ALTHEA’S P.O.V MATAPOS ko magawa ang pinagbilin ni Yna ay paikot-ikot ako sa loob ng bahay. Nag-iisip ng dapat gawin dahil bantay sarado ang buong paligid. Natitiyak kong nag-aalala na ngayon si Alili, naguguilty na naman ako dahil hindi ko nagawa ang magpaalam sa kanya. “Idea! Idea …” Tinampal ko ang noo para makapag-isip ako ng dapat gawin. Hindi pwedeng mahuli na naman ako sa mga masamang balak ni Yna. Napasilip ako sa labas baka sakaling may makitang bagay na pwedeng magamit. “Hoy, anong sinisilip mo diyan?” tawag pansin ng lalaki na isa sa mga tagabantay. “Hoy ka rin, may pangalan ako!” “Aba’y wala akong pakialam kung ano ang pangalan mo. Ang tanong ko ang sagutin mo!” sigaw nito sa akin. Wala akong laban kung makipagtalo ako sa unggoy na ito. As always kailangan kong makipagla

