ko silang yayain na maghapunan na. Ngunit pawang nanunudyo o nagpapaselos itong si Alfie. Nagdadabog tuloy akong bumaba sa hagdanan at tila gusto kong magwala dahil sa pagseselo ko. Malakas na lumalagapas sa sahig ang suot kong tsinelas habang pababa. Napapalingon na sa akin si Alfie. Hindi ko siya pinansin at pinag-ukulan ng tingin. Naiinis ako at may pa Babe ang tawag babaeng malaki ang dibdib. Hawak kamay pa ang mga itong bumaba sa hagdanan. Parang gusto kong itulak ang mga ito para humiwalay. "Tala, galit ka ba? Kanina ko pa napapansin na nagdadabog ka diyan!" Napatigil ako sa paglalakad nang huminto si Alfie sa aking harapan. Dahil sa sobrang paninibugho ko ay nahagip ko siya sa biglaang paghinto ko. Napayakap ako sa kanya ng hindi ko sinasadya. Pinikit ko ang mga mata dahil ito ang kauna-unahang nangyari sa buhay ko ang mayakap siya. First time as in kaya sinamantala ko na. Ngunit imbes na matuwa ako ay nagulat ako nang magsalita si Barbie. "Hoy... Tomboy ka ba? Bitawan mo nga ako, nakakadiri ka!" singhal niya sa akin. Napaayos naman ako ng tayo sa narinig at kaagad na kinumpirma ang kayakap. Sa gulat ko ay napanganga ako ng wala sa oras. "Yack... Kadiri!" Nagpapagpag na usal ni Barbie na tila dumi ang kumapit sa kanyang balat. Hindi ko alam kung paano nangyari na si Barbie ang kayakap ko gayong sigurado ako si Alfie iyon. Napahagikhik naman si Alfie na nakatitig sa amin. Napahiya tuloy ako sa inasal. Mailap talaga ang lalaking ito. Matindi pa naman ang imagine kong first time lahat, iyon pala ay bokya na naman. "Ahm, Tala aminin mo nga! May gusto ka ba sa akin?" tanong ni Alfie. "Ay... Oo, hindi pala!" Nataranta ako sa harapan nilang dalawa. Hindi ko tuloy maitago ang hiya na siya namang nagtulak kay Alfie na asarin ako. "Kita mo na at nalilito siya!" panunudyo nitong wika. "Hindi ah... Masyado ka namang assuming. Hindi lahat ng gwapo ay guatuhin ko!" mariin kong tanggi. Sa inis ko ay iniwan ko silang dalawa at nagmamadaling tinungo ang kusina. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang sliding glass door at bumangga ako doon. Isang malakas na lagapak ang nagpagulat sa kanila. Basag ang suot kong salamin. Para akong butiki na dumikit sa pader. Ngunit lalo akong nainis na makitang pinagtawan nina Alfie at Barbie. Imbes na tulungan ako ay nakuha pa nilang pagtawanan ako. "Ang tan-g-a mo!" sigaw ni Barbie. "Alam mo Tala, para kang tala sa kalangitan. I'm sure nakita mo ang iyong sarili nang bumunggo ka diyan sa glass wall!" natatawang wika ni Alfie. Nagtuloy-tuloy ang dalawa sa hapag-kainan. Inayos ko ang sarili na medyo nahilo sa pagkakabunggo ko. Himas-himas ko rin ang noo na pawang matutubuan ng bukol dahil sa lakas ng pagkabangga ko. Naiinis na naman ako dahil apat na nga ang mata ko ay nabunggo pa. Pakibot-kibot itong bibig ko habang patungo sa kusina. Doon naman ay naabutan ko si Alili na naghuhugas ng mga plato. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi ko siya sinagot na naupo na lang muna dahil nahihilo ako. Nagtataka naman siyang napalingon sa akin. Kaagad niyang napansin ang noo ko. "Oh' saan ka ba nakipagbuno at bakit ganyan ang noo mo?" muli niyang tanong. Pakiwari ko ay lalo akong pumangit sa anyo ko. Gusto ko tuloy maiyak, ngunit hindi na ako bata para iiyak na lang kapag nadapa. "Bumangga ako sa glass wall Li," mahina kong tugon. "Ano ba naman 'yan? Hindi ka nag-iingat, baka mamaya ay matanggal 'yang mga anik-anik mo diyan sa mukha at mabuking tayo!" panenermon pa ni Alili. Napasandal na lang ako sa upuan at sandaling kinalma ang sarili. Marahil nagkaganoon dahil sa emosyon ko kanina. Kailangan kong kontrolin ang sarili sa susunod para hindi ako mapahamak. "Hayaan mo at mag-iingat na ako sa susunod. Ito kasi si Barbie at nilalandi ang boss natin, kaya naiinis ako!" "Ayon pala! So nagsesos ka doon sa dalawa, tama ba ako?" Hindi ako sumagot at dinampot na lang ang mansanas sa ibabaw ng mesa doon ko na lang ibinuhos ang inis sa pagkain. "Ang mabuti pa ay magpahinga ka diyan muna at mamaya na natin pag-usapan 'yan," ani Alili. Ilang sandali pa ay nagulat kaming dalawa ni Alili namg magtawag si Alfie sa amin. Nagtinginan kaming dalawa ni Alili. Ano kaya ang kailangan ni Alfie. Agad kaming lumapit ni Alili para alamin ano ang kailangan nito. Pagdating namin ay agad kaming napabati ni Alili kina ma'am Ana at kay sir Drew. Kakarating lang ng mag-asawa at magkasabay silang lahat na maghapunan. Ngunit pinagkakaguluhan nila ang ginawa kong spicy fried breast chicken. Tuwang tuwa naman sina Alfie at ang ama nito. Ngunit si Kuya Andrie lang ang walang pakialam sa gano’n. Napapailing na lang si Ma'am Ana sa mag-ama. Halatang nagmana itong si Alfie sa ama na mahilig sa mga malalaki. "Sinong gumawa nito at bibigyan ko ng isang kiss?" tanong ni Alfie na naaliw sa design ko. "Ako!" agad kong sagot. Deretsan kong inamin dahil proud ako sa gawa ko at hindi sa halik na ibibigay niya. Bunos na lang iyon kung talagang ibibigay niya. Napaubo naman si Alfie sa hindi niya inaasahang ako ang nagluto dahil kay Alili siya nag-order nito. "Aba, Alfie ang pangako dapat tinutupad. Hindi ba sabi mo magbibigay ka ng halik sa sinumang gumawa niyan!" panunudyo pa ni kuya Andrie. "Kuya naman e' masyado kang matalino para maalala iyon!" Tila ayaw ng aminin ni Alfie ang kanina lamang na sinabi. Hindi naman ako naghahangad na halikan niya. Napatawa si Andrie ng malakas. Pati ang kanilang mga magulang ay nakikitawa na rin. Habang si Barbie naman ay nakasimangot dahil nagustuhan ni Alfie ang pagkain. "Sige nga gawin mo nak!" Pag-checheer up pa ng kanyang ama. Napuno ng buyo ang hapagkainan at nakalimutan na nilang maghapunan dahil sa biruan. Dahil sa medyo may pagkatuso itong si Alfie ay lumapit sa akin. Napaatras pa ako na baka tutuhanin ni Alfie ang halikan ako. Ngunit masyado yata akong assuming sa bagay na iyon. Inilahad ni Alfie ang kamay sa harapan ko at hindi ko alam ang kanyang naiisip. Hinalikan niya ang palad at pagkatapos a hinipan ito sa aking harapan. Hindi ko naman na gets ang ginawa niya at tinawanan lamang ako. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa kanyang ginawa. "That's enough! Let's start eating," ani Andrie. "Salamat sa food Tala!" Halos pabulong na wika ni Alfie bago niya ako tinalikuran. Medyo natuwa ako doon dahil na-appreciate naman nila ang ginawa ko pero hindi naiwasang mapagtawanan nila ako. Whatever, basta hindi sila nagalit. Alam ko naman na mabait ang pamilya nila kaya wala akong takot na gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi naman masama. Bumalik kami ni Alili sa kusina at hinintay na matapos sila sa pagkain. Nang makaupo ako ay nagtungo si Alili sa ref at mayroong hinanap. "Hala, bakit wala na itong laman?" tanong ni Alili. "Ano iyon Li?" tanong ko rin. Hawak niya ang maliit na bote at sinasalat ang bandang pintuan ng ref. Kumunot naman ang noo ko kung ano ba ang hinahanap niya. "Ito kasing bote at wala ng laman. May ginawa akong formula na iapply ko dito sa anit ko dahil naglalagas ang buhok ko," sagot naman ni Alili. "Baka natumba at natapon lang diyan." "Nakakapagtaka naman kung natapon dahil wala akong masasalat na medyo malangis dahil may halong oil iyon!" "Huh! Sure ka ba?" Napalapit na ako sa kanya ang sinubukang salatin ang pinglatyan niya. Ngunit napadako ang aking tingin sa jug na mayroon juice na natira. Binuksan ko ito at doon nakita ko ang oil na lumulutang sa ibabaw ng ginawa kong juice. Napatakip ako ng bibig dahil doon napunta sa juice ang formula na ginawa ni Alili. Nag-alala ako bigla baka isa sa mga amo namin ang nakainom noon at natitiyak kong magtae talaga ang nakainom nito. "Li paktay tayo nito! Ang formula na ginawa mo ay naihalo sa juice na ginawa ko!" gulat ko bulalas sa kanya. "Ano?" maang na tanong ni Alili. Napakamot kaming pareho sa ulo ni Alili dahil masesermunan talaga kami nito. Gusto kong matawa ngunit may takot akong nararamdaman. Sa aming pag-uusap ni Alili ay nagulat kaming dalawa na nagmamadaling dumaan si Barbie na hawak-hawak ang puwet. Tinungo niya ang C. R sa gilid nitong kusina "Siya kaya ang uminom?" sabay naming tanong ni Alili. Napatawa pa kaming dalawa. Naisip ko na baka nga si Barbie ang uminom ng juice na ginawa ko dahil siya lang ang tao sa sala noong umalis kami ni Alili sa kusina. Binilangan ko kung ilang oras siyang nasa loob ng banyo. Dahil tiyak na sa isipan kong siya ang uminom ng juice. Paglabas niya ng banyo ay namumutla si Barbie. Nakailang hakbang pa lang siya ay agad siyang napasok muli sa banyo. Dahil sa papaya and apple shake iyon kaya naman mabilis ang bisa,dagdagan pa ng formula ni Alili kay iyon boom na boom ang labas. Ang takaw niya rin dahil halos maubos na niya ang laman ng jug. Hindi kaya iyon ang sekreto niya sa pagiging malaki ang hinaharap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD