Ariane's POV:
Di ko inexpect na makikita ko ulit yung girl na nag ligtas sa akin nung isang gabi. Di kasi ako nasundo ng driver ko dahil sa isinugod raw sa ospital ang asawa nya dahil manganganak na, wala rin si Dad at Mom para sunduin ako.Kaya nag lakas loob nalang akong mag commute.
Ang malas ko kasi nung araw na yun, pumasok pa sa isip ko na baka huling sandali ko na yun. Buti nalang talaga at dumating si Lauren. I admire her for being so brave di talaga sya na takot na iligtas pa ako in fact pwede nya naman akong iwan.
Well maybe she really have a good heart, that's why I'm really thankful for what she did. At least may mga tao pa ring di lang kapakanan ang iniisip. I find her pretty and cool, Matangkad rin ito mag kasing tangkad lang siguro sila ng nakakatanda kong kapatid. Naaalala ko pa nung pinagalitan nya ko laat night dahil mag isa lang akong nag lalakad, nakakatawa lang kasi kung mangaral sya kala mo nakakatanda mong kapatid tapos sya rin pala ay mag isang nag lalakad. Oh diba ang galing nyang mangaral, kahit pa sabihin nyang malapit lang bahay nila. Mag isa pa rin sya.
Nasa kalagitnaan ng pag tuturo si Mr. Bautista ng biglang may nag salita mula sa pinto.
"Excuse me Sir, I'm Sorry I'm late..."
Tinignan ko naman kung sino ang nag lakas loob na abalahin ang terror na professor namin, laking gulat ko ng makita ko sya.
Si Lauren.
"Okay, palalampasin ko since it's the first day of class pero ayoko ng maulit to Miss?"
"Lauren Rae Mendez po." Sagot nito.
"Am I clear Miss Mendez?"
"Yes Sir."
Mukhang nag hahanap pa ata ito ng mauupuan.
"Lauren, dito ka..." nakangiti kong paanyaya. Since wala pa naman talaga akong katabi sa left side ko, si Blue naman kasi ay sa right side ko naka upo.
Mukhang nag aalangan pa itong tanggapin ang paanyaya ko.
"Sige na Lauren, I insist." I said with my sweetest smile.
I want to get close to her of course that's why I insist.
"Uhhm. Thanks." Sagot nito.
Napaka seryoso naman nitong babaeng to.
Umupo na sya sa tabi ko, pero di man lang ako pinag ukulan ng pansin. Maybe she's badtrip or not in the mood, hinayaan ko nalang muna sya at di na kinulit.
"Girl, bat mo naman sya pinatabi satin?" Blue asked whispering.
"What? I just wanna make friends." I answered. Problema nito.
"Haaaish. You really don't know anything at all." Blue sighed. "I'll tell you later, after ng klase." Habol pa nito.
After ng klase, dali-dali akong hinila ni Blue palabas ng classroom.
"Bat kaba nag mamadali?" I asked out of curiosity.
"Kasi nga diba may sasabihin ako sayo..."
"Tungkol san ba yan?" tanong ko.
"About that girl." Turo nya kay Lauren mula sa bintana, buti nalang abala ito sa pag aayos ng bag nya.
"Uhuh? Then what about her?"
"Look, di ka dapat makipag kaibigan sa kanya. Don't you know na kasama sa isang fraternity ang boyfriend nya?"
Really? I didn't know anything. Pero ano naman ngayon?
"So?" tipid kong tanong.
"Mamaya ma-envolve ka sa mga kaguluhan nila."
Alam ko namang concern lang ito para sakin, pero ang nega nya naman.
"Ang nega mo Blue ha..."
"Hindi sa masyado akong OA mag isip sinasabi ko lang ang posibleng mangyari..."
"She saved me." tanging sagot ko para matigil na sya sa pagiging nega nya towards Lauren.
"Huh? She saved you? From what?"
"Last night kasi hinoldap ako, and she was there to save me..." nakangiti kong sagot.
"What?! Are you serious?!"
Kita mo to, OA talaga ng baklang to.
"Yes, at kung hindi dahil sa kanya baka wala na ako ngayon."
"Anong pinag uusapan nyo?" biglang sulpot ni Pressy out of nowhere.
"Pressy!" saad ni Blue. "Alam mo bang hinoldap tong si VP?"
Talaga naman ee... Di nya naman kailangan sabihin pa dito. Tsk!
Mataman akong tinignan ni Pressy at bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Is that true?" she seriously asked.
Di tuloy ako makatingin sa kanya ng diretsyo.
"Uhmm. Oo, pero okay naman ako. Thanks to Lauren." nakangiti kong sagot para mawala ang pag aalala nya.
"Lauren?" she asked na nakakunot ang noo.
Sakto namang lumabas si Lauren, I immediately grab her arms and pull her closer to me. Halatang ikinagulat nya rin ang ginawa ko sa kanya dahil nakasalubong ang kilay nito.
"She's Lauren... The girl who saved me." nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.
Mataman lang syang tinitigan ni Pressy.
"Hi... I'm Liane Kaye Embrador, Ariane's Sister."pag papakilala nya sa sarili.
Yes she's my Sister, Older Sister. First daugther sya ni Mom sa pagka dalaga thats why we have different surnames.
Nabuntis kasi si Mom ng boyfriend nya noong dalaga pa sya, at ng malaman ng boyfriend nya that she's pregnant. Bigla itong naglaho na parang bula.
Napansin kong di umimik si Lauren at nakatitig lang sa kapatid ko. Bahagya ko naman syang siniko, mukha kasing wala syang planong sumagot at tanggapin ang kamay ng kapatid ko na ngayon ay tingin koy nangangalay na.
Bumalik naman sa katinuan si Lauren, kaya mabilis nyang tinanggap ang kamay ni Ate.
"I-I'm L-Lauren..." nauutal na sagot nito.
Is she distracted with my sisters presence at na tense sya ng ganun. Kung sabagay kahit sino ay ganun talaga ang reaksyon kay Ate.
Bahagya lang itong nginitian ni Ate, saka binawi agad ang kamay. Knowing her, she's not really friendly at all. Mas marami ang na iintimidate sa kanya, even Blue feels that sometimes.
"Thank you for saving my Sister." seryosong sabi nito.
"W-Wala yun, gagawin naman ng kahit sino yun ee..." sagot ni Lauren.
"Saving whom?" sulpot ng isang lalaking di ko kilala.
"And who do you think are you at bigla bigla kang sumusulpot sa pinag uusapan namin?" my sister asked na halata ang pag kainis sa boses nito.
"Uhhm. Sorry his my boyfriend, Denise." Sagot ni Lauren.
Talaga boyfriend nya to? tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Sa awra nya palang, ayoko na sa kanya. Di naman ako madalas ganito sa isang tao, pero ewan ko may something sa lalaking to na ayoko.
Napansin kong palihim na napataas ang kilay ni Ate at ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya bumalik sa pagiging poker face ang mukha nito.
"Hi I'm Blue Auditor of this school, She's our president Ms. Liane and our Vice President Ariane." isa-isang pakilala ni Blue sa amin.
"Its a pleasure to meet you all, lahat pala kayo eh mga officers ng school. Lalo kana Miss President." nakangiting sabi nito sabay lahad sa kanyang palad.
Iba ang tingin nito kay Ate, parang hinuhubaran nya na si Ate sa klase ng tingin na ipinupukol nya para kay Ate. Tinignan ko naman si Lauren kung nakikita nya ba kung pano titigan ng boyfriend nya ang nakakatanda kong kapatid.
Ngunit naka yuko lang ito, na tila napaka lalim ng iniisip. Pero agad namang nag iba ang expression ng mukha ni Lauren.
Saka ko lang napansin na di man lang tinanggap ni Ate ang pakikipag shake hands nito, kaya binawi agad ito ng lalaki.
"Wait Hon, ano ba yung pinag uusapan nyong you saved someone?" pag iiba nito sa usapan para pag takpan ang pagka pahiya nya.
"Wala--" di natapos ang ano mang sasabihin ni Lauren dahil biglang nag salita si Blue.
Tong baklang to talaga, kahit kailan chismosa.
"Niligtas lang naman ng girlfriend mo tong si Ariane mula sa holdaper nung isang gabi." saad ni Blue.
"Wow Hon, di mo sinabi sakin..." nakangising sabi ng lalaki.
Di ko alam kung bakit natuwa pa sya sa ginawa ng girl friend nya hindi ba dapat ay mag alala to?
"Hon, kailangan ko ng umalis. May gagawin pa ko." saad ni Lauren na dineadma lang ang sinabi ng boyfriend. "Uhm. kailangan ko ng umalis." Paalam nito sabay hila sa boyfriend nya.
Tinignan nalang namin sila papalyo, hinarap uli ako ng kapatid ko.
"Next time be careful and when you need help, don't hesitate to call or text me. Do you understand?" seryosong baling sakin ni Ate.
"Okay, sorry Ate."
Tumango lang ito at umalis.
"Ang daldal mo talaga bakla!" saad ko dito.
"Ehh kailangan nya ring malaman no." sagot pa nito.
"Haaay ewan ko sayo."
"Ariane napansin mo ba yung mga titig ng boyfriend ni Lauren sa Ate mo?" tanong ni Blue.
"Hmmm. Hindi ee... pano ba sya tumitig?" pag kukunwari ko.
"Alam mo yung mga tinginan ng isang taong manyak, ganun na ganun."
Sabi ko na ehh, di ko lang basta guni guni yun. Tsk! Anong klaseng tao ba ang Denise na yun?
Lauren's POV:
"Hon, di mo sinabing may utang na loob pala sayo si Miss Ariane." natutuwang saad nito.
"Hon, walang may utang na loob sa akin. Tinulungan ko lang sya dahil kailangan pero it doesn't mean may utang na loob na agad sya." litanya ko.
"Hon, di mo ba naisip. Pwede mong gamitin yun para mapalapit ka sa kanya... maging close kayo."
"Ayoko." tipid kong sagot. nakakaramdam na talaga ako ng inis sa mga oras na to.
Bat nya pa kasi kailangang marinig yun, mas lalo lang tong mag iisip na mag take advantage dahil sa nalaman nya.
"Hon, thats the only way para masolve agad ang problema natin."
"Denise! Thats not the right thing to do. Why are you thinking that way? Di ka naman ganyan noon ahh." di ko na natiis na wag magalit.
"Hon, people change. Isa pa sagad na ko, pinaaalalahanan nanaman kasi ako ni Jasper." malungkot na sabi nito. "Please hon, do this for me."
"Arggh! di ko na talaga alam ang gagawin ko sayo Denise."
"Hon please, I promise after this mag babago na ko. Di na ko uutang. Promise, Ayokong mabugbog Hon please." pag susumamo uli nito.
"Fine! For the first time gagawin ko to, pero sinasabi ko sayo di na mauulit to."
I sighed in depression, sinabi ko nalamang yun para matigil na sya. Pero gagawa pa rin ako ng ibang paraan susubukan kong mangutang sa mga kasama ko. Kahit kailan di talaga sumagi sa utak ko ang mang gamit ng tao.
"Thank you hon!!!" saad nito at mahigpiy akong niyakap.