ALFIE’S P.O.V Isang ngiti ang ibinungad sa akin ni Eon, hindi ko alam kung good or bad news ba ang kanyang dala. But then I always think positive at iyon ang laging payo sa akin ng mga kaibigan ko. “What’s up? Mukha yatang latang-lata ka?” agad niyang tanong nang makaupo sa harap ko. Mapakla akong ngumiti sa kanya kasabay ng mahinang pagbuga ng malalim na hininga. Lately kasi naging pressure itong si Kuya Andrie sa trabaho. Sinabayan pa ni Althea na pasulpot-sulpot kung minsan dito sa opisina ko. “Pagod lang pre, kakabalik ko lang mula sa bahay ng isang customer. Alam mo na mahigpit kong binabantayan ang mga tao na gumagawa doon para iwas ako sa sermon ni Kuya.” “Kaya pala bihira ka na lang sumasama sa amin. Baka may reason lang ang kuya mo kaya ganoon lang siya kahigpit sayo,” anit

