ALTHEA’S P.O.V Inis na inis akong bumalik sa tarabaho dahil sa lalaking iyon. Muntik naman masira itong salamin ko na kakabili lamang. Nagmamaktol pa akong pumasok sa bahay nang makapasok ako. Ngunit kinabahan ako sa lalaking iyon at hindi ko malaman ang nararamdaman. Napatigil ako nang maalala ang anyo ng lalaki, tila ba may nakilala akong anyo niya but impossible. Hindi naman siguro niya ako susundan kung wala siyang pagdududa sa akin. Gosh, nagdududa na nga ba siya sa akin? “Hooo…” “Ay…pusang gala ka!” Malakas na hampas ang iginawad ko sa taong nanggulat sa akin. Hindi lang isa ngunit sinundan pa ng dalawang malalakas na hampas dahil sa gulat ko. “Aray! Aray, tama na…” Saka lamang ako tumigil nang mabosesan ang lalaki. Tila naupos akong kandila na makitang si Alfie pala ang na

